Five days ago
“Kim, Mimi, Gigi!” mahinang tawag ni Belle sa mga pusang gala na laging nakatambay sa tapat ng inuupahan niyang bahay sa Brgy. Happy Village.
Sumilip siya sa maliit na gate ng bahay niya at nakita niya ang sabay-sabay na paglingon ng mga pusa sa kanya. Unang ngumiyaw ang kulay orange na pusa, si Kim, ang bibong lider ng grupo na madalas niyang makitang nakatambay din sa harap ng karinderya ni Aling Mona sa kanto. Si Mimi naman, ang kulat puti, ngumiyaw rin. At si Gigi na kulay gray, hindi na nagpatumpik-tumpik pa at nagmadaling tumakbo palapit sa kanya nang makita ang brown bag ng pandesal na hawak niya.
Ilang sandali pa, nag-uunahang lumusot ang mga ito sa pabilog na design ng gate ng bahay niya bago tumambay sa paanan niya—pawang naghihintay sa pa-ayuda niyang araw-araw na pandesal sa mga ito.
Nakangiti niyang binigyan ng tig-iisang pandesal ang bawat pusa at masaya niyang pinagmasdan ang mga ito habang nag-aagahan.
Sa totoo lang, noong bata siya, mas gusto niya ang aso kaysa sa pusa. Kaso noong nakatira pa sila ng Mama niya sa tabi ng riles ng tren, mayroong pinag-trip-an na pusa ang mga batang tagaroon. Sinubukan niyang sawayin ang mga ito subalit hindi nakinig ang mga ito sa kanya. Namatay ang pusa at hindi na nakabalik sa mga kuting nito. Ang tindi ng iyak niya. Awang-awa siya sa mga kuting na hinahanap ang nanay nila. Ang ginawa ng Mama niya para matigil na siya sa pag-iiyak, kinuha nito ang tatlong kuting at sila ang nag-alaga.
Mula noon, gusto na niya sa pusa. Ang kaso, nang magsimulang kumerengkeng ang mga alaga nila, hayun, lumayas din at nagkanya-kanya.
Kung sabagay hindi rin naman niya masisi ang dati nilang mga pusa, mula kasi nang mamatay ang Mama niya anim na taon na ang nakararaan, hindi na niya naalagaan ang mga ito. Pati nga sarili niya noon hindi rin niya maalagaan dahil abala siya sa pagtatrabaho bilang crew sa isang cafe at pag-aaral sa gabi.
Nito lang nagkatrabaho siya talaga sa Pastel, isang sikat na lifestyle online magazine, nagbago nang husto ang buhay niya. She’s a writer for Pastel. Pag-aari iyon ng pamilya ni Lee Ann, ang matalik niyang kaibigan na nakilala niya noon sa university.
Sa totoo lang, noong alukin siya ni Lee Ann ng trabaho sa kumpanya nito, maraming inggitera at chismosa ang nagpukol ng issue sa kanya na kaya lang naman siya nakapasok sa Pastel ay dahil sa konesyon niya kay Lee Ann. Kaya naman she has to double and even triple her efforts just to prove them that she got the job because she has the skills and know-how. Ang forte niya, mag-interview at magsulat ng article sa mga taong hindi pa nai-interview ng iba, madalas mga ordinaryong mga tao na may malaking kontribusyon sa soceity. And somehow, matagumpay naman niya iyong nagagawa. That’s why there she is four years after, still writing for one of the most successful online magazine in the country.
Agad na nagaaw ang atensyon niya nang tumunog ang cellphone niya na naiwan sa sala. Agad siyang pumasok sa bahay niya at sinagot ang tawag.
“Lee Ann,” bungad niya sa tumatawag, pinulot pa ang mug na nasa coffee table at humigop doon ng kape na katitimpla pa lang niya.
“Belle, I need you to do me a favor. Nag-release na tayo ng teaser for their wedding article, someone from Pastel needs to be there. It’s the wedding of the year!” dire-diretsong sabi ni Lee Ann sa kanya. She can sense the panic and urgency from her voice.
“Saan?”
“Belle, you need to attend Zyrone and Audrey’s wedding today in my place.”
Agad siyang nahirinan at napaubo sa sinabi ng kaibigan. Ano daw, siya ang aattend sa kasal ni Zyrone ‘antipatiko’ Craig at ni Audrey Enriquez?
“Hey, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Lee Ann sa kanya nang magsunod-sunod ang pag-ubo niya.
Nang humupa ang pag-uubo niya, tumikhim siya, lukot ang mukha. “Magiging okay ako kapag binawi mo ‘yang inuutos mo sa ‘kin, Lee Ann Chen! Ano ka ba naman, alam mo na naman na allergic ako sa mga mayayaman tapos tapos gusto mo pa akong makihalubilo sa kanila ngayon.”
“My family is rich. So, allergic ka rin sa akin, sa amin?”
Totoo ang sinabi nito. Lee Ann’s family owns a chain of grocery stores, a newspaper company at siyempre ang Pastel. So yes, her bestfriend’s family is really rich.
Umirap siya. “Alam mong exempted ka sa rule, matagal na. Ang ibig ko lang sabihin, kung papupuntahin mo sana ako sa isang liblib na lugar para makita ang mangigisda na nagiging sireno sa gabi, payag ko. Kahit na makipag-swimming pa ako sa kanya kahit hindi ako marunong lumangoy. Pero, sa kasal ni Zyrone? Jusko! Nakalimutan mo na ba ang ginawa no’n kay Minnie?”
Kasama niyang writer sa Pastel si Minnie noon. Naatasan itong interview-hin si Zyrone Craig, ang tagapagmana ng Gold Hotel Internationl, isa sa pinakasikat na chain of hotels sa buong mundo. Ang balak sana ng Pastel noon, gawing cover si Zyrone para pagbigyan ang mga readers nila for their anniversary issue. But Zyrone did not just turn Minnie down. The jerk insulted her friend and said that Pastel was a piece of junk patronized by ugly girls who cannot get a man for themselves! Nang ikuwento ni Minnie sa kanya iyon, kulang na lang mag-isa siyang magwelga sa harap ng Gold Hotel-Manila!
Hindi kasi tama. Zyrone maybe one of the most sought after bachelor of their generation and very popular but he is not god. Wala itong karapatang magpahiya ng tao lalo at hindi naman nito empleyado. Minnie filed an irrevocable resignation after that. From then on, napasama na sa listahan niya ng mga tinamaan ng lintek na mga mayayaman si Zyrone Craig.
“But I told you, Zyrone already apologized for that incident. He even personally said sorry to Minnie. He said he was just having a bad day” paliwanag ni Lee Ann.
And while it’s true that Zyrone did that, hindi pa rin siya kumbinsido na hindi ito suplado at antipatiko. At nunca siyang makikisalamuha rito lalo pa at sa kasal nito!
Ano siya hilo?
“Kahit na ano pang sabihin mo Lee Ann, hindi mo ko mapipilit na pumunta sa kasal niyang lintek na Zyrone na ‘yan. Kung gusto mo ng article, ikaw mismo ang pumunta,” aniya muling humigop sa mug ng kape na hawak niya.
“But, I can’t!” reklamo ng kaibigan niya, histerikal.
Namaywang na siya. “Anong but you can’t? Ano bang drama mo, Lee Ann? You’ve been preparing for this event for weeks! Tapos at the last minute hindi ka aattend? May iniiwasan ka ba do’n?” Natigilan siya, napakurap. “Oh my god! Aattend si Franco?” pasigaw na tanong niya sa kausap.
Natahimik ito bago, “I only learned last night. Nasabi ni Mommy during dinner,” anito sa mababang tinig.
Franco was Lee Ann’s ex. They’ve been together for two years before the a*shole ghosted her friend. Next thing they knew, Franco got married to Lee Ann’s distant cousin Jia Li. Lee Ann’s a mess after that. It took a while before Lee Ann recovered from the heartbreak.
At naiintindihan na niya ngayon kung bakit ayaw nitong um-attend sa event na posibleng makita nito ang talipandas nitong ex.
Mabilis siyang nag-isip, sandaling bumusangot, nagbuga ng hininga bago. “Anong oras ba kasi ‘yong kasal?”