Obsessed with you!
Jodie's Pov
6 am palang ay gising na ako, hindi nga ako naka tulog ng maayos ka gabi dahil sa sobrang excitement, naka ready na rin lahat ng mga gamit ko kaya andito na kami sa baba ni divine same restaurant parin kung saan kami kumain ka gabi, hinihintay nalang namin yung iba para sabay sabay na kaming lahat mag breakfast, pagkatapos ay babyahe narin pa port miami.
"Just the two of you?.."
Umupo sa harap namin si Sir Francis, habang si Divine naman ay titig na titig dito, siniko ko naman siya para siya nalang sumagot kay Sir Francis, medyo na pa aray pa siya ng konti kaya nginitian ko siya ng pilit na para bang sinsabi ko na 'this is your chance talk to him'.
"Ah yes sir, k-kami palang po.."
Napa tango tango naman si Sir francis at itinuon na ang sarili sa cellphone niya, hays ang torpe naman ni Divine. Ilang minuto ang dumaan ay nagsi datingan na sila Vanessa, hanggang sa kompleto na kaming lahat kaya senerve na yung mga pagkain namin, at nagsimula na nga kaming kumain lahat.
7:30 am natapos kaming lahat kumain at nagsi labasan na kami, 9 am yung byahe ng Symphony Cruise Ship kaya dapat magmadali na kami, at ilang sandali pa nga eh dumating na yung van na sasakyan namin.
After an hour ay nakarating din kami sa wakas, pumasok na kaming lahat sa port, maraming mga tao sa loob yung iba naka pila na, at tanaw na tanaw na namin yung cruise ship, namilog talaga yung dalawa kong mata dahil sa sobrang laki nito kahit medyo malayo kami ay napakalaki parin nito sa paningin ko.
Totoo ba talaga to? Hindi ba ako nananaginip?! Andito na talaga kami? Kulang nalang ay sumakay kami.
Umupo muna kami sa may waiting area habang si Sir Francis ay pumunta na sa Vip area na counter.
"Bes!!"
Napalingon naman ako sa deriksyon kung saan yung tumatawag, napangiti ako dahil nakita ko si Alicia n kumakaway, tumayo na ako at sinalubong siya.
"Hays salamat nakita din kita sa wakas.."
"Bakit naman?? Kanina mo pa ako hinahanap??"
Umupo na muna kami, marami talaga ang mga tao dito at puro busy.
"Syempre eh namiss kita.."
Binatokan ko siya ng mahina kaya napa himas naman siya sa ulo niya.
"Ang Oa mo kahapon lang tayo hindi nag kita.."
Nagtawanan nalang kaming dalawa, habang hinihintay namin si Sir Francis ay nag kwentuhan na muna kaming dalawa ni Alicia, hanggang lumipas ang ilang minuto dumating na si Sir Francis at inaya na kaming lahat kasabay din namin ang mga kasama ni Alicia iisa lang kasi ang papasukan namin, ilang segundo pa ng makapasok kami sa entrance ay tanaw na namin ang cruise ship na sobrang laki
Namimilog ang mga mata ko habang ang bibig ko naman ay naka nganga sa sobrang pag ka mangha.
Hindi lang din ako ang namangha pati na din ang mga kasama ko at sila Alicia.
Iba iba ang entrance ng mga passengers merong entrance para sa mga sasakyan, sa Vip naman at tanaw namin ang mga magagarang sasakyan na isinakay.
Habang paakyat na kami ng barko ay halos lahat ng kasabay namin ay mayayaman mga foriegner sa iba't ibang lugar pa galing.
Grabe talaga! Ang swerte ko na nakatungtong na ako dito, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na andito na ako, pangarap ko lang to dati eh! Ito na talaga! Thank you Lord! Ang bait mo talaga sa akin.
"Welcome Ma'am/Sir.."
Agad namang bati sa amin ng crew pagkapasok namin, pagkapasok namin ay parang nasa isang malaking hotel lang kami napakalaki at sobrang ganda inilibot ko ang paningin ko, andito na kami sa may lobby.
"Bess, sasabihin ko sa manager ko na iisa lang yung kwarto natin ha.."
"Ok sige.."
Nakangiting saad ko kay Alicia andito lang kami sa may lobby nakaupo, habang busy parin yung paningin ko sa paglibot, grabe hindi parin ako makapaniwala na andito na ako, napakalaki talaga nitong symphony cruise ship this is the biggest cruise ship in the whole world.Symphony of the Seas measures 361.011 metres (1,184 ft 5.0 in) in length and has a gross tonnage of 228,081 across 18 decks.it is able to accommodate 5,518 passengers at double occupancy up to a maximum capacity of 6,680 passengers, as well as a 2,200-person crew.
Syempre kaya alam ko to dahil ni research ko talaga ang tungkol dito.
Tumayo ako at naglakad patungo sa gitna ng cruise at natanaw ko agad ang mga puno na parang nasa park ka, ang ganda talaga dito parang nasa city kana rin lahat ata andito na eh. Tanaw na tanaw ko rin kung gaano kataas ito sa pagkaka alam ko 18 decks ang taas nito kaya nakakalula ang taas tanaw na tanaw ko rin ang langit mula dito.Sa pagkaka alam ko din ay sa 17 decks ang VIp Area kaya sasakay pa kami ng elevator doon.
"Bess!"
Nilingon ko naman si Alicia
"Tara na, hinahanap kana ng gwapo mong boss.."
"Ok let's go.."
Sumakay na kami ng elavator papuntang 16 decks dahil doon ang mga rooms namin at mamaya na din yung unang duty namin sa Casino Royale kung saan for VIp lang ang mga costumers, sobrang nakaka excite talaga kanina pa di mawala ang ngiti ko simula ng tumuntong kami dito, iisipin ko palang ang mga tips dito ay mas lalo akong na eexcite, sa tips palang e malaki na ang makukuha kong pera halos lahat dolyar ang pera dito.
"Grabe talaga bess! Ang ganda dito..!"
Anas ni Alicia pagka pasok namin sa kwarto na tutulugan namin nakaharap sa siya may bintana at tanaw na tanaw ang dagat, napapatili pa siya dahil sa sobrang saya, ako naman ay inilagay ang mga maleta namin sa may gilid ng kama mamaya ko nalang ilalagay ang mga gamit namin dahil nakaramdam agad ako ng pagod, i think i need a nap dahil mamaya ay e oorient pa kami para alam namin ang gagawin mamaya.
"Oo nga eh kahit ako bess di pa makapaniwala na andito na ako, hays parang nananaginip lang ako.."
Sagot ko naman sa kanya at sabay na ibinagsak ko ang aking katawan sa kama hays ang sarap sa pakiramdam napakalambot ng kama.
"Oo nga bess eh ako din parang nananaginip lang din ako, lalo na kanina na andaming gwapo na nakasalubong natin kanina.."
Humiga naman siya sa tabi ko kahit nasa kabila ang kama niya, para naman siyang bulati habang kinikilig, napa iling nalang ako habang natatawa sa kanya.
"Baliw ka talaga.."
Nakaramdam na ako nga antok.
"But i'm sure bess na mas marami mamaya sa Casino Royale.."
"Oo na bess, wala ka ng ibang bibig kundi puro gwapo.."
Mahina pero natatawa kong sabi sa kanya, inaantok na talaga ako, hindi na siya sumagot kaya nilingon ko siya nakatulog na pala, unti unti ko na ring pinikit yung mga mata ko dahil sobrang inaantok na ako,mamaya ay magiging busy na ang lahat.