Caleb has no idea how long he’s been lying on his bed. They are still in Kamara, despite the conclusion of the annual festival. Nang makabalik sya sa kanyang kwarto matapos uminom ng dugo ng kanyang Bagong markado ay sumuka sya ng likidong kulay berde. Sticky, stinky, and green liquid that Caleb is in pain vomiting. Naisip nyang nalason sya ng magandang babaing namarkahan nya pero hindi masama ang pakiramdam ni nya. In fact, gumagaan ang pakiramdam nya sa bawat pagsuka.
"Panginoon?" Marahas ang katok ni Revin ng pintuan. "Wag kang pumasok..."
"Nag-aalala po si Salome sa kalagayan nyo..."
"Maayos ako..."
"May kailangan po ba kayo sa akin?"
"Kailangan ko lang magpahinga, ikaw na ang bahala sa lahat..."
"S..sige po..."
Matapos lumabas ng banyo ay muling nahiga sa kama si Caleb at mahimbing na natulog.
Sa kabilang pinto ay nag-aalala na si Revin. Hindi nya rin alam kung sasabihin na ba kay Caleb ang tungkol sa pagkaing ipinatapon sa kanya ni Salome. Awang-awa si Revin nang buhatin nya ang babaeng walang malay at isakay sa karwahe ng mga pagkaing itatapon. Alam ni Revin na sa Tavach dadalhin ang babae. Balita ang lugar na ito pero bihira ang nakaka-alam kung saan ito at
kung anong nangyayari sa mga dinadala dito. Basta ang alam nya ay wala nang nakababalik pang nilalang na dinala doon.
In his mind, Revin wanted to save Vera but his sire blood that is strongly linked to Salome is impossible to resist. It pained him somehow to let go of the sleeping girl but he has no other choice.
Ngayon nga ay ilang araw nang hindi lumalabas ng silid si Caleb. Halos wala ng buhay sa Kamara at umalis na ang mga bisita dahil tapos na ang malawakang kalakalan.
Bumalik na sa normal ang palengke. Sila na lamang ang natitirang VIP guests sa hotel. Sa mga balita nya kay Salome ay sinasabi nyang maayos si Caleb. Maayos naman, maliban sa tila patuloy nitong pagsuka sa tuwing magigising. Hindi rin naman nya ito maalok ng ibang inumin o pagkain.
"Alam mo ba ang nangyari sa Allegria?" Rinig nyang pinag-uusapan ng mga rafa ilang palapag mula sa hallway kung saan kinatok ni Revin ang amo.
"Oo, narinig ko. Sinugod ng mga shallit ang karwahe ng mga ulila. Lahat patay at naging shallit na rin daw.”
Nanlumo si Revin. Hindi nya pagkain ang babae pero ansakit ng narinig nyang balita. Lalo na siguro kung si Caleb ang makakaalam nito. Napaupo si Revin pasandal sa wall ng pintuan ng amo. Hindi nya malaman ang gagawin.
******
"Gaano kalaki ang ibinaba?" Halata ang pag-aalala sa kunot na noo ni Jehu. Kadarating lang sa kanya ng balitang hindi pa bumabalik sina Nabeel at ang kasintahan ng apo. Ngayon ay patuloy ang pagsakop ng dilim sa liwanag na syang nagsisilbing proteksyon ng mga taga Hebron sa pagsalakay ng masasamang elemento.
"Isang pulgada kada araw ama. Minsan higit pa..." sabi ni Raju.
"Sa buong paligid ito?"
Tumango ang kausap ni Jehu.
"Sa buong arko ng liwanag. Ano ang gagawin natin ama?"
Huminga nang malalim si Jehu.
Sunod-sunod ang masamang balita. Ang pagsalakay sa grupo nila Ahab at ang pagkamatay ni Hermaiz. Cortez, the sole survivor went home carrying what remains of their failed mission.
Instead of celebration for the coming of the new leader of Hebron, the days turned into lamentation. Magkagayon man ay bitbit ni Cortez ang lakas na taglay ng liwanag ni Hermaiz at ito ngayon ang madalian nyang pilit ipinapaturo at isinasalin sa mga kabataang warriors na sinasanay nila kabilang nga sina Nabeel at Gervis.
Bumaba man ang liwanag at lumiit ay may tsansa pa rin silang makalaban gamit ang liwanag na nasa kanilang mga katawan. The question now is - time, will they have enough to learn from Cortez before their protection runs out?
"Ihanda ang mga moog. Siguraduhing protektado ang mga banal na artifacts kasama ang mga pinagbabawal na simbolo at salita. Ikalat ang mga ito sa buong sulok ng paligid bilang proteksyon ng mga taong hindi kayang maglabas ng liwanag. Sabihin sa mga gurong patuloy na ituro ang Prayer of Jabez sa mga kabataang estudyante nila. At paghandain ang buong sandatahan kung sakaling dumating sa pagkakataong kailangan nating lumaban araw man o gabi.”
Tumahimik si Jehu matapos ang mabahang pananalita, alam ni Raju na may sasabihin pa ang ama.
"Siguraduhin mong ligtas ang mga lahi ng Zseir, alam kong sila ang unang sasadyain ng mga bampira kapag sumugod sila rito. Siguraduhin mong napaliligiran ang kanilang tahanan ng natitira nating pinaka-malalakas na warriors bukod sa liwanang na naka-ikot sa kanilang paligid.”
Jehu suddenly felt tired. The last he heard from Husea, his father is continuously writing new prophesies.
Will it be in our favor? Jehu has no way of knowing.
“Minsan parang Baliw na umiiyak at tumatawa ang ama ko habang nagsusulat ng mga propesiya. Pasensya na hindi ko pa rin mabasa ang mga ito kaya hindi ko alam kung paano ako makakatulong…”. Sabi ni Husea kay Jehu.
“Basta ang pamilyar sa akin ay ang simbolo ng pangalan ni Caleb sa aklat ng propesiya at ang utos na Hinding-hindi natin dapat ito galawin o saktan..”
Hindi alam ni Husea ang tungkol sa simbolo ng pagtatapos ng isang yugto nang nakaraan,
Isang pagsasakripisyo ng huling buhay at isang pagbangon ng kapangyarihang pinagpala mula sa langit.
Si Mehia lang ang nakaka-alam ng tungkol dito. Hindi nya masabing pumapasok sila sa bagong yugto, isang yugto ng pangako.
“Pero wag tayong mawalan ng pag-asa pinunong Jehu. Ramdam kong kumikilos is Yswah para sa kabutihan natin.” Sabi ni Husea nang huling binisita nya ito.
Inisip ni Jehu si Caleb, ito ang susi ng propesiya or kung hindi man ay kabahagi. Bakit importante si Caleb, gayong kaaway na ito ng kanilang lahi?
"Ama...maaari ba kaming maghanap kay Gervis at…”. Putol ni Raju sa pananahimik ng pinuno.
“Wag muna, mahirap magkalat ng mga taong liwanag sa malalayong lugar at mas kailangan natin ng vigil ng mga warriors higit ngayon. Sabihan mo si Adda na wag padalos-dalos. Kilala ko ang Apo ko at mahal ko sya, pero si Yswah na ang bahala kay Gervis. Pagsuko dito at hindi paglaban ang dapat nyang gawin.”
Tumango si Raju, anticipating how disappointed Adda would be. She can be as stubborn and tenacious when need be. Naalala nya ang huling usapan nila.
“Adda…pinili mong magkaroon ng mapapangasawang Jabezzite warrior. Lahat ng gusto mo ay sinuportahan ko, tinaggap ko pati ang pagkatao mo pero this time makinig ka sa utos ni Yswah sa puso mo. Kung kukunin nya sa iyo si Gervis…”
“Hindi ama… mula sa lahi ni Yakub ang dugo ni Gervis…pinili ko sya dahil alam kong may taglay syang lakas kahit…kahit ganun sya…”
Tumango si Raju, sang-ayon sa anak.
“Sinabi ko rin yan kay Adda ama…”. Sinubukan lang ni Raju humingi ng basbas, in case maging matigas ang ulo ni Adda at pilit sumunod kina Gervis.
“Mabuti.”
Hindi na kumibo si Jehu. Raju understood that their meeting is over, so he left his father’s house. That’s when Jehu wept in silence.
"Bigo ako ama na itaguyod ang sinimulang laban ng ating lahi... Wala akong lakas na kagaya ng sa iyo o ng mga sinaunang Jabezzite warriors... Maging ang mga lahing sumunod sa akin ay mahihina rin…Yswah…ikaw na ang bahala!”
As Jehu is praying, the light covering Hebron receded yet again and the monsters of the night seem to feel it, pulling them to the place where food is aplenty.
"Andito na sila! Andito na sila Nabeel at Gervis!”
Sigaw ito buhat sa malayo, pero rinig Jehu. He stopped crying as relief washed over him. The light covering the whole of Hebron stopped shrinking as soon as Gervis and Nabeel arrived with their guests.
******
Malapit nang magdilim nang matanaw ni Nabeel ang Hebron. Ilang araw din silang naglakbay. May mangilan-ngilan pa rin silang nasagupang mga shallit at rufus pero tila may kakaibang lakas ang liwanag nila Gervis at Nabeel para labanan ang mga ito gamit lamang ang pagbato ng kanilang ilaw habang patuloy nilang pinatatakbo ang kasno.
“Yes! We are back ladies and gentlemen! Ihanda ang trumpeta!” Sigaw-halakhak ni Gervis. Kita ang ginwaha sa pagod nitong mukha.
"Andito na tayo?" Si Gabriel na hindi naman tanaw ang Hebron.
"Tiyak na madilim na kapag nakarating tayo sa bungad ng liwanag kaya maging alerto kayo. Maaaring may umaali-aligid na bampira sa paligid." Sabi ni Nabeel.
As they near Hebron, Vera’s heart beats faster and faster with excitement and awe. Her mouth opened when she saw the light against the darkening sky. Naalala nya kung Paano I-describe ni Gideon ang Hebron.
“Para syang isang malaking syudad na nasa loob ng maliwanag na globo.” Ginuhit pa ni Gideon ang itsura ng Hebron para makita ni Vera.
Looking at it now, the place is above and beyond what her father had described it to be. Kakaibang saya ang bumalot sa puso ng dalaga.
Napayakap sya ng mahigpit kay Nabeel mula sa likuran nito. Kahit galit sa kanya ito ay hindi nya magagawang magalit din dito. Ito ang tumupad sa pangarap nyang makarating sa tahanan ng kanyang ama.
Pakiramdam ni Vera ay muli syang niyakap ng ama saba'y sabing
"Naku, excited na akong madala ka sa Hebron. Siguradong matutuwa ang mga tao doon pagdating mo." Lalo tuloy nasabik si Verang pumasok sa loob ng malaking bola ng liwanag.
As Nabeel rode faster than ever, they could see flying rafa above them. They don’t usually attack but they watch Hebron all the time.
Ramdam ni Vera ang biglang paglamig ng hangin, this time… kumpol ang mga tumatalon sa himpapawid.
“Rufus!” Sigaw ni Gervis.
Inikot ni Vera ang paningin. Kinilabutan sya sa nakita. Mga markadong rufus ang tila tumatalon-baba sa likuran nila, may mga Dalawang ulo ang mga ito. Sa likod nila ay nakasunod ang Nagmamadaling si Gervis, mas mabigat ang sakay nito kaya ito mabagal.
Nang makitang mahahablot na sila Gervis ng mga tumatalong rufus ay muntik mapasigaw si Vera pero napigilan sya sa nakitang umuulang mga apoy na nagpasabog sa mga rufus.
Muntik nang matanggal ang pagkakakapit ni Vera sa baywang ni Nabeel dahil biglang humalakhak ito nang malakas. Nayugyog ang kamay ni Vera kaya sya nakabitaw.
Mabilis na nahablot ni Nabeel ang kamay ni Vera para hindi ito mahulog at saka muling iniyakap sa baywang nya.
"Hahahaha! Akala nyo ha! Teritoryo namin ito, hindi kayo makalalapit dito!" Mayabang na sigaw ng binata.
As they near the burning light, rufus are nowhere in sight. Napansin naman ni Nabeel na ang dating malaking batong sakop ng liwanag ay hindi na ngayon naiilawan. Nawala ang ngiti nya, totoo nga palang lumiliit ang liwanag na protection nila.
As Vera entered Hebron, her birthmark lit up and burnt, sending discomfort in Vera’s body. She wanted to scream in protest but only for a brief moment. After touching her forehead with her cold hand, she felt fine.
Ang totoo ay tumama ang liwanag ng ba’lat ni Vera sa ilaw na protection ng Hebron. Huminto ang pagliit ng liwanag Sabay ang paglakas ng lagablab ng apoy nito. Sa kalayuan ay sumabog ang Ilang shallit at rufus na pakalat-kalat.
"Hiyaaa!" Sigaw ni Gervis para patigilin ang kasno.
“Salud, hello…calling…calling…are you still there? Ay palakang nahulog sa banga!”
“H..hindi ko na kaya…”. Nasa malayo na si Salud na biglang lumundag pababa ng kasno, ang bilis nitong tumakbo palayo sa Hebron.
“Ate Salud!” Sigaw ni Gabriel.
“Gervis, alagaan mo sya!” Sigaw ni Salud.
“Oo, goodbye frienemy. I hope hindi na tayo magkita ulit! I’ll miss you!” Nag-flying kiss pa si Gervis dito.
Matapos mawala ni Salud sa dilim ay sinalubong naman ng isang markadong galing sa ilalim ng lupa sina Gervis para Kunin si Gabriel. Sa ilalim ng malaking batong hindi pa sakop ng liwanag ay bumaba ang bata papasok ng moog.
“Gabriel, wag ka nang umiyak please… naiiyak na din tuloy ako. Mabait si Ate Shailo, sya ang bahala sa iyo…”
"Nabeel bakit?” tanong ni Vera nang makita ang paghihiwalay ng tatlo mula sa paglingon nya sa likod.
“Mga markado sila, ikamamatay nila ang pumasok sa liwanag. Lalo si Salud, masyado na syang maraming Lason ng bampira. Sa ilalim, may community doon na para sa mga namarkahan ng dilim.”
Napalunok si Vera, nasa loob na sya ng liwanag, paanong...?
"Pero ako ay…"
Biglang mabilis na pinatakbo ni Nabeel ang kasno nang masigurong safe na si Gervis.
“Ano uling sinasabi mo?" tanong ni Nabeel na lumingon pa kay Vera. Muntik mahalikan ng dalaga ang lalaki sa pisngi sa paglingon nito.
"W..wala..." Inayos ni Vera ang sarili at dumistansya sa lalaki.
She’s already inside, what’s the point of telling Nabeel that she’s also a slave. Yet, what if she will die just like Nabeel said? If not now…a little later? Kinabahan si Vera bigla. Sabi ni Gabriel ay isang beses syang kinagat ng bampira. Sya rin naman, pero bakit kahit wala pang masyadong lason si Gabriel ay sa ilalim ng lupa pa rin ito dumaan? Napansin nyang pawis na pawis ang bata habang palapit sila ng Hebron, lalo si Salud na pasong-paso ang itsura.
Nagdalawang isip si Vera kung sasabihin ba nyang markado rin sya kay Nabeel, baka kasi pag Sinabi nya ay palayasin sya nito.
Ayaw nyang tumira sa ilalim, sawa na syang Magtago sa moog. She wants to see the whole of Hebron and all its wonders.
Naisip nya si Salud. Sa Ilang araw nilang pinagsama ay palagi itong nilalabasan ng bukol sa balat sa tuwing lumalapit sa kanya, pero ramdam nya ang self-control nito. Kahit saglit ay naging kaibigan ito kay Vera. Nalungkot pa rin ang dalaga sa pag-alis nito.
Naputol ang pagmumuni-muni ni Vera nang matanaw ang dumaraming taong papasalubong sa kanila. Una ay Nakita nya ang mga Jabezzite warriors na ang suot ay kagaya ng kay Nabeel, ito ang nakabantay sa bukana at bumato ng mga nag-aapoy na liwanag para tulungan sila.
Sumunod ay mga babae, lalaki, matanda, at bata na kakaiba rin ang pananamit. Nailang bigla si Vera sa suot nyang modernong bestida. Napasiksik sya sa likod ni Nabeel para magtago. Bigla syang nahiya sa dami ng mga tao sa paligid.
Ilang saglit lang ay bumaba silang lahat sa Kasno. Mabilis na sinalubong nila Gervis ang mga yumakap at nagpalakpakan, habang si Vera ay naiwang nagtatago sa tabi ng kasno.
Ilang saglit lang ay nilapitan sya ng mga bata at hinawakan ang suot nyang damit. Vera felt guilty for lying about her status. Feeling nya ay nakatayo sya sa mga taong may purong dugo, Samantalang may Lason na ang dugo nya. Dapat ba syang magsisi sa pagbebenta ng sarili sa Kamara?
“Nabeel!”
“Ina!”
Humagulgol ang nanay ni Nabeel nang niyakap sya.
“Nilibing namin ang ama mo na wala ka…”.
“Patawad ina…”
PAK!
Nagulat si Vera nang makitang sinampal si Gervis ng sumalubong dito.
“Hayop kang bakla ka!”
“Aray ko…bebe ha…ma…aray…masakit.”
Pinagbubugbog si Gervis ni Adda. Tawanan naman ang mga tao sa paligid.
“Buti nga sa iyo!” Sabi ni Nabeel.
“Bebe…what happened to your hair?!?” Niyakap na mahigpit ni Gervis ang nagwawala pa ring kasintahan.
“Pinakalbo ko sa galit ko sa iyo. Yan! Ikaw na ang bride sa kasal natin.”
“Bagay naman sa iyo. Kaya nga kita minahal dahil mas lalaki ka pa sa akin. Pogi mo!” Kinurot ni Gervis si Adda sa pisngi.
PAK!
Sinampal na naman ni Adda si Gervis, na tumawa lang Sabay pupog ng halik sa babae.
“B.bitiwan mo ako! Layas!”
“Na miss kita. Yes! Ako na ang magpapahaba ng buhok sa kasal natin…i love it!” Saka hinimas ang ulo ni Adda.
Binugbog na naman ni Adda si Gervis.
Nalilito namang nanonood si Vera habang dumadami ang batang nakapaligid sa kanya.
"Anak, may nailigtas kayo?" Tanong ni Raju nang makita si Vera sa malayo.
"Opo ama. Si Vera at Isang batang markado.” Si Gervis na lalaki kung kausapin ang Tatay ni Adda.
"May dala kaming isang sorpresa para sa iyo Pinunong Raju." Si Nabeel
Biglang tumingin ng seryoso si Raju kay Nabeel, sa tabi nito ay si Cortez na guro nya.
Ay! Oo nga pala! Malaki ang kasalanan nya…biglang Naalala ni Nabeel. Umalis sya ng Walang paalam sa kanyang Bagong pinunong warrior na si Cortez at pangalawang pinuno ng Hebron na si Raju
"Pero hihingi muna ako ng patawad sa inyo, mahal kong guro at pinuno..." Yumukod si Nabeel.
Muling tumingin si Nabeel kina Cortez at Raju, nakiki-usap ang mga mata. Napa-iling na lang si Raju.
Mga bata nga naman! Padalos-dalos, Bumuntong hininga na lang ang pinuno.
“Marami kayong pagsasanay na gagawin.” Mariing sabi ni Cortez
“Opo!” Muling yumukod si Nabeel.
Matapos ang initial na gulatan, iyakan, at bugbugan ay yakapan naman ang Nakita ni Vera. Bigla syang na-touch sa Nakita. Walang ganitong community closeness na naramdaman si Vera sa Agar.
Maya-maya ay nakita ni Vera na isang matandang babae ang papalapit sa kanya habang titig na titig.
"Isang himala!” Sumigaw ito nang malakas. Ngayon ay hindi na lang ang mga bata ang nakatitig sa kanya, pati lahat ng mga taong nakarinig ng Sigaw ng matandang babae.