Chapter 15 - Reason

2007 Words

JAYDA “HOY!” Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang boses ni Basha sa likod ko. Nakita ko na nakatingin ito sa akin at nakataas ang kilay habang nakamamewang. Bitbit na nito ang mga gamit namin at parang ready na siyang umalis kami. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa loob at nakita ko na natigilan ang mga nandoon kaya naman mabilis kong binitawan ang pintuan at agad na tumakbo papunta kay Basha at hinila siya paalis doon. Hindi ko na nagawang lingunin ang pinanggalingan namin at basta basta ko na lang siyang hinila para makaalis doon. Ewan ko ba?! Ayokong makita niya iyon kahit pa alam kong alam naman niya ang ginagawa ng lalaki na iyon pati na ng mga modelong nandoon. Mabilis kong pinindot ang elevator na hindi ko alam kung bakit ba masyadong mabagal itong elevator na ito kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD