Chapter 18: Coping

1508 Words

Gigil na nagpaparoo’t-parito si Belle sa loob ng kuwarto. Pakiramdam niya inaaltapresyon siya. Bakit hindi? Zyrone just told her the most preposterous thing she had ever heard. Marry me. Paulit-ulit na um-echo sa isip niya ang sinabi nitong solusyon sa problema nila. At lalo lang siyang nanggigil. Paanong solusyon ang pagpapakasal niya rito? Ni hindi nga sila magkakilala tapos pakakasal siya rito? Lintek talaga na suplado! Umupo na siya sa kama at pinagsusuntok niya ang mga unan. Gigil na gigil siyang tunay. Kulang na kulang pa ang sampal na iginawad niya rito kanina. Ang bagay rito, mag-asawang sampal , roundhouse kick at uppercut! Baka kapag ginawa niya iyon, matauhan na ito nang tuluyan. Nagbuga siya ng marahas na hininga at ibinaling ang tingin sa langit. Nahawi na ang madilim na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD