Naging alerto si Ahab sa pagpasok sa City of Ruinae. Kilalang lugar ito ng mga bampira libong taon na ang nakalipas. It used to be the most modern and progressive city in the east. The central hub of post-modernization, advanced civilization, tallest skyscrapers, and out of this world technology. Ngayon ay isa na lang itong haunted wilderness destroyed by natural and supernatural disasters. The place is no longer habitable since the air and land are poisonous to organic creatures, especially humans.
Inangat ni Ahab ang kamay para huminto ang mga kasunod. Naging alerto ang apat na Jabezzites na sumusunod sa kanya sakay ng kani-kanilang kasno. Ang matandang si Hermaiz ay hindi huminto. Tumabi ito kay Ahab at tinanaw ang paligid.
This place is quiet. Too quiet. Sa isip-isip ni Ahab.
"Ito na ang pinakamalapit na shortcut papunta sa Hebron. It's still several days of travel though." Sabi ni Ahab sa matanda pero pinakamalakas na Jabezzite na nabubuhay pa hanggang ngayon.
Sa edad na 89 ay warrior pa rin ang aura ni Hermaiz kahit physically ay mahina na ito. Iniwan nya ang bahay sa bundok ng Shenai para pagbigyan ang request ni Jehu.
"Hermaiz, the light is getting weaker and weaker since father died. You must come to Hebron immediately. We need your help badly."
Sabi sa sulat na dala ni Ahab using the dead language of the ancient world para hindi ito madaling maintindihan in case mapunta ang sulat sa ibang kamay. Agad sinunog ni Hermaiz ang sulat after nya itong basahin.
Matalik na kaibigan ni Hermaiz si Josiah na ama ni Jehu. Lumaban sila pareho sa tatlong malalaking digmaan ng kanilang kabataan, war against rafa, rufus, and shallit. Mga nilalang ng dilim na patuloy na nagdadala ng lagim sa mga natitirang tao sa mundo.
"You're our only hope. Ikaw na lang sa lahi natin ang marunong gumamit ng ancient weapon of lumens gamit ang prayer of Jabez. Kailangan ka namin as our leader para maturuan mo kami kung paano palalakasin lalo ang aming liwanag. Kaya taking you to Hebron safely is our utmost mission." sabi ni Ahab.
"Bakit parang worried ka? Wala ka bang tiwala sa power ng mga Jabezzite warriors na kasama mo?" Tanong ni Hermaiz, kahit alam na nya ang sagot.
Nalungkot ang matanda dahil naging reliant ang mga warriors ng liwanag sa mga modern weaponry, na gawa ng mga sinaunang tao, to fight off the dark forces.
Huminga ng malalim si Ahab. Trained ang mga Jabezzites na pinili nyang sumundo kay Hermaiz, pero wala sila sa caliber ng pagiging warrior ng ermitanyo dahil grabe ang experiences nito sa mga digmaang pinagdaanan.
"Hindi humihina ang liwanag ninyo. Your faith becomes weak." Makahulugang sabi ni Hermaiz.
They continued entering the inner city. Masyadong tahimik ang lugar, ito ang reason kung bakit worried si Ahab. Kahit paisa-isang shallit ay wala syang makita. Noon nila narinig ang sigaw mula sa malayo. Nakahinga ng maluwag si Ahab. At least alam nyang may kalaban sa paligid, hindi man nila matulungan kung sinuman ang sumigaw.
Ilang saglit lang at unti-unti nang nilamon ng dilim ang paligid, kasabay nito ang pagbabagong anyo ng kasno. Mula sa puti ay naging itim ito at ang mga balahibo ay biglang kumapal. Hybrid na sasakyang hayop ang mga kasno. Sa umaga ay kumakapal ang balat nito para protection sa heat at sa gabi naman ay kumakapal ang balahibo nito para panlaban sa lamig. Super dry heat at numbing icy cold temperature na lang ang meron sa mundo ng dilim.
Kasabay ng dilim ang biglang pag-apoy ng katawan ni Hermaiz, parang bolang binalot ng liwanag nito ang mga warriors na patuloy ang paglalakbay. Sa laki at lakas ng liwanag ng matanda ay walang bampira o shallit ang mabubuhay kung lalapit sa kanila. They will explode into pieces with how sharp the light of Hermaiz is.
Natulala kahit si Ahab sa nakitang lakas ng liwanag ni Hermaiz. He knows how powerful the hermit is but he never expected this much power. Nagkaroon ng pag-asa si Ahab na si Hermaiz na nga ang solution sa problem nila sa pagliit ng liwanag ng Hebron. Guided by the blazing flame of light, the group continued to travel.
Huminga ng malalim si Hermaiz. Alam na nya ang susunod na mangyayari, pero sobrang anxious pa rin ng puso nya. He just uttered the prayer of Jabez hoping na makikita ni Mehia ang katuparan ng prophesy na nakita na nito noon pa.
******
Papalapit na kay Judy ang grupo ng mga shallit. Lampas sampung mga bata at matatandang naaagnas at inuuod na buhay na bangkay ang marahang naglalakad patungo sa lugar ng babae. Tumingala si Judy sa itaas ng sira-sirang building, nagmamakaawa sa mga naroroon.
"Hindi pa. Hintayin nating makita ka nila.” Sabi ni Val, isa sa mga markadong kasama ni Judy sa training na ilang buwan na nyang ginagawa para mabuhay silang mag-ina.
Nakita ni Judy ang batang babaeng shallit na halos kasing edad ng anak na si Gabriel. Labas ang isang mata ng batang hawak pa ang laruan nitong manika, wala na ang kalahati nitong mukha. Base sa ingay na gumagaralgal sa lalamunan ng mga halimaw ay hayok na hayok ang mga ito sa kanyang laman.
Umiyak na lang si Judy. Mula siya sa last tribe of Ati known to be nomads and people of the forests. Self-sustaining ang tribu kaya may freedom silang hindi makasali sa system ng world domination ni Kein. Kaya nilang umiwas sa mga kampon ng dilim. This is why they remain unmarked and clean. Malas lang na napahiwalay sina Judy at ang anak nitong si Gabriel sa grupo nila at nahuli ng mga markado. Ang akala ni Judy ay ibebenta sila ng mga ito sa Kamara, ang palengke ng mga bampira, pero may ibang plano pala ang mga rafa sa kanilang mag-ina.
"Wag kang magpapakalmot kung ayaw mong maging shallit." Bilin ni Beth, isa ring markadong kasama ni Val.
"Iiwan ka namin dito oras na maging shallit ka." Sabi ni Rudy, isang markado ring Walang concern kay Judy.
"Baka kainin mo ang anak mo kapag shallit ka na." Natatawang sabi ni Val.
"Kung hindi naman ay ako ang iinom sa dugo ng anak mo kapag rafa na ako." Patuloy pa nito. Nagtawanan ang iba pang markado.
Halos mabaliw si Judy sa isiping may masamang mangyayari sa anak nya. Pitong taon lang ito at hindi dapat gawing pagkain ng bampira. Hindi namalayan ni Judy na nakita na sya ng mga shallit at tumakbo na ito palapit sa kanya. Limang hakbang na lang ang layo ng Isang batang shallit kay Judy bago binabaan ng mga markado ng hagdang gawa sa lubid ang babae. Saktong nakaakyat si Judy bago pa mahawakan ng isa sa mga shallit ang paa nya.
Sa baba ay nakatingala ang mga maingay na shallit, gutom na gutom na nag-aabang na muling bumaba si Judy. Sa opposite na building ay nakita ni Judy ang tulog na anak. Ilang saglit at tumulay sila para sundan ng mga shallit papasok sa sentro ng syudad. Matagal na nilang pinaghahandaan ang ambush na gagawin. Ang mga shallit at si Judy ang pain nila to accomplish their mission.
"Isa pa!" Sigaw ni Val. Malayo-layo pa ang mga shallit sa kanila.
"Alerto kayo, malapit nang magdilim. Kung magigising na ang mga rafa natin ay malamang na may magigising na ring mga rufus. Hindi na lang isang kalaban ang paghahandaan natin." Bilin ni Salud, ang pinakamabait na markadong nakasama ni Judy sa training na ito.
Bumabagal ang kilos ng mga shallit sa gabi pero hindi ibig sabihin na hihinto ito sa paghahanap ng makakain. Ang mga rufus naman ay singbilis ng kidlat kumilos na gaya ng sa mga rafa, kaya mas mahirap takasan ang mga ito. Alanganin man ay bumaba ulit si Judy mula sa sirang building at lumayo dito ng konte habang tinitingnan kung may mga shallit sa paligid.
"Judy, sa likod mo!" Sigaw ni Salud.
Tumakbo si Judy pabalik sa lubid na pinagbabaan pero may dalawang shallit na nakaabang na dito habang may humahabol na iba pa sa kanyang likuran.
Trapped na si Judy. Lalo pang dumami ang nagdatingang horde ng mga shallit. Naaamoy nila ang laman pati ang takot ng babae.
"Tulong! Tulungan nyo ako!" Sigaw ni Judy.
Ito ang sigaw na narinig ni Ahab at ng mga Jabezzite warriors nang una silang pumasok sa city of Ruinae. Opposite direction ito sa pupuntahan nila Ahab kaya malabong matulungan nila ang sumisigaw.
"Ililipat namin ang hagdan doon." Itinuro ni Salud ang mataas na bato hindi kalayuan sa left side ni Judy.
Patakbo pa lang si Judy nang dose-dosenang shallit ang lumabas mula sa opening ng bato. Hopeless na talaga ang situation ni Judy. Mabagal na ang mga shallit pero malakas ang kapit ng mga ito. Isang hawak lang at sure death ang babae. The shallit will never let her go until they ravaged her meat to the bone. Napa-atras si Judy sa bagong sumusugod na grupo ng mga shallit, hindi nya namalayan ang dalawang halimaw sa kanyang likuran.
Kahit ang mga markado ay natulala na lang. Wala na silang magagawa pa para mailigtas si Judy. Noon tumalon ang isang rafa sabay angat kay Judy sa ere para ilagay ang babae sa ligtas na lugar. Grabe ang iyak ni Judy, nanginginig ang buo nyang katawan sa takot at trauma. Sa ere ay tatlong mga rafa ang tila nagliliparan para magpalipat lipat ng iba’t-ibang ruined buildings.
"Hindi ba sinabi kong ingatan nyo sya?!? Hindi madaling humanap ng taong walang tatak na kagaya nya sa panahon ngayon!" Sigaw ng rafa na nagligtas kay Judy, galit na galit ito.
Napayuko ang mga markado. Nang bumaba ang iba pang mga rafa ay sumampa sa likuran ng mga ito ang kani-kanilang markado at saka sila lumipat palayo sa mga dumadaming shallit. Tiningnan lang ni Judy ang papalayong tulog na anak, pasan naman ito ng isang markado.
"Umikot na ako ng dalawang beses, walang rufus sa paligid." Sabi ni Leon, isang rafa. Kahit matagal nang kasama ni Judy ang mga ito ay takot pa rin syang makita ang mapupula nitong mga mata at nakatatakot na balon ng matatalim na ngipin.
"Isa pa..." sabi ni Joson, ito ang nagligtas kay Judy kanina. Pinakamatagal na bampira na ito pero pinakabata ang itsura.
"Pwede po bang bukas na lang ulit? Pagod na po kasi ako at takot na takot. Dalawang beses na akong muntik..." Lakas loob na sabi ni Judy kay Joson. Matalim na tingin ni Crisanto ang nagpatahimik kay Judy. Si Crisanto ang pinaka nakatatakot na bampira dahil sobrang bangis ng anyo at ungol nito lalo kapag nagagalit.
"Kung pagod ka na, uhaw naman ako. Gusto mo bang ang anak mo ang inumin ko?" Sabi ni Crisanto.
"W...ag po..." Umiyak ulit si Judy at saka sinilip ang anak na natutulog hindi kalayuan sa kanya. May hawak pa itong pagkain, sa kabusugan ay nakatulog ito. Alaga sila sa supply ng pagkain mula sa bampira, pero buhay naman nilang mag-ina ang kapalit kapag hindi sila sumunod sa utos ng mga rafa.
"Speaking of uhaw…Val!” Mula sa pagkaka-upo sa gilid ng bato ay lumapit si Val sa kanyang amo. Inangat nito ang suot na sleeve. Kita ni Judy ang napakarami nitong marka ng kagat. Kaya sila tinawag na mga taong markado.
Iniwas ni Judy ang tingin nang magsimulang sipsipin ni Hael ang dugo ni Val. Gustong masuka ni Judy sa pandidiri. Napakapangit ng tunog ng pagsipsip ng mga ito. Ilang saglit at kanya-kanyang inum ang lahat ng rafa sa kanilang mga markado.
Si Crisanto ang unang nakarinig na may dumarating. Binitiwan nito ang braso ni Salud at saka tumayo. Alerto rin ang ibang bampirang tumigil na rin sa pagkain.
"Maiwan kayong dalawa..." Utos ni Crisanto kay Leon at Hael.
"P..paanong? Ngayon na? Hindi dito ang lugar na dapat natin Silang abangan." Sabi ni Joson saka lumapit ito kay Judy at binitbit ang babae sa ere.
"Alam mo na ang gagawin mo?"
Tumango si Judy, takot na takot.
"Hindi na ito laro. Kapag hindi mo ginawa ang trabaho mo, hindi mo na makikita ang anak mo." Pananakot naman ni Hael sa babae. Muling lumuha si Judy.
Malayo pa lang ay kita na ng dalawang rafa ang sobrang laking liwanag. Ngayon lang sila nakakita ng mga Jabezzite warriors na ganito kalakas. Sa sobrang takot sa liwanag ay naitapon ni Joson si Judy. Mula sa ere ay bumagsak ito, una ang tuhod. Napasigaw si Judy sa sobrang sakit nang nabasag nyang kneecap.
Nagtinginan ang mga shallit na nasa di kalayuan. Gamit ang pang-amoy ay naglakad ang mga ito sa dilim para hanapin ang sariwang laman ni Judy.
"Tulong!" Pinilit ni Judy tumayo pero hindi kaya ng napilay nyang kanang paa. Sa paligid ay rinig na ni Judy ang mga papalapit na shallit.
"Tulong!!!" Muling sigaw nito.