The Battered Husband

224 Words
Simula pa lang ay tutol na ang mga magulang ni Sebastian sa kaniyang desisyon na pakasalan ang kaniyang kasintahan na si Aira, dahil lamang sa nabuntis niya ito. Ngunit buo ang desisyon niya na panagutan ang bata dahil ayaw niyang lumaki ito kagaya niya na lumaki na sira ang pamilya.  Naging mabuting ama siya at asawa. Gagawin ang lahat upang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kaniyang pamilya kahit ano pang panunumbat ang gawin ng kaniyang mga kamaganak. Pupunan niya ng sobra-sobrang pagmamahal at pag-aaruga ang kumpleto at masayang pamilya na kaniyang minimithi. Ngunit hanggang saan ang kaniyang pagtitiis upang panatilihin na buo ang sariling pamilya, kung ang pang-aabuso at pagmamalupit na natatanggap niya ay mula mismo sa babaeng minahal, pinaglaban at pinakasalan niya.  Ano ba ang dahilan ni Aira at bigla itong nagbago at nagawang saktan ang kaniyang asawa? Hindi magiging madali ang lahat para kay Sebastian lalo pa at sa ilang beses na nasabi niya ang kaniyang kalagayan ay tanging katatawanan lamang ang kaniyang natamo mula sa mga dating mga kaibigan. Sa mundong tingin sa lalaki ay malakas at ang babae ang susunod sa asawa nila. May boses nga ba si Sebastian, lalo kung abot na sa hangganan ang kaniyang dinadanas mula sa asawa? Kaya bang resolbahan at ayusin ang pagsasama nilang mag-asawa o mauuwi rin sa paghihiwalayan ang pagitan nilang dalawa?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD