KABANATA 3

1350 Words
Obsessed with you Chapter 2 "Good morning tita.." Bati ko kay tita sam na busy sa pag hahain, hinalikan ko siya sa pisngi bakas na bakas sa mukha ko ang saya kaya nagtatakang napatingin si tita sa akin. "Mukhang good mode ka ngayon ah.." Maaga akong nagising ngayon 7:30 am, di na nga ako halos maka tulog pag uwi ko dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko,di ko pa nga sinasabi kay tita ang Good news eh, ngayon palang, kaya di na mawala wala yung ngiti sa labi ko. "Eh tita masayang masaya kasi ako ngayon..May good news ako---" Di ko pa na tapos ang sasabihin ko ng biglang may pumasok. "Bessssss!!!! Good morning!!!" Napangiwi naman ako dahil sa tili ni alicia, ang sakit kasi sa tenga eh, ang aga aga ha, ang aga naman ata ng babaeng ito, mamaya pa yung usapan namin papuntang mall. "Oh bat andito kana eh mamaya pang tanghali yung usapan natin ah.." Lumapit siya sa akin at niyakap ako, pagkatapos bumitiw na bakas sa mukha yung saya niya. "Eeh bess di na kasi ako maka pag hintay eh, dito nalang muna ako hanggang tanghali, at restday ko din naman..." Umupo na kami at pati si tita Sam.. "O sige na kumain na muna tayo, mamaya na yang pag uusapan niyo.." "Ok po tita sam.." Ngising ngising sabi ni alicia, napapailing nalang ako habang nakangiti, ito talagang bes ko. Kumain na kami, pagkatapos kumain ay pumunta na kami ng kwarto ni Alicia. Mamaya ko nalang siguro sasabihin kay tita. "Bes may good news akong sasabihin sayo.." Anas ni alicia ng makapasok na kami bakas talaga sa kanya yung saya. "Ako din bes meron din akong good news!" Excited ko din na sabi ko sa kanya. "Talaga bes? Sige bes mauna kana.." Sabi pa niya. "Hindi bes ikaw na muna.." Sabi ko naman. "No bes ikaw muna.." Nagkatawanan kaming dalawa para kang kaming mga baliw. "Ok sige sabay nalang tayo.." "Ok sige!" Napatango pa niyang sabi. Kaya sabay kaming humugot ng malalim na hininga. "Makakasakay na ako ng Symphony Cruise ship besss!!!" Sabay pa naming sabi, kaya namilog ang mga mata naming dalawa at napatakip ng bibig nagsi tilian nalang kami at nag talon talon sa saya. "Oh my! Seryoso bes?" Natutuwa pa niyang tanong.tumango tango ako "Ikaw din bes? Seryoso?" Di ko rin makapaniwalang tanong sa kanya. Nakalimutan ko bang sabihin na pangarap din ni alicia ang mga maka sakay sa isa sa pinaka malaking cruise ship sa buong mundo. Kaya ngayon sabay talaga naming maabot yung pangarap na yun. Sobrang saya ko para sa kanya at ganun din naman siya sa akin eh. "Ok wait! Umupo muna tayo.." Pinapaypay pa niya yung kamay niya dahil di siya maka get over, umupo kaming dalawa sa kama. "Sabihin mo sa akin kung bakit bes?" Tanong pa niya. "Eh sabi kasi ni Sir Francis, Symphony cruise ship needs a workers lalo na yung bartenders they preferred woman so ako lang naman ang babaeng barista sa Indak club, alam mo naman ang Indak club ang isa din sa pinaka kilalang club sa pilipinas.." Napatango tango naman siya.. "Eh ikaw?" Para naman siyang kinilig bigla sa tanong ko. Ito talagang bestfriend ko. "Alam mo na bes, may papadala din na mga call girls sa cruise ship, lima ang ipapadala and alam mo na yung manager namin isa talaga ako sa mga pinili dahil marami na akong suki, ano pa kaya pag andun pa sa cruise ship.." "Sa VIP club ka din ba naka assign bes?" Tanong ko pa sa kanya. Lumaki naman yung ngiti sa mukha niya. Ibig sabihin sa vip din siya, ang saya naman nito kasama ko pa talaga yung bestfriend ko na pupunta sa Miami, at sasakay sa pinapangarap naming cruise ship. Ang sarap sa pakiramdam, Pag naka pag ipon na ako ng malaking pera dadalhin ko sila tita sam at kenneth sa Miami at isasakay ko sila sa Symphony Cruise ship. "Talaga bes,mabuti nalang at sa vip club ka din, mag kakasama tayo.." "Don't worry bes pag dating dun sasabihin ko sa manager ko na isa lang yung kwarto na gagamitin natin.." Sabay taas niya pa sa dalawang kilay niya at kinindatan ako, what the! Nanindig yung balahibo ko. "Eh! Baliw ka talagang babae ka,sabi ko na sayo noon di tayo talo.." Sabay naman kaming nag tawanan, lukaret talagang babaeng to, alam ko naman kasi yung iniisip niya, rerapen na naman niya ako, katulad ng ginawa niya dati sa akin, ng mag sleep over siya dito sa bahay, eh ang baliw dinumog ba naman ako tuturuan daw niya ako kung paanong maging seductive baliw talaga! Para daw kahit virgin ako eh may experience parin daw ako,para daw if ever na dumating yung panahon na may boyfriend na ako at may mangyari sa amin eh di daw ako maging ignorante, grabe talaga tong si alicia hahaha! "Maligo ka na nga dun, lakakad pa tayo eh, bibili tayo ng mga gamit para sa ating pag cu-cruise!" Malandi niya pang sabi sabay flip ng hair niya, napailing nalang ako, nextweek na pala yung punta namin ng Miami at 3 days pa pala kami dun dahil sabi ni Sir Francis ay inextend niya ng dalawang araw para maka pag saya pa kami ng mga co workers ko sa Indak club. "Ok fine maliligo na ako madam.." Pumunta na ako ng banyo at naligo na, pagkatapos ay nagbihis na ako, nag maong short lang ako at naka loose shirt and then i paired sneakers, nagkilay cream blush on, pulbo at lipstick at ready to go na. Lumabas na kami ng kwarto ni Alicia at nakita ko si Tita Sam sa sala na nagtatahi ng damit habang na nunuod ng tv, maaga pa naman para pumunta ng mall sinadya ko din naman talaga na maagang mag ayos para maka usap ko pa si Tita Sam. "Oh wala pa naman 11:30 am ah.." Umupo ako sa tabi ni Tita sam habang si Alicia naman ay sa may gilid naka upo habang inililipat ng ibang channel ang tv. "Sinadya po kasi namin tita sam na maagang mag ayos dahil may sasabihin ako sayo.." "Ano ba yun?" Tinigil niya yung ginagawa niya at humarap sa akin. Napalingon pa ako ka Alicia na tumili na naman dahil may nakitang gwapo sa tv, sinulyapan ko ang pinapanood niya at tama nga ako dahil isang makisig na lalaki ang pinapanuod niya habang ini interview ito, napa ka gwapo nga nito pero tela wala reasyon ang mukha nito napaka seryoso. "Hoy Jodie.." Agad naman akong napalingon kay tita sam na bahagya aking tinapik. "Yun na nga tita, ang Good news ko eh matutupad na yung isa sa mga pinangarap ko.." Bigla naman siyang napaisip, at mga ilang segundo palang eh namimilog na ang kanyang mga mata. Di ko naman mapigilan ang ngumiti ng malawak. "Ang ibig ba sabihin nito Jodie eh Sasakay ka ng cruise ship?!" Tumango tango pa ako, pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit. Bumitiw siya sa akin at alam kong pinigilan niya lang yung luha niya dahil nakikita ko sa mga mata niya na mamula mula. "P-paano jodie? Naku! Ang saya saya ko para sayo.." "Si sir Francis po kase Tita sam ako ang pinili para maka punta ng Symphony cruise shil dahil kailangan pa nila ng mga trabahante doon, at yung iba ko ding co workers e napili din kaya sampu kami makakaputa ng Miami.." "Naku, kailangan ba yan? Kailangan na nating maghanda, yung mga gamit mo.." "Nextweek tita sam isang buwan po kami duon.." Marami pang sinabi si tita sam, naaliw talaga ako sa kanya dahil mas excited pa siya sa ikinikilos niya, sobrang saya niya daw para sa akin, sinabi ko pa sa kanya na balang araw daldalhin ko sila ni kenneth doon. Lahat nang to ginagawa ko di lang para sa sarili ko kundi para sa kanilang dalawa ni kenneth sa kinabukasan ni kenneth. Para din makabili kami ng sariling bahay at lupa, sa ngayon kase ay nangungupahan lang kami. Kaya magsisikap ako ng mabuti para maabot ko yung pangarap ko para sa aming tatlo. At alam kong mangyayari yun!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD