Wala sa sariling nakatitig si Belle sa kisame ng kuwarto nila ni Zyrone. Doon siya dumiretso matapos ang madamdaming pag-uusap nila ni Grandma Eve. Akala niya madaratnan niya roon si Zyrone dahil wala ito sa may pinto paglabas niya sa kuwarto ng lola nito. Pero maging sa kuwarto nila, wala pa rin ang suplado. Kung saan nagpunta, hindi niya alam. At kahit na alam niya siguro kung saan ito nagpunta, hindi pa rin niya ito pupuntahan. Not when she looked like a mess. In fact, she doesn’t want other people to see her like that. Mukha kasi siyang nabugbog kaysa nagmukmuok. Her eyes were puffy from all the crying since last night. Sa totoo lang, masakit na ang mga mata niya sa pag-iiyak. Pero anong magagawa niya kung ayaw magpaawat ng mga emosyon niya. Kaya heto siya ngayon, muling ninan