“Sinasabi mong napatumba mo ang tatlong lalaking kidnappers niya?” tanong ni Eliot na nakakunot pa rin ang noo.
“Opo sir. Pero hindi ko po aakalain na si Miss Elise yung batang niligtas ko noon. Hindi ko po kasi nakita ng maayos ang mukha niya dahil nanlalabo na rin ang paningin ko saka gabi pa no'ng oras na yun."
“Hindi nagtutugma ang kwento mo. Pagpunta namin doon, nakita namin si Elise sa—" hindi pinatapos ni Meldy si Eliot.
“Sa loob ng drum sir.” Sabi ni Meldy.
Nanlaki ang mata ni Eliot at Mr. Sy.
“Paano mo nalaman?”
(Continuation of flashbacks)
Hingal na hingal si Meldy matapos niyang mapatumba ang tatlong lalaki. Nadaplisan pa siya ng bala ng baril kanina kaya mahapdi ang braso niya at nawawalan na rin siya ng lakas.
Agad niyang binalikan si Elise na tulog na sa kinauupuan nito. Nanlalabo na ang paningin niya dahil pagod na rin siya kaya hindi niya makita ng maayos ang itsura ng batang dala niya.
Gusto sana niyang isama si Elise paalis pero nakita niya ang bulto no’ng driver na hinahanap pa rin siya hanggang ngayon.
“Nasaan kang babae ka. Lumabas ka!”
Agad siyang bumalik sa nilakaran niya at nilagay si Elise sa isang drum na wala pa ring malay at nagmamadali siyang umalis sa warehouse, nasaktuhan namang nakarinig siya ng sirena mula sa sasakyan ng pulis kaya naging kampante ang kalooban niya na maliligtas ang bata.
Pinilit niyang maglakad palayo sa warehouse, hanggang sa matumba siya at nawalan ng malay.
(End of flashbacks)
"Yun po ang ang nangyari sir."
Tumayo si Eliot. “Hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi mo. Pagdating namin doon, si Elise nalang ang nakita namin sa loob ng drum at wala na iyong mga lalaking sinasabi mong napatumba mo.”
“Pero sir, maniwala po kayo sa'kin. Nawalan po ng malay ang tatlong yun. H-Hindi ko po alam bakit hindi niyo sila nakita. K-Kaya rin po siguro ako tinatawag na mama—" natigilan siya ng sinamaan siya ng tingin ni Eliot.
“I mean iyon po, baka po pamilyar ako kay Miss Elise at napagkamalan niya ako ng ganoon, na mama niya, lalo't prinotektahan ko po siya.”
“Sir,” pagkuha ni Mr. Sy ng attention ni Eliot. “Malapit po sa lugar na yun ay may nakitang pepper spray."
"Akin po yun!" sabi ni Meldy at agad na itinikom ang bibig sa malamig na titig ni Mr. Sy.
"Baka po kailangan nating e consider ang sinasabi ni Ms. Penuela dahil kung nagkataon na niligtas niya si Miss Elise, malaki po ang utang na loob natin sa kaniya.”
Hindi nagreact si Eliot sa pahayag ng assistant niya. Sa mukha niya ay hindi pa rin siya naniniwala sa sinasabi ni Meldy.
“No. Baka mamaya ay kasabwat niya ang kidnappers na yun.”
Parang nanlumo si Meldy sa kinatatayuan niya. Siya na nga ang tumulong, siya pa ang naging masama.
"S-Sir, pwede ko p-pong ituro sa inyo kung sino ang mga taong yun ng sa ganoon ay mapatunayan ko rin na wala talaga akong kasalanan at tumulong lang ako."
Nakuha niya ang attention ni Eliot. "Anong sabi mo?" saad nito.
"G-Gamitin niyo po ako sir. Natatandaan ko pa ang mukha nila. Pwede ko silang ituro sa inyo oras na makita ko sila." Seryoso at desididong sabi ni Meldy kay Eliot.
"Paano kung nalaman kong niloloko mo lang ako? Paano kung nilalayo mo lang kami sa totoong salarin? Paano kung kasamahan ka nila?"
Agad na itinuro ni Meldy ang sarili niya.
"Hindi ko po gagawin yun sir. Itong buhay ko, kahit inyo na po oras na malaman niyong niloloko ko lang kayo. Habang buhay ko kayong pagsisilbihan."
"Wala namang halaga ang buhay mo. Not worth it to bet." Parang naiiyak na si Meldy na pabalang siyang sinasagot ni Eliot.
"Ipakulong niyo po ako sir kung sakali mang ako talaga."
Tumitig si Eliot sa kaniya, ng biglang umalingawngaw ang boses ni Elise.
"Mama, you're here." Maligayang sabi ni Elise dala ang manika niya.
Biglang kumibot ang labi ni Eliot. Puro nalang si Meldy kasi ang nilalapitan ni Elise mula ng tumuntong ito sa bahay nila.
"Meldy anak," pagtawag ni Eliot sa pansin ng anak niya. Tumitig si Elise sa papa niya, nagtataka kung anong sasabihin nito.
"Where did you meet this lady?" itinuro ni Eliot si Meldy. "Why did you call her mama nang makita mo siya dito?"
"Si mama po?"
Kumunot ang noo ni Eliot pero hindi sumagot. Tumingin si Elise kay Meldy na napapalunok nalang sa kaba. Every time Elise calls her mama, kinakabahan siya.
"I met mama in my dream, papa. She saved me from monsters." Masayang tugon ni Elise at parang nakahinga ng maluwag doon si Meldy.
"Really? She saved you from the monsters?"
Inosenteng tumango si Elise. "And papa said, that all parents in the world ay sini-save ang baby nila and since mama saved me from the monsters so she's my mama."
Napatanga silang lahat sa narinig mula kay Elise. Now they know why Elise kept on calling Meldy mama.
"Why are you here? Do you have something to say to papa?"
Agad na umiling si Elise at hinawakan ang kamay ni Meldy. "Wala po papa. Hinahanap ko lang si mama." Tapos lumingon ito kay Meldy. "Mama, can you sing for me? I want to sleep with you."
Alanganing tumingin si Meldy kay Eliot. Humihingi ng tulong.
"Meldy will go to your room. But can you wait for her there, baby? Papa needs to talk to her first."
Tumingin si Eliot kay Mr. Sy at agad na naintindihan nito ang gusto niyang sabihin dahil nilapitan nito si Elise para akayin papuntang kwarto nito.
"Mama, sunod ka ah?" sabi ni Elise na taimtim na nakatitig kay Meldy.
Ngayon na alam na ni Meldy na si Elise ang batang umiiyak noon na niligtas niya, para siyang nakahinga ng maluwag.
Agad siyang lumapit kay Elise para yakapin ito. "Promise ko ulit, susunod ako sa'yo sa kwarto mo Miss Elise."
Nakampante si Elise at siya na mismo ang humila kay Mr. Sy paalis sa kwarto ng papa niya.
Nang sila nalang ni Eliot ang natira, biglang bumalik ang kaba sa puso ni Meldy.
"You said you'll help me. You said matatandaan mo ang mukha nila."
Napatingin si Meldy sa mata ni Eliot.
"Yes sir. Kaya ko po. Tandang tanda ko pa po ang itsura nila.."
"Then I'll change the contract. Will you be Elise's nanny until her kidnappers get caught?"
Nanlaki ang mata ni Meldy at agad na tumango. "Yes sir. Magiging nanny po ako ni Miss Elise hanggang mahuli ang kidnappers niya."