Donya Nene❗

2345 Words
LV ILANG araw na mula ng dumating ako bayan ng Calaca, pero hindi ko magawa pang maglibot sa malayo. Medyo takot kasi ako sa mga lugar na hindi ako pamilyar kahit pa sinabi naman sa akin ni Dad na safe ang mga taga-rito at walang magkakamaling gumawa ng hindi maganda sa akin ay alangan pa rin ako. Sabi pa nga rin ni Dad hindi daw ako dapat mag alinlangan sa mga taga-rito dahil mabait lahat ang tao dito at halos lahat ay magkakilala rin. Iyon nga daw ang purpose ng pagpapakilala niya sa akin sa mga ito ang maging panatag ako sa kanila pa ara incase na kailanganin ko ng tulong ay mas madali akong makakuha at makahanap noon. Dad also said na hindi ko man hingiin ang tulong ng mga ito basta may makakakita sa akin na taga-rito ay sila na mismo ang mag kukusang mag-abot ng tulong para sa akin. Ganyan ka kumpyansa si Dad sa mga tauhan nila. Kung tutuusin naman sa ilang araw ko na pamamalagi ko dito ay ni minsan hindi ko na puna na tauhan ang turing ng aking ama sa mga tao niya dito. Isang malaking pamilya ang nakikita ko na relasyon nila. Dahil doon ay mas na buo sa loob ko na bigyan ng chance ang aking ama na mas makapasok pa sa aking buhay. Kung kaya niyang maging pamilya sa iba sa akin pa ba na tunay niyang anak. Sa totoo lang naman ay ako hindi ako nababagot sa lugar na ito. Kasi sa ngayon ay parang gusto ko na rin maramdaman ang pagiging bahagi ng lugar na ito. Tama nga siguro na mamasyal at mag-explore ako kaysa naman sa laging nararamdaman ko na parang may lawin na sumisipat sa akin sa hindi kalayuan na any moment ay dadagitin na yata ako. Kahapon lang nakabalik si Donya Nene. Oo, Donya Nene ang tawag ko sa kanya dahil ‘yun ang gusto niya. Napahiya kaya ang ganda ko ng tawagin ko siyang Lola, tapos ang reaksyon niya naman sa akin ay parang diring-diri siya ng sobra sa akin. Yun bang tingin niya sa akin ay parang isa akong unknown creatures na hindi pa nga nadi-diskubre o tipong hinding-hindi madi-diskubre kahit kailan. Madali naman akong kausap na tao kung ayaw sa akin ay hindi ko ipipilit dahil ayaw kong ng nakikiamot at nakikiusap na gustuhin ng mga tao sa paligid ko. Pinalaki ako ng aking Ina, mga Tito, Lolo at Lola na busog sa pagmamahal kaya hindi ko kailangan ng limos na pagmamahal ni Donya Nene. Sa pagkakaalam ko ay wala akong kasalanan sa kanya lalo na't kahapon ang unang araw ng unang pagkikita namin sa tanang buhay ko. Sa mga litrato ko lang sila nakikita noon pa man. Parang pang hiyang hiya ako na silipin ang larawan nila noon kaya hindi ko gaanong tinititigan. Siguro nga kung kasalanan yun sa kanya , ay kasalanan ko nga na gamit ko ang apelyido nila na Rue na kung tutuusin ay hiram lang din naman niya dahil naging asawa lang siya ni Lolo. Mula pa man ng bata pa ako ay wala akong naringgan na balita tungkol kay Lolo. Kahit si Mommy ay hindi na kwento ang tungkol sa Ama ni Dad. Sabagay nga ay noon din pa man kapag-usaping tungkol sa pamilya ng aking ama ay iwas na iwas ako o na layo na ako agad para hindi na ako matanong o makarinig ng usapan tungkol sa kanila l. Isa siguro ito sa dahilan kaya siguro takot ako sa unang paghaharap namin ng aking ama dahil wala akong alam tungkol sa kanya. Sabi naman ng mga Tito ko sa akin recently na, sa bawat achievements o event ng buhay ko malaya akong tinatanawan ni Dad sa malayo. Hindi niya ako malapitan noon dahil sa banta ni Donya Nene, pero ngayon may lakas at pangil na ang ama ko para idepensa ako at ang aking Ina. Nasaksihan ko ‘yun ng aking dalawang mga mata, same day na umuwi si Lola at nag-rant ng sobra tungkol sa existence ko sa mansyon niya. Masakit na masakit sa akin bilang anak na marinig ang tawag ni Donya Nena sa aking Ina na isang babaeng pakawala. Never naging pakawala ang aking Ina, ni minsan wala itong hinayaang makalapit sa kanya na mga lalaki kahit pa maraming gustong lumigaw sa kanya. Ang hirap pala ng dinanas ni Mommy ko noon, ako nga halos pa 2 dyas palang gusto ko ng sumagot pero pinipigilan ko lang dahil Lola ko pa rin siya. Isipin ko palang na malalapastangan ko siya ay nakikita ko na agad ang malungkot na mukha ni Mom at Lola ko sa side niya. Isa pa sigurado din naman ako na idadamay ni Donya Nene sa panlalait sila kapag sumagot ako sa kanya. Kaya ngayon iiwasan ko na lang ang Donya para walang maging problema. Magliliwaliw na lang ako para naman talaga makaiwas sa Lola kong menopause na talaga kaya bitter sa buhay. Pangako hinding-hindi ako magiging Donya Nene. “ Anak, okay ka lang ba? Ayaw mo ba dito?!” Napapihit naman ako bigla sa kanang bahagi ko ng marinig ko boses ng aking ama. Nakabalik na pala siya. Sabi niya kasi kanina sa akin ay kukunin niya sa kwadra ang pinakamabait na kabayo niya na siyang ipapagamit niya sa akin. Hindi daw kasi si Tagay nangangamuhan kaya pihadong safe ito na sakyan ko. Napakamaalaga pala nga ama ko siguro isa ito sa minahal ni Mommy sa kanya, sadyang mailap lang ang tadhana noon para sa kanila. Napatitig naman ako sa nakangiting labi ng aking ama bago umakyat ang tingin ko sa kanyang mga mata. Nakita ko ang sa mga mata niya ang nahahating iba’t ibang mga emosyon kaya naman agad akong ngumiti sa kanya at sumagot para ipabatid sa kanya ang tunay kong saloobin. “ Hindi po ako nababagot dito Dad. It's just like—nasa period of adjustment pa lang po ako. Pero maganda po dito sa inyo at nakaka-relax ng sobra basta iiwasan ko lang si Donya Nene—!” “ Donya Nene?! Why do you call her that? Hindi ka niya kalilala o utusan anak!” Tanong ni Dad sa akin kaya naman napakagat labi ako. Mali pala ang naitawag ko. dapat pala ay Lola ang sinabi ko. Hindi nga pala alam ni Dad ang naging utos o kondisyon ng kanyang Ina sa akin. Hahayaan niya lang ako sa mansyon ng tahimik basta wag ko siyang tatawaging Lola kundi Donya Nene. “ Ahm,,, Dad ano kasi po—!” “ This is too much! I'll talk to her, wala siyang karapatan na ganyanin ang anak ko—!” “ No Dad! Wag po! Hayaan niyo na lang po kami ni Lola. Ang dahilan naman po ng pagpunta ko dito is to know you more and I think tama lang na hayaan na lang si Lola. Maybe in time she will acknowledge me as her only granddaughter, but for now let her be my Donya Nene. Hindi naman po ako nagdaramdam dahil doon Dad. At hindi rin magiging rason ng pag-akis ko dito ang pagtawag sa kanya na Donya Nene. Isa pa Donya naman talaga si Lola. Dad sa totoo lang ay mas pumabor pa nga po sa akin ‘yun kasi walang magiging problema na sa pagitan namin, magiging tahimik ang lahat. So hayaan na lang po natin na ganun. But believe me Dad, sa puso ko alam ko na Lola ko siya and that's matter the most. Right Dad!” Nakita ko sa mukha at kilo ng aking ama ang biglang ragasa ng inis, galit at disappointment kaya naman agad ko na itong pinutol at sinabi ang nasa isip ko at kalahati ng nararamdaman ko. Ayaw kong magdala ng problema sa pagitan nila at beside okay naman ako sa set up na binigay ng maldita kong Lola. Totoo rin na mas pabor sa akin ang gusto niya. Nang masabi ko na ang mga gusto kong sabihin sa aking ama ay bumuntong hininga ito sabay ngiti sa akin, na bahagya lang umabot sa kanyang mga mata. Mas lumapit din ito sa akin kaya naman ako na ang yumakap sa kanya na una. Pakiramdam ko kasi napakaraming yakap ng isang ama ang kulang sa akin kaya naman susulitin ko na ito. Tama si Mommy habang may pagkakataon pa ay sulitin ko na ng walang regrets sa huli. “ Tulad na tulad ka ng iyong Ina, prinsesa ko. Napakamaunawain niyong dalawa, pero anak tapos na ang panahon ng kayo lang lagi ang uunawa. Mahal na mahal ko ang Mommy mo at lalo naman ikaw na bunga ng pagmamahalan namin. Patawad at huli na pero hahabol pa rin ako anak itatama ko ang mga maling ginawa ko noon. Papayag ka ba LV na pakasalan ko na ang Mommy mo?!” Sa bawat salita na binitawan ni Dad parang na kwento niya na rin agad ang nakaraan nilang dalawa ni Mommy. It was not a perfect love story pero mabibigyan ng happy ending sa huli and for me that's the most important thing na dapat isipin kaysa kung ano pa na nagdaan o nakalipas na. Ang maranasan nilang maging masaya ng magkasama ang isa sa pinakamagandang pwedeng mangyari sa buhay nila. Ang makalabas sila ng taas noo na walang iniisip na sasabihin ng iba ay mas ikinasasaya ko. Masaya akong magkakaroon ng sila sa pangalawang pagkakataon. “ Of course Dad! Payag na payag ako basta ako ang bridesmaid. Hindi na kasi ako pwedeng pang flower girl!” Masiglang sagot ko sa aking ama na naging dahilan ng sabay naming pagtawa ng malakas. Unang tawanan namin ni Dad ito kaya sinulit ko ang pagtawa. Nang magbitaw na kami ng yakap at matapos na ang pagtawa naman ay hindi sinasadya na nakita ko sa hindi kalayuan si Donya Nene na nakatanaw sa amin. Nasa may terasa siya ng kanyang silid sa unang palapag kaya nakita ko siya agad. Hindi ko alam kung nakita niya ba ako na nakatingin sa kanya. Pakiwari ko ay parang dinadaya pa yata ako ng paningin ko dahil nakita ko na nagpunas ito ng mga mata niya bago tuluyang tumalikod at pumasok na sa kanyang silid. Umiiyak ba si Lola? Baka naman napuwing lang. Nag-usap pa kami ng sandali ni Dad bago ito na rin ang nagsabing lumakad na ako. “ Mag ingat ka anak! Mag enjoy ka din sa pamamasyal mo ah. Mayayari ako sa Mommy mo at buong angkan niya kapag nagasgasan ka daw! Pero anak ang bawat sakit na mararanasan natin ang matuturo sa atin ng pinakamakabuluhang aral sa buhay!” Iiling iling si Dad ng matapos ang sinasabi kaya natawa ako. Alam ko na totoo ang sinabi ni Dad tungkol kina Mommy, ganyan kasi sila kahit sa mga kaibigan ko noon pa man. Hindi ko na lang pinansin pa ang huling mga salita niya. Alam ko ‘yun pero takot talaga akong masaktan. “ Don't worry Dad, hindi po ako mapapahamak. Salamat Dad!” Marami man akong gustong sabihin sa akin ama pero hindi ko alam kung saan ba ako magsisimula kaya sa laging sa “Salamat Dad” nauuwi ang lahat. Naniniwala naman ako na marami pang panahon for us. Bata pa naman si Dad wala pang 50 lalo naman si Mommy na parang Ate ko lang. “ Mas salamat anak dahil dumating ka. Tagay behave ka lang at alagaan mo ang kaisa-isang anak ko na baka soon future Ate na rin!” Napalaki naman bigla ang mata ko sa sinabi ni Dad kaya naman natawa ito sa akin. “ Oh siya lakad na Ate!” Tatawa tawang sabi pa nito sabay bahagyang tapik sa pwetan ni Tagay kaya naman umabante na ang kabayo. “ Gosh!! Dad… Sige support ko kayo!” Pasigaw na sabi ko sabay tawa na rin. Nang makalayo na ako bigla kong na sabi sa sarili ko na—ngayon lang naging tunay na buo ang saya mo Lv. Masaya naman kami noon ni na Mommy, pero iba yung saya ko ngayon kasi parang puno at walang paglagyan na ito. Siguro dahil nakikita ko na nabubuo na rin ng paunti-unti ang missing piece ng buhay ko. But it doesn't mean na magbabago agad ang paniniwala ko. Siguro daraan pa rin ako sa healing process para mas maunawaan ang tungkol sa pag-ibig pero habang hindi pa ito nangyayari ay hindi ko muna iisipin. Nang mapansin ko na mabagal ang takbo ni Tagay ay hinimas ko ito bago sinabihan. “ Tagay mag enjoy tayo bigyan mo ako ng mabilis pero safe na takbo!” Nang masabi ko ‘yun ay umungol naman ang kabayo tsaka unti-unti tumulin ang takbo. Sa sobrang ganda ng lugar ay nawili ako at napalayo. Hindi naman ako kinakabahan dahil alam ko na makakabalik ako. Sanay ang kabayong si Tagay sa buong bayan ng Calaca. Nagtuloy lang kami ni Tagay hanggang sa may marinig ako ang tila ba nakaka-enganyo na lagaslas ng tubig kaya naman hinanap namin agad iyon ni Tagay. Kailangan ko rin naman na painumin si Tagay dahil malayo na ang naging takbo nito. Ilang minuto lang ay natanaw ko sa bandang baba ang isang ilog. Mabilis akong bumaba sa pagkakasampa sa kabayo bago inakay sa kanyang tali ito. At ng marating naman na namin ang baba ay agad kong pinainom ang kabayo. Ang linis ng tubig at parang ang sarap maligo. Nga lang ay takot ako lalo't hindi ko alam ang lalim, isa pa ay hindi ako gaano marunong lumangoy. Nang matapos ng uminom si Tagay ay tinali ko muna sa isang puno kung saan lilim. Binaybay ko ang gilid ng ilog lalo't patag naman hanggang makarinig ako ng kakaibang ungol na sa una ay parang nakakatakot pero kalaunan ay kakaibang kilabot ang gumapang sa aking buong katawan. “ Ahhh..ahhhh..Sige pa, ganyan lang. Ang sarap!!” Halos mapatda ako sa aking narinig pero hindi ko naman mawari kung bakit parang mas nakadama ako ng curiosity dahil sa aking narinig. The moment na mahimasmasan ako ay doon ko nga nakita ang isang babae at lalaki na nasa gilid ng ilog na may tila milagrong ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD