"Teh, nakatulala ka na naman. May nangyari ba?" Nakatulala akong tumingin kay Candy. Pinigilan kong may umalpas na luha sa aking mata kaya naman lumunok ako pagkatapos ay kumurap. "Ang dami lang ginagawa. Ang bilis ko mapagod" pagdadahilan ko. Which is half true naman. Pagod na pagod ang katawan ko. Utak at puso. Ang sakit pa rin ng nangyari sa akin noong gabing iyon. It is still lingering in my mind. Hindi ko akalain na gano'n ang gagawin niya. Kapag naiisip ko iyon, umiiyak na lang ako. Sobrang nabastos ako. Although ako naman ang pumilit sa kaniya pero pakiramdam ko binaboy ako. Bahagya kong hinimas ang aking mga braso dahil nakaramdam ako ng lamig habang naiisip ang pangyayaring 'yon. "Nilalamig ka ba?" Tumingin ako kay Candy at umiling. "Kinakabahan na ako sa'yo teh a