Dire-diretsong naglakad si Lorenzo sa kahabaan ng pasilyo habang muling sinusubukang tawagan ang numero ng kaibigan niyang si Ethan. Kasalukuyan na siyang nasa airport ng Davao at hindi pa natatagalan mula nang lumapag ang eroplanong kanina ay sinakyan niya mula sa Manila patungo sa probinsiyang iyon.
He was on that province to spend some days on his friend's private beach resort. Nagmamay-ari si Ethan ng isang pribadong beach resort sa isla ng Samal--- ang Ocean Pearl Private Resort.
Napagpasyahan niyang magtungo roon upang kahit papaano ay magkaroon ng bakasyon. Gusto niya munang ipahinga ang kanyang sarili mula sa sandamakmak na trabaho sa kompanyang pag-aari ng kanilang pamilya.
Mula nang tumuntong siya sa edad na bente-singko ay siya na ang namamahala sa furniture company na inumpisahan pang itayo ng kanyang abuelo. He is now thirty-five at pakiramdam niya ay ngayon niya kailangan ng pahinga mula sa maraming gawain sa kanilang kompanya.
But Lorenzo knew better. He was on that province because of one reason--- gusto niyang lumayo muna at kalimutan ang sinapit ng relasyon niya kay Charmaine, ang naging kasintahan niya sa loob ng halos dalawang taon.
Aaminin niyang nang umpisa ay hindi siya ganoon kaseryoso sa relasyon niya sa dalaga. Marami na siyang nakarelasyon at halos lahat iyon ay hindi nagtagal.
Hanggang sa wari ay napagod na lang siya sa pakikipaglaro sa mga babae. Or maybe because he was not getting any younger and he reached the point where he just wanted to settle down.
At si Charmaine ang kasintahan niya na tanging tumagal ng halos dalawang taon. Nakilala niya ang dalaga dahil sa isang dating kaklase. Galing din ito sa kilalang angkan sa isang bayan sa Batangas at kahit hindi kasingyaman ng pamilya nila ay masasabi niyang maayos ang pamilyang kinalakhan nito.
Doon na siya nagsimula na bumuo ng plano para sa kanilang dalawa. Naisip niya na kung lalagay man siya sa tahimik ay ito na ang babaeng pagbibigyan niya ng kanyang pangalan. Idagdag pa na sa lahat ng nakarelasyon niya ay kay Charmaine lang din siya nahulog nang ganoon.
But things went out of hands when he found out her real motive. Bago pa man siya makagawa ng hakbang upang alukin ito ng kasal ay natuklasan niya ang rason kung bakit nakipaglapit sa kanya ang dalaga. Hindi sinasadyang narinig niya ang usapan ni Charmaine at ng ama nito dahilan para malaman niya ang lahat ng plano ng mag-ama.
Anak si Charmaine ng isang politiko at nagbabalak na tumakbo sa mas mataas na posisyon, ang pagiging mayor. At dahil sa nagmula siya sa isang kilala at mayamang angkan sa probinsiyang pinagmulan ng mga ito ay nagplano si Enrico, ang ama ni Charmaine, na gamitin siya para sa kandidatura nito. Malaking bentahe nga naman kung madidikit ang pangalan nito sa kanila lalo pa't isa din ang kanilang pamilya sa may mga sinasabi sa lalawigang iyon sa Batangas.
Nabalot siya ng galit dahil sa kanyang natuklasan. He hated Charmaine for that. She and her father were users. Planong gamitin ang pakikipag-uganayan sa kanya para lang sa pansariling dahilan.
Right on that moment, he broke up with her. Nagmakaawa pa itong bigyan niya ng pagkakataon ngunit naging manhid na siya sa pakiusap nito.
What happened made him realized one thing--- hindi nga talaga dapat seryosohin ang mga babae. That maybe, settling down was never for him.
Mayamaya pa ay napahinto siya sa paglalakad nang sa wakas ay sagutin na ng kaibigan niya ang kanyang tawag. Bahagya pa siyang tumabi sa pasilyong kinaroroonan niya upang hindi makaabala sa ibang naglalakad.
"Ethan," bungad niya sa nasa kabilang linya. "I am here now."
"Yes, welcome to Davao, bro," saad nito sa pinasisiglang tinig. "Roberto texted me a while ago. Nariyan na raw siya at naghihintay sa iyo. Ibinigay ko rin ang numero mo para matawagan ka niya."
Ang Roberto na tinutukoy nito ay ang empleyadong pinagkakatiwalaan nito sa pag-aaring resort. Bihira lang magtungo roon si Ethan dahil sa abala din ito sa negosyo sa Manila at nabanggit nga nito sa kanya na kay Roberto nito ipinagkakatiwala ang resort kapag wala ito.
"Okay," saad niya dito. "I will just wait for his call."
Nag-umpisa na siyang maglakad ulit. Isang backpack ang kanyang dala na naglalaman ng iilan niyang damit. Nasa isang bag naman ang kanyang laptop at ilan pang personal na gamit.
Ilang minuto pa siyang nakipag-usap sa kanyang kaibigan. Hustong nakalabas na siya noon at nagpapalinga-linga pa sa paligid. Mayamaya lang din ay nagpaalam na rin siya kay Ethan upang matawagan na siya ng empleyado nito. Idagdag pa na nagsabi din si Ethan na magpapadala ito ng mensahe kay Roberto na naroon na siya at naghihintay.
He was walking slowly while looking down at his phone. Balak niyang maghanap ng pwestong paghihintayan ng taong susundo sa kanya. Ayon kay Ethan ay alam na rin ng tinutukoy nitong Roberto ang kanyang hitsura dahil sa nagpadala ito ng larawan niya sa empleyado nito.
He was about to walk towards the covered pathwalk and decided to wait for Roberto's call when all of the sudden a woman appeared from his left side. Akmang patungo rin sana ito sa pasilyong pinanggalingan niya.
Dahil sa ang atensyon niya ay nasa aparato at wala sa babae ay huli na para maiwasan niya ito. They bumped into each other. Naging sanhi iyon upang mabitawan niya ang cell phone na tangan-tangan niya sa kanyang kanang kamay.
Sa parte ng babae ay nabitawan din nito ang maliit na portamenada na kulay itim. Muntik pang matumba ang babae dahil sa pagkakabunggo sa kanya kung hindi lang naging maagap ang kanyang kamay. Agad na pumaikot ang kanyang braso sa maliit nitong baywang upang maalalayan itong huwag matumba.
He held her on her waist and gave back her balance. Wari namang napaso sa pagkakalapit nilang iyon na bigla na lamang bumitaw sa kanya ang babae. Humakbang pa ito paatras upang magbigay ng distansiya sa pagitan nilang dalawa.
"I-I. . . I am sorry," nauutal nitong saad sabay yuko upang kunin ang sariling pitaka.
Maging si Lorenzo ay inabot na rin ang kanyang cell phone. Sinuri niya pa iyon at halos mapamura nang makitang basag ang ibabang parte ng screen nito dahil sa impact ng pagkakahulog.
The woman saw his reaction. Nang balingan niya ito ay hindi pa nakaligtas sa kanyang paningin ang nahihiya nitong ekspresyon.
"Naku, sir. Hindi ko ho sinasadyang mabunggo ka at masira ang cell phone mo. Nagmamadali lang ho ako dahil---"
"Enough," wika niya dito sa paraang itinatago ang inis.
Ano ba ang pakialam niya kung ano ang ipinunta nito sa lugar na iyon? He was not interested to listen. Besides, he was there to forget, for a moment, all his problems. Hindi niya nais na sa unang araw niya pa lang sa probinsiyang iyon ay stress din ang sasalubong sa kanya.
"Sir, hindi ko ho talaga sinasadya," hirit pa ng babae sabay yuko sa cell phone na nasa kamay niya. "M-Mamahalin ho ang cell phone mo. Kung hihilingin mo na bayaran ko iyan ay wala ho akong---"
"Did I even ask you to pay for it?" asik niya dito.
Bakas na sa mukha nito ang sindak dahil sa pag-angil niya. Marahil ay hindi nito inaasahan ang ganoong pakikitungo mula sa kanya.
He heaved out a deep sigh. Hinayaan niyang maglakbay ang kanyang mga mata sa kabuuan ng mukha ng babae. Bata ito sa kanya ng ilang taon. She must be twenty-three or twenty-four, he was not that sure.
Ang hanggang balikat nitong buhok ay malaya lamang na nakalugay na ang ilang hibla ay tumatabing na sa mukha nito. Hindi ito kaputian ngunit makinis ang balat. She has darker eyebrows and longer lashes. Those were paired with expressive eyes--- too expressive that, right now, he could say she was feeling uneasy. Natatakot ba ito dahil sa pagsusungit niya?
"Damn!" he cursed inwardly.
Hindi niya intensiyon na ganoon pakitunguhan ang dalaga. He just can't help it.
Aaminin niyang istrikto siya bilang isang boss sa kanilang kompanya. Lahat yata ay alangan na makitungo sa kanya maliban na lamang sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan. Nagpasidhi pa ng pagiging malamig niya sa iba ang nangyari sa relasyon nila ni Charmaine. Since then, he became unapproachable. Pakiramdam niya kasi ay hindi na mapagkakatiwalaan ang mga taong lumalapit sa kanya.
"Forget about this phone," mayamaya ay saad niya muli dito. "Hindi rin ako nakatingin sa dinaraanan ko kaya nangyari ito."
"P-Pero nasira ho ang cell phone mo."
"Well, that is life. I might just get someone to fix it or might as well, buy a new one," saad niya pa saka inayos na ang pagkakasukbit ng bag sa kanyang mga balikat.
Napabuntong-hininga ang babae. Ramdam niya na may gusto pa itong sabihin bago niyuko ang pitakang hawak-hawak. Ngunit bago pa man nito maibuka ulit ang bibig upang magsalita ay inunahan na ito ni Lorenzo.
"Hindi kita sinisingil sa pagkakasira ng cell phone ko, miss. Just keep your penny. Bayaran mo na lang ako sa ibang pagkakataon."
Pagkawika niya niyon ay nilampasan na niya ito upang ipagpatuloy na ang kanyang paglalakad. Ni hindi na niya ito hinintay pa na makasagot sa kanya. Nais na niyang makita ang empleyado ni Ethan upang madala na siya sa beach resort na pag-aari ng kanyang kaibigan.
Muli niyang niyuko ang kanyang cell phone. Basag na nga ang ibabang parte ng screen nito ngunit gumagana pa rin naman. Tiningnan niya pa kung may mensahe na ba o tawag man lang ang Roberto na tinutukoy ni Ethan, ngunit wala siyang natanggap.
He just exhaled impatiently and tried to roam his eyes around the place. Nang muli siyang lumingon sa lugar kung saan sila nag-usap ng dalaga ay wala na ito roon.
*****
NANG tuluyang makatalikod ang lalaki ay nagpatuloy na rin sa paglalakad si Tamara. Ni hindi niya na ito nilingon pa at dire-diretso na sa paghakbang.
"Antipatikong lalaki!" she hissed.
Hindi niya maiwasang mairita sa uri ng pakikitungo nito. He was so rude. Hindi niya naman sinasadya na mabunggo ito. Kung hindi lang siya nagmamadali ay baka hindi naman niya ito mabunggo na naging sanhi ng pagkakahulog at basag ng cell phone nito.
Nagpakumbaba na nga siya at humingi ng tawad dahil alam niyang may pagkakamali din siya. Besides, tama ito. Hindi rin naman ito nakatingin sa dinaraanan kaya hindi rin siya naiwasan. Pero kung makaangil ito sa kanya ay daing pa nito ang hari at isa lamang siya sa mga alipin nito.
"Tamara!" sigaw ng isang tinig dahilan para mapalingon siya sa kanyang kaliwang panig.
Mula roon ay nakita niyang naglalakad palapit sa kanya si Roberto Asuncion, ang sadya niya sa lugar na iyon. Agad na nawala ang inis na nadarama niya para sa estranghero kanina at agad na gumuhit ang isang tipid na ngiti sa kanyang mga labi.
"Hindi ako maaaring magtagal. Naparito lang talaga ako dahil may kailangan akong sunduing isang guest sa resort," agad nitong bungad nang tuluyang makalapit sa kanya.
Hindi niya maiwasang mapatayo nang tuwid. "Sa tuwing sa resort ako pumupunta ay hindi ako maaaring magtagal roon. Pati pa naman ho dito."
"You know the reason why, Tam,"wika nito sa kanya.
"Gusto lang kita makita," prangka niyang saad dito.
Napahugot ito ng malalim na buntong-hininga. Alam niya na napansin nito ang panlulumo niya. Sumadya pa siya sa airport para lang makita ito, iyon pala ay hindi naman ito magtatagal.
"Dumaan ka sa resort sa makalawa. Medyo maluwag na ang araw ko noon at tapos ko na asikasuhin ang mga kailangan ni Sir Lorenzo."
"L-Lorenzo?"
"Kaibigan ni Sir Ethan at special guest sa resort. Tumawag na sa akin si Sir Ethan kani-kanina lang para ipaalam na narito na ang kaibigan niya. Iyon ang rason kung bakit hindi ako maaaring magtagal, Tamara."
Dahan-dahan siyang tumango sa mga sinabi nito. Roberto smiled to her before he continued talking.
"Mag-iingat ka sa pag-uwi. Magkita na lang tayo sa resort."
Pagkawika nito ay marahan na siyang tinapik ni Roberto sa kanyang balikat bago tuluyang nagpaalam. Wala siyang nagawa kundi ang sundan na lamang ito ng malungkot na tanaw.
Hindi niya pa maiwasang mainis dahil sa nangyari kanina. Kung hindi niya siguro nakabungguan ang lalaki kanina ay baka tumagal-tagal pa ang pag-uusap nila ni Roberto.