Chapter 12

1174 Words
“May nangyari po ba?” nagtatakang tanong ni Meldy sa ibang katulong dahil kanina nang magising siya, nakita niya si Eliot na karga na si Elise habang tulog pa at parang nagbago ang ihip ng hangin sa pagitan nila dahil kung tignan siya ni Eliot para bang isa siyang ‘holiness’ na dapat sambahin. “Wala naman po Miss Meldy. May kailangan po kayo? Sabihin niyo lang, gagawin ko.” Bahagyang napaatras si Meldy dahil kahit ang mga maid sa bahay ay naging mabait sa kaniya bigla. Tumakbo siya sa papasok sa loob ng kwarto niya. “Ang weird nilang lahat!” Sabi pa niya. Gaya kanina, habang kumakain sila, biglang naging malambing si Eliot sa kaniya. Sa sobrang bait nito, tumatayo ang balahibo niya. “Meldy, gusto mo ba ng juice?” “P-Po?” gulat na gulat siya. “Ah sige po sir,” sabi niya. “Hotdog?” “Sige po.” Tapos kada subo niya ng pagkain, alam niyang pinapanood siya ni Eliot. Gusto na lang niyang umiyak dahil nawi-weirduhan na talaga siya sa mga nangyayari. “Bakit ang bait niya sa akin?” tanong niya sa harapan ng salamin nang makapasok siya sa kwarto niya. “Bibitayin na ba ako kaya niya ako pinagsisilbihan?” “Miss Meldy, tawag po kayo ni sir Eliot!” rinig niyang tawag ng maid sa labas ng kwarto niya. Napa-sign of the cross siya sa kaba. Hindi niya alam kung bakit tila nag-iba ang ihip ng hangin. Paglabas niya ng kwarto niya, nakangiti sa kaniya ang katulong. “Hello Miss Meldy,” Agad siyang humawak sa kamay ng katulong. “Ate, papatayin na ba ako? Ipapakulong? May nagawa po ba akong mali?” umiiyak na tanong niya. “Po?” nagulat ng husto ang maid. “Bakit ang bait niyo sa akin? Bakit ang bait bigla ni sir Eliot?” Natawa ang maid sa turan niya. “Hali ka po Miss Meldy. Malalaman niyo kung bakit.” Agad siyang umiling, takot sumama at baka electric chair na ang naghihintay sa kaniya. Pinilit siyang hilahin ng maid dahil ayaw sumama ni Meldy sa kaniya. “Ayoko po. Maawa kayo sa akin!” Sabi pa niya. Nadatnan sila ni Mr. Sy, na siyang nakakunot ang noo sa kanila habang nakatingin. “Anong nangyayari?” takang tanong niya. Agad na tumayo si Meldy at lumapit sa kaniya. Humawak siya sa kamay ni Marcelo, hindi alintana ang malamig na tingin nito sa kaniya. “Sir, may nagawa po ba akong mali para magalit ng ganito si sir Eliot sa akin?” nagtaka ng husto si Mr. Sy “What do you mean?” tanong niya dahil the last thing he knew, masayang masaya si Eliot na nakilala niya si Meldy. “Bigla po siyang bumait sir. Hindi naman po mabait si sir Eliot e,” napatingin si Mr. Sy kay Eliot na nasa likuran ng dalaga at pinanood si Meldy na walang kamalay-malay sa presensya niya. “Si sir hindi mabait?” tanong ni Mr. Sy pinipigilan na huwag matawa. “Opo sir. Alam mo hindi ba kasi butler ka niya? Ang sama ng ugali niya. No’ng sa party nga, 5 minutes break ay hindi ako pinayagan tapos kanina bigla bigla nalang niya ako bibigyan ng juice tapos basta, nag-iba ang ugali niya. Bigla nalang siyang bumait. Kakaiba ‘di ba?” “So what’s your issue? Ayaw mo bang maging mabait siya?” tanong pa ni Mr. Sy, nage-enjoy sa ginagawa niya. “Iyon nga po sir. Bigla siyang bumait sa akin kaya feeling ko ay baka bibitayin na niya ako at huling araw ko na ito kaya pinagsisilbihan ako ng lahat.” Tumingin si Mr. Sy kay Eliot. “Sir, bibitayin mo na ba si Meldy?” Nanlaki ang mata ni Meldy sa sinabi ni Marcelo. Agad siyang napatingin sa likuran niya at nakita niya si Eliot na masamang nakatingin sa kaniya. Nakagat niya ang pang ibabang labi niya at gusto ng tumakbo paalis para magtago sa nakamamatay na tingin ni Eliot Santisas sa kaniya. Tumingin siya ulit kay Mr. Sy, pinandidilatan niya ito ng mata. She felt betrayed. Kung kanina pakiramdam lang niyang bibitayin siya, ngayon ay hindi na dahil talagang bibitayin na siya dahil sa walang preno niyang bibig kanina. “S-Sir,” kabadong aniya. “Follow me!” Matigas na sabi ni Eliot. Napalunok si Meldy at nanginginig ang tuhod sa kaba ng ihakbang niya ito para sumunod kay Eliot. ‘Mag-isip ka Meldy. Anong sasabihin mo? Sir sorry, hindi po masama ang ugali mo. Mukha po kayong angel.” Recite niya sa utak. ‘Ay mali. Hindi siya mukhang angel. Ano ba? Like, sir sorry, hindi po ganoon ang ibig kong sabihin kanina.’ Sabi pa niya sa utak niya habang naglalakad at nasa sahig lang ang tingin. ‘Ano ba ang ibig mong sabihin kanina kung ganoon? Meldy, ano ba…. Galit na yan tapos wala ka pang naiisip na tamang salita.’ Kastigo niya sa sarili niya. Dahil lutang siyang naglalakad, kakaisip ng maaari niyang ipalusot kay Eliot, hindi niya napansin na huminto na pala si Eliot sa paglalakad dahilan kung bakit nabangga siya sa malapad nitong likuran. “Aray!” Sabi niya ng mauntog ang ulo niya sa mala-bakal na katawan ng amo niya. Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Eliot sa kaniya. “Gaano ba ako kasama sa paningin mo at sinadya mo pang iuntog ang ulo mo sa likod ko?” Nakagat ni Meldy ang labi niya. “Sir, h-hindi po ganoon ang ibig ko sabihin kanina. Hindi po ako nagsabi no’n.” Kinakabahan na sabi niya. “Kung hindi ikaw e sino?” salubong pa rin ang kilay ni Eliot. Hindi alam ni Meldy ang sasabihin dahil alam naman ng lahat na galing sa matabil niyang bunganga ang mga sinasabi niya kanina kay Marcelo. “Ano? Bakit hindi ka makapagsalita?” “S-Sir, hindi po ako nagsabi n-non. G-Gawa-gawa lang po yun ng illuminati!” Napatakip si Meldy sa bibig niya at yun pa talaga ang sinabi niyang palusot na walang kabuluhan. “Pinagloloko mo ba ako?” mas lalo pang kumunot ang noo ni Eliot. Napalunok si Meldy at umiling nalang, hindi na nagsalita at baka sa hukay na siya pupulutin. “Papa!” Biglang dumating si Elise kaya napabaling doon ang attention ni Eliot bagay na ikinahinga ni Meldy ng maluwag. “Mama! You’re here!” Tuwang tuwa na saad ni Elise ng makita siya. Agad siyang tumakbo palapit kay Meldy at kinuha ang kamay nito. “Come mama, this is your new room!” Sabi ni Elise at hinila si Meldy papasok sa bagong kwarto ni Meldy, mas malaki at mas maluwag kesa sa dating chamber niya. “Papa personally arranged it for you. Dito ka na matutulog mama malapit sa room namin ni papa.” Sabi ni Elise at nakangiti pa. Nanlaki ang mata ni Meldy ng mapagtanto ang dahilan kung bakit siya pinatawag ni Eliot. “S-Sir,” nahihiyang tawag niya. “Tss.. You’re welcome.” Pilosopong sagot ni Eliot sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD