SIMULA

2067 Words
Simula Love, maybe, is really not for me. Siguro ako na ang pinakamalas na tao sa mundo. Natanggal na nga ako sa trabaho, hiniwalayan pa ako ng long-time boyfriend ko. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Masasaktan o magagalit? Maybe both. I hate him that I want him to suffer too. I want him to feel the same pain I'm enduring right now. I wish he couldn't find happiness with her. How could he easily throw ‘us’ away like that? He gave up while I'm still trying to save ‘us.’ This is so unfair! Paano niya ako nagawang iwan nang hindi ipinapaliwanag sa'kin ang lahat? Am I not enough? "Anong gagawin mo ngayon?" tanong ni Zelly na hindi inaalis ang tingin sa magazine na hawak-hawak niya. Sumilip ako sa tinitignan niya. Sa totoo lang, hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang lahat kahit gaano ko ipilit sa sarili ko na kalimutan siya. Bawat galaw ko, salitang bibigkasin ko — sumasagi siya sa isipan ko. This is really so unfair. How could I think of someone who is not even thinking about me? "Van Gibson, huh." Nakuha ko ang atensyon niya ngunit bahagyang nagtaas ang kilay ko nang masamang tingin ang ibinaling niya sa'kin. "Kamusta naman ang ex mo na ipinagpalit ka?" taas-kilay na tanong niya. Iba talaga ang tabas ng dila nito. I'm still at the process of moving on, but here she is, asking about my ex-boyfriend just to get back at me. Naalala ko na naman kung paano ako basta-bastang pinalitan at sinaktan ng lalaking mahal na mahal ko at ginawa kong mundo. I was so desperate that I did all the humiliating things just to get him back, but he never even made an effort to hold my hand. He let me go without even trying to save ‘us.’ 'Please… Kausapin mo naman ako. Hindi ko kasi maintindinhan. Ginawa ko naman lahat para sa ating dalawa. Bumalik ka na sa'kin.' I sent him message again, and not even once he replied. I haven't received anything from him. Tama pa ba itong ginagawa ko? Tama pa bang habulin ko ang taong mabilis na tumatakbo palayo sa'kin? I feel like reaching for someone who will never show up again. This is the hardest situation of being broken — moving on. I never stopped begging since day one. I never stopped seeking and reaching for him. I never stopped even though I feel so small already. I never stopped... because I love him so much. Kahit sabihan pa akong desperada and all, wala akong pakialam. What only matters to me is him — having him back. Siya ang buhay ko. "Miss, ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na huwag ka ng babalik dito," ani manong guard na pinipigilan akong pumasok sa hotel kung saan siya namamalagi. Pabalik-balik ako rito kahit na alam kong walang chance na harapin niya ako. Pero ayokong sumuko. Ayokong isuko siya. “I just wanted to see and talk to him.” Nabasag ang boses ko. I want to know his reason why he broke up with me. I feel like dying thinking about his reason. We are just madly in love with each other and I don't believe him saying he doesn't love me anymore. Halos araw-araw lumuluhod at nagmamakaawa ako sa guard para lang papasukin ako. Ginawa kong tanga ang sarili. Naging desperada sa lalaking tinalikuran ako. "Miss kung hindi ka pa titigil magtatawag na ako ng police. Pag-iiskandalo na ang ginagawa mo." Umiling ako. "Just let me in. Gusto ko lang — Kiel!" tawag ko sa pangalan niya nang makita ko siya. Hindi ako napigilan ng guard nang tumakbo ako papasok. Mabilis kong nilapitan si Kiel na matamang nakatingin sa'kin na para bang hindi niya ako kilala. The way he stares at me is so different. I really lose him already, without a chance at all. I tried to hold his hand, nagbabakasakaling hawakan niya rin ang kamay ko at makakita pa ng pag-asa para sa aming dalawa. Pero mas nadurog ako dahil sa halip na kamay ko ang hahawakan niya, kamay ng iba ang hinawakan niya. Why can't I just have him back? Why are you taking him away from me? Binigay ko ang lahat sa kanya. Pero bakit ganito? Sobrang sakit ng balik sa’kin. "Stop this, Krystal. You're a mess," he said coldly that caught me off guard. He shifted his eyes to the girl beside him. He smiled... not to me. Kahit gaano ko pigilan ang luha ko ay kusa itong lumalabas sa mga mata ko. Dahan-dahag lumuhod ako. Patuloy na nagmamakaawa. Patuloy na umaasa. Shootangina! Mahal na mahal ko talaga siya. "I'll give you time to talk." Reality just hit me when they kissed in front of me! Talo na talaga ako. That's my kiss before. Ako ang hawak niya noon. Akin ang yakap na iyan noon. This is a torture to me. Tila ako naubusan ng hininga dahil sa nakikita ko. Para akong sinasakal. Sinasaksak. Sana pinatay niya na lang ako. "Anong gusto mong pag-usapan?" he asked coldly with a cold blank stare. His eyes are full of love every time he stared at me before, but now, I can't see it anymore. I'm still staring at his eyes… I want to see some hope to his eyes. An assurance na may babalikan pa ako. Na akin pa rin siya. Napayuko ako. Wala na talaga. "Stop torturing yourself. I made myself clear to you before I let you go. Let's just end this. Don't text me ever again. Don't show up like this ever again. Don't beg ever again. You’re not stupid. Alam mong hindi kita minahal. Tigilan mo na ito," mahabang litanya niya na hindi naaalis ang pagkakatingin sa’kin. "Why are you doing this?" I asked, begging for an answer. Tears kept streaming down my face. "You're not the one for me." Hindi ko nagawang ibuka ang mga labi ko dahil sa malamig na turan niya. Nasapo ko ang bibig ko nang tuluyan na niya akong tinalikuran. Hindi sumagi sa isip ko na darating ang araw na ito sa’kin. Sinubukan kong intindihin ang lahat, indahin ang sakit, at unawin ang mga nangyari. Pero hindi ko kaya. Para akong mababaliw sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Napasalampak ako sa baitang ng hagdan dahil sa panlalambot ng aking tuhod. Sinubsob ko ang mukha ko sa aking tuhod at hinayaan ang sariling umiyak ng tahimik. Wala akong ginawa sa dalawang taon na naging kami kundi ang mahalin siya. Sa dalawang taong iyon, sa kanya umikot ang mundo. Minahal ko siya ng higit pa sa sobra kahit na alam kong napakaimposible ng lahat sa aming dalawa. Siya ang mundo ko, pero iba ang naging mundo niya. Ako ang una, pero iba ang huli niya. "Pinuntahan mo na naman siya? Nababaliw ka na ba?" sigaw ni Zelly nang magpasundo ako sa kanya. Mabilis kong pinunasan ang luhang biglang kumawala sa aking mga mata. Hindi ko alam kung paano mawawala ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung hanggang kalian ako magiging ganito. How could I possibly live now kung wala na ang taong itinuring kong mundo? "This pain is killing me," saad ko sa pagitan ng paghagulgol. Mas lalo akong naiyak nang yakapin niya ako. "Hindi siya worth it. Huwag mong iyakan ang isang taong hindi ka kayang ipaglaban. Sapat na iyong minahal mo siya. Hindi mo p’wedeng isisi sa sarili mo ang lahat. Wala kang kasalanan dahil ang tanging naging kasalanan mo lang ay mahalin siya." Pero mas lalo akong naiyak dahil alam ko at the end of this day... at the end of these tears, I still love him. Akala ko kaya niya akong ipaglalaban. But he left me without a trace of him, but with a trace of pain. "Bar tayo. Sagot ko!" That night, I spent my time drinking. Inom dito. Inom doon. Nagsaya. Sumayaw kasama ng iba. Nagpakalunod sa alak para kalimutan ang lahat. Ginawa ko ang lahat para makalimutan siya. And that night I succeeded. Nakalimutan ko siya. Pero ng gabi ring iyon isang pagkakamali ang nangyari. "Shoot!" mahinang mura ko nang magising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Takot ang naramdaman ko nang makita ang isang lalaki na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Nanginig ang buo kong katawan — anong nagawa ko? Gusto kong sumigaw dahil sa frustration na nararamdaman ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang pilit inaalala ang lahat, pero walang pumapasok sa isip ko. ‘Okay, Krystal! Ang gawin mo ngayon... umalis ka!’ Marahan ang bawat galaw ko nang umalis ako sa kama, ngunit nagulat ako at tila nanigas ang buong pagkatao ko nang biglang may isang kamay ang humila sa’kin pabalik sa kama. My heart pounded. He placed his hand around my bare waist. Kinilabutan ako nang maramdaman ang hawak niya. "You'll leave after what happened?" he asked in a dry raspy voice as he slowly opened his eyes. Our eyes met. I gulped. "Will you move — gracious! I mean move away!" I hissed when he suddenly move towards me instead moving away. He chuckled! This asshole! Ayokong gumalaw dahil kung gagawin ko iyon — I will feel his. We are both naked for pete's sake. May nangyari ba talaga sa amin? I can’t damn remember everything. Marahas akong bumangon at kinuha ang kalahati ng kumot para takpan ang katawan ko. I bit my lower lip while thinking intently. I need to remember something. No. Not with this heartless jerk. "You took advantage with my weakness..." "Don't say a thing!" I gritted my teeth cutting him off. He sneered and shrugged his head. He sat down without even minding that he’s half naked. "We had s*x." Mariin kong naipikit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. It's so easy for him to say that, because that's his nature. Having s*x is his hobby. "No we didn't! I just fell asleep..." "Naked?" he cut me off with a smirk pasted on his face. Nahigit ko ang aking hininga. "This is a whole mistake," I said trying to process everything. What the... mabilis akong nag iwas ng tingin nang bigla siyang tumayo. He's naked! What's wrong with this guy? "Eat before you leave. Fix yourself. I'll cook," annoyed, he said. I rolled my eyes. "You don't need to act like an oh-so-called-gentleman, because that doesn't suit you to be called one," pagtataray ko. Binalot ko ang katawan ko ng kumot bago bumaba sa kama. Pinulot ko ang mga gamit kong nagkalat sa sahig. But something is missing. Where's my underwear? "If you're looking for your underwear I tore it off last night when I suck... " "CUT OFF," may pagbabantang turan ko. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Tila umakyat ang dugo ko sa mukha nang makita ang ginamit naming... shootangina Krystal! Bakit ang dami? This is literally a problem! Mabilis akong pumasok sa banyo habang iniinda ang sakit ng p********e ko. "What actually happened?" I asked to myself trying to figure out everything. Why him? Of all people? Why? Saka lang ako lumabas nang masigurong okay na ako. I took all my courage to act cool, kasi wala na rin naman akong magagawa. It happened already. Huminga ako ng malalim. "Thanks for the food, but I'm not in the mood to eat with you," I said with my brow arched when I saw him preparing a breakfast. His eyes are pasted on mine as his index finger is playing on his lower lip. "Why? Do you want to eat me instead? I'm more than willing to offer my body if you want." He smirked. I glared at him. "So you're leaving despite of what happened?" he asked again when I was about to walk away. "I don't think you can do that. I'll take responsibility for what happened. I will marry you if you want." Muli ko siyang hinarap. I sneered. "I don't want another asshole in the same family tree ruin my life... not again," I said in a gritted teeth. I turned my back at him and I was about to walked out when he speaks that literally caught me off guard once again. "Then don't show up in front of me, because if you did... I won't let you go again." I closed my eyes intently. No. Not with him. Not him. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD