Kulang ang salitang gulantang sa nadarama ni Tamara nang marinig niya ang mga sinabi ng lalaki. Ang bigla nga nitong pagsulpot kanina ay labis na niyang ikinagulat, mas higit pa ang mga sinabi nito sa kanya.
Hindi niya inaasahan na makitang muli sa resort na iyon ang lalaking nakabungguan niya sa airport nang isang araw. Sa laki ng Davao ay hindi na niya inakala pa na magkrus muli ang kanilang mga landas. At sa ganoon pa talagang senaryo!
"Hindi ba?" saad pa ng lalaki sa tinig na nasisiguro niyang punong-puno ng sarkasmo. "Narinig ko ang usapan ninyo. Bakit ka pinagbabawalan na pumarito ni Mr. Asuncion? At bakit nababahala siya na baka makita ka ng asawa niya? May itinatago kayo?"
Sa dami ng mga sinabi ng lalaki ay hindi agad nakasagot si Tamara. Ni hindi siya makaapuhap ng ano mang salita na ibabato dito. Damang-dama niya kasi ang panliliit dahil sa tono na ginamit nito.
She swallowed hard. Sa kabila ng nadarama ay hindi siya nagpakita na naaapektuhan siya dahil sa mga sinabi ng lalaki.
"Hindi ko kailangang magpaliwanag sa iyo, mister. Hindi tayo magkakilala para magpaliwanag pa ako sa iyo," matapang niyang wika dito.
"So, totoo nga? Kabit ka ni Mr. Asuncion?" saad nito sabay yuko muli sa kamay niyang may hawak pa rin ng perang inabot ni Roberto. "And you were receiving money from him?"
Gusto niyang depensahan ang kanyang sarili laban sa panghuhusga nito. Ngunit paano niya nga ba iyon magagawa nang hindi nabubulgar ang sikreto nila ni Roberto? Kabilin-bilinan sa kanya ni Roberto na walang dapat makaalam ng relasyon nilang dalawa, na hindi dapat iyon makarating sa pamilya nito. At pumayag siya sa pakiusap nito kahit pa sa loob niya ay nasasaktan na siya.
"You are still young. How old are you? Twenty? Twenty-five?"
"Twenty-four," tipid niyang sagot dito.
"At nakikipagrelasyon ka sa kaedad ni Mr. Asuncion?"
"Ano ba ang pakialam mo? Hindi tayo magkakilala. Turista ka sa resort na ito, tama?" bwelta niya dito. "Pag-alis mo sa lugar na ito ay alam kong balewala lang sa iyo lahat ng narinig mo."
Pagkawika niya niyon ay tumalikod na siya at akmang iiwan na ang lalaki. Estranghero lang ito sa buhay niya kaya hangga't maaari ay hindi na niya nais pang magpaliwanag dito. Bahala ito kung ano man ang isipin tungkol sa kanya. Ang importante para kay Tamara ay tumutupad siya sa pangako kay Roberto na walang makakaalam ng tungkol sa kanilang dalawa.
Dalawang hakbang pa lang ang nagagawa niya palayo sa binata ay muli na naman siyang natigilan nang marinig muli ang tinig nito.
"I heard Mr. Asuncion has a family. Hindi ka ba naaawa sa pamilya niya? Hindi mo ba naisip na maaaring masira ang pamilya nila dahil sa pakikipagkita mo nang palihim kay Mr. Asuncion? Much more receiving money from him without his wife's knowledge."
Nahinto si Tamara sa kanyang kinatatayuan. Nanatili siyang nakatalikod sa lalaki at waring itinulos na lamang roon. Sunod-sunod ang kanyang paglunok kasabay ng paghigpit ng pagkakakuyom sa kanyang kamay na may hawak ng perang ibinigay sa kanya ni Roberto.
"I know the likes of you, Tamara," wika pa nito. Damang-dama niya ang paninitig nito sa kanyang likuran. "A woman who will use her charm just for her selfish reason. Tama ba?"
Sukat sa mga sinabi nito ay mistulang umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo. Marahas ang ginawa niyang paglingon muli sa lalaki at nahuli pa itong titig na titig sa kanya.
"Ano ba sa iyo kung kabit nga ako ni Roberto? Ano ba sa iyo kung tumatanggap man nga ako ng pera mula sa kanya?" naiirita niyang saad dito. "Estranghero tayo sa isa't isa, mister. Wala kang karapatan na pakialaman ang buhay ko."
"So, inaamin mo nga na kabit ka ng lalaking halos kasing-edad na lang ama mo?" panunuya pa nito sa kanya.
Napatayo nang tuwid si Tamara. Ni hindi niya magawang salubungin ang mga titig nitong punong-puno ng pang-iinsulto.
"Tama ka," narinig niya pang sabi nito. "Hindi nga kita kilala para mangialam ako sa buhay mo. Pero paano mo nasisikmurang gawin ang bagay na iyan gayung alam mong may mga taong maaaring masaktan?"
"Hindi ko kailangang magpaliwanag sa iyo. Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin."
"Stop seeing, Mr. Asuncion," seryoso nitong saad sa kanya. His words were even full of firmness.
She can't help but to smirk. "Ito pa lang ang ikalawang pagkakataon na nagkita tayo, mister. Bakit ko susundin ang mga sinasabi mo?"
"Dahil ba sa pera kaya ka lumalapit sa kanya? Ganyan ba talaga kayong mga babae? Kakapit kayo sa mga taong sa tingin niyo ay pakikinabangan ninyo?"
She was taken aback by what he has said. Ramdam niya na may laman ang mga pahayag nito. Bakit ganoon na lang ang tingin nito sa mga babae?
Gusto na niyang putulin ang pakikipag-usap dito. Kahit naman ipagtanggol niya pa ang kanyang sarili ay waring sarado na ang isipan nito at masamang babae na ang tingin sa kanya.
"Kung tumatanggap man ako ng pera mula kay---" Saglit siyang natigil sa pagsasalita bago muling nagpatuloy. "...kay R-Roberto ay wala ka nang pakialam. May karapatan din ako rito," dagdag niya pa sabay lahad ng kamay kung saan naroon ang perang galing kay Roberto.
"May karapatan? How? Dahil sa babae ka niya?" hindi pa rin nagpapatalong wika nito. Hanggang sa mayamaya ay nagbaba-taas ang paningin nito sa kanya bago muling tumutok sa kanyang mukha. "Or it was because that money has something in return?"
Hindi siya tanga para hindi maunawaan ang ibig sabihin ng mga sinabi nito. Gusto niya itong bulyawan dahil sa kadumihan ng isip nito. Anong karapatan nitong husgahan siya? Ni hindi sila magkakilala at wala itong alam ano man sa buhay niya.
Dahil sa ilang saglit na pananahimik niya ay inakala ng binata na tama ang mga sinabi nito. And she can't help but to be irritated by everything that he said. At dahil sa iritasyon na kanyang nadarama ay hindi niya maiwasang iba na ang masabi dito.
"Ano ba sa iyo kung may kapalit man nga itong perang hawak ko?"
*****
HINDI mapigilan ni Lorenzo ang mapatiim-bagang. Kung tutuusin ay tama ang mga sinabi ni Tamara. Hindi sila magkaibigan, ni hindi magkakilala, para makialam pa siya sa buhay nito.
E, ano nga ba sa kanya kung may relasyon ito kay Mr. Asuncion? Ano nga ba sa kanya kung tumatanggap ito ng pera mula sa matandang lalaki at may kapalit pa?
Wala na siyang dapat na pakialam. But for some reasons, Lorenzo can't help but to be disgusted with the woman in front of him. He can't help but to be disgusted with the idea that she was having an affair with an old man in return of money--- a married man for that matter.
Ni hindi man lang ba nito naisip ang pamilya ni Mr. Asuncion? Hindi man lang ba nito naisip na maaari itong makasira ng pamilya?
Though, alam niyang sa sitwasyong iyon ay hindi lang si Tamara ang may mali. Dapat ding sisihin si Mr. Asuncion dahil sa panloloko nito sa asawa. Pero hindi ba at dapat na magkusa na si Tamara na layuan ang lalaki.
How disgusting! Halos wala itong pinagkaiba kay Charmaine.
Si Charmaine na nakipaglapit sa kanya, hanggang sa magkaroon sila ng relasyon, dahil sa pansariling intensyon, dahil sa mga plano nito at ng politikong ama. Alam niya na ginawa ng mga ito ang bagay na iyon dahil sa pag-aakalang tutulong siya sa kandidatura ni Enrico, Charmaine's father--- financially and for moral support.
And now, this woman in front of him. Nakikipagrelasyon sa isang lalaki para lang din sa pera?
Sa mga huling sinabi ni Tamara ay waring pinapatotohanan lamang nito ang mga hinala niya. May relasyon nga ito kay Mr. Asuncion. Patunay pa nga niyon ang perang hawak nito.
Marahan siyang napaismid dahil sa mga sinabi nito. Muli niyang pinagsawa ang kanyang mga mata sa pagtitig sa mukha ng dalaga. Hindi niya pa maiwasang manghinayang sa gandang mayroon ito.
Yes, this woman was beautiful. Beautiful was even an understatement to describe her. There was something on her that he could not explain. At nanghihinayang siya na ginagamit nito ang gandang taglay upang makapera sa ganoong paraan.
"Is it all about money?" tanong niya dito. Naglakad pa siya palapit at mas itinutok ang mga mata sa malawak na karagatan.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Kaya ka ba nakikipagrelasyon kay Mr. Asuncion dahil sa perang nabibigay niya sa iyo?" aniya sabay ng muling pagharap dito.
She never bothered to answer. Iniiwas pa nito ang mga mata sa kanya. Sa pananahimik nito ay waring sinagot din nito ang tanong niya.
Namagitan sa kanila ang katahimikan na pagkalipas ng ilang saglit ay ito rin ang bumasag.
"Hindi ko kailangang sagutin ang mga tanong mo. Estranghero ka lang sa buhay ko kaya hindi ko na kailangan pang magpaliwanag sa iyo," matatag nitong sabi sa kanya bago akma na ulit sanang tatalikod sa kanya para umalis.
But Lorenzo opened his mouth again to speak. Dahilan iyon para muling matigilan ang dalaga at mapalingon ulit sa kanya.
"What if I give you more money than that?" biglang saad niya dito. Kung bakit niya nasabi iyon ay hindi niya alam. Hindi niya rin maintindihan sa kanyang sarili.
"Ano?" tanong nito sa hindi makapaniwalang tinig.
Lorenzo just shrugged his shoulders. "Magkano ba ang natatanggap mo mula kay Mr. Asuncion? I will double it... just stay away from him."
Hindi niya alam kung alin sa mga sinabi niya ang nakakatawa ngunit bigla na lamang ay nagpakawala ito ng pagak na tawa. "Hindi ko alam na may sira-ulong guest ang resort na ito."
He smirked. "You can check my record, babe, and I assure you that I am perfectly fine."
Natigilan ito, kung dahil sa endearment na ginamit niya ay hindi niya alam.
"At bakit mo naman gagawin iyon? Hindi tayo magkakakilala, mister---"
"Lorenzo," agap niya sa pagsasalita nito. "Lorenzo Olivar."
"Lorenzo? Ikaw ang kaibigan ni Sir Ethan?!"
He smiled. Sa pagkakataon na iyon ay waring naging totoo ang pagngiti niya. Kanina pa sila nag-uusap pero ngayon lamang nito nalaman ang pangalan niya. Hindi na rin kataka-taka kung bakit alam nito na kaibigan niya si Ethan. Maaaring nabanggit na iyon ni Mr. Asuncion dito.
"So, would you accept---"
"Bakit mo ba ginagawa ito? Nag-aaksaya ka lang ng oras sa pakikipag-usap sa akin, Mr. Olivar."
Bakit nga ba? Sa isip niya ay alam niya ang sagot. He knew how it felt to be betrayed. Alam niya ang pakiramdam na gamitin lang para sa pansariling intensyon. At alam niya rin na ikasisira ng isang pamilya kapag nalaman na nagloloko ang isang padre-de-pamilya. He knew very well because that's what happened to his family.
Nagkaroon ng babae ang kanyang ama nang nasa kolehiyo pa lamang siya. His mother was so hurt about it. Lagi na ay naging dahilan iyon ng away ng mga ito. But his father chose them. Inamin nito ang pagkakamali at bumawi sa kanila. Alam niyang mahal nito ang kanyang ina. Sadyang nadala lang ito sa tukso.
Sa paglipas ng mga taon ay nagkaayos din ang mga magulang niya ngunit ramdam niya na ang pagsasama ng mga ito ay hindi na katulad ng dati. Alam niyang nagkaroon na iyon ng lamat. At isa siya sa labis na nasaktan dahil sa sinapit ng pagsasama ng mga ito.
Walang sino man ang may dapat na makaranas niyon. Not even Mr. Asuncion's wife and children. Kaya bigla na lamang ay inalok niya ng pera si Tamara para lang layuan si Mr. Asuncion. Maliban sa maiiwasang masira ang pamilya ng huli, hindi ba't para din iyon kay Tamara? She is too young to ruin her own life just because of having an affair with a married man.
Mayamaya pa ay sinagot niya din ang tanong nito. "Dahil pamilyadong tao ang lalaking hinuhuthutan mo ng pera. Hindi ka ba naaawa sa pamilya 'nung tao?"
Hindi niya alam kung guni-guni niya lang ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang sakit na nakiraan sa mga mata nito. Was she insulted by the words that he used?
"Hindi ko hinuhuthutan lang si--- si R-Roberto. At bakit ba ako makikinig sa mga pinagsasasabi mo?"
"I will give you a deal, Tamara," saad niya pa na wari ba ay hindi ito nagsalita. "Stop seeing Mr. Asuncion. Narinig ko kaninang hindi niya nais na lagi kang nagpaparito para makipagkita sa kanya. So just stop seeing him and I will double that money in your hand."
"Kung sakaling tanggapin ko ang alok mo, hindi mo ba naisip na maaari pa rin akong makipagkita kay Roberto nang hindi mo alam? Lalo na kung aalis ka rin lang naman sa lugar na ito, ano ang silbi ng pangingialam mo ngayon?"
"Then, be my woman instead."
"Ano?!"
"Binata ako at mas bata kumpara kay Mr. Asuncion. Sinisiguro kong wala kang pamilyang masisira, Tamara. Plus, I can give you much money than what Mr. Asuncion was giving you. Don't you think that was a greater deal? That would also make my stay here a little bit exciting, babe."