“Bakit mo ko binalikan? Akala ko ba galit ka sa mga gaya ko na ang trabaho ay pagkakitaan ang kamalasan ng iba?” nakaingos na tanong ni Belle kay Zyrone. He scoffed and slowly shook his head. “So, that’s what I get by saving your ass back there, huh? Right, you’re welcome, Ms. Nolasco,” sarkastikong sagot nito, ang mga mata nasa daan pa rin. Rumolyo na ang mga mata niya. She doesn’t mean to be an ingrate but she’s hungry, too shocked and too confused to even give a hell of a care to what he has done. Kung tutuusin, dapat nga talaga siyang magalit dito dahil kung hindi siya nito isinama sa pagkatakas, maayos pa sana ang buhay niya ngayon. She might be three thousand bucks poorer dahil sa ginawa niyang panunuhol kay Marie, but at least she would be in the comfort of her own home by now.