Nakahalukipkip na pinagmamasdan ni Belle ang guwapong mukha ng supladong si Zyrone. At habang tumatagal na nasa gano’n siyang posisyon, hindi na niya sigurado kung gusto pa niya itong gisingin o hindi. Hindi naman talaga kasi maipagkakaila na napakaguwapong nilalang ng suplado. Lutang na lutang ang American features nito—makakapal na kilay, matangos na ilong, at delectable lips. And his eyes… his cerulean eyes that can send to magic land in just once glance. Masarap pa rin talaga itong pagmasdan kahit na allergic siya rito. ‘Di ba, gano’n naman talaga ang allergens, enticing but deadly. Umirap na siya. Kung anu-ano naman ang naiisip niya. In as much that she wants to stare at Zyrone’s handsome face and keep him sleeping for her peace of mind, hindi niya puwedeng hindi gisingin si Zyrone.