Larawan ng isang kumpleto at masayang pamilya. Salat sa kayamanan pero nag-uumapaw sa kasiyahan. Ang asawang lalaki ay tila hari na pinagsisilbihan ng asawang babae. Kasalo ng mga ito ang isang batang lalaki, ang nag-iisang anak ng mag-asawa. Simple lang ang pananghaliang pinagsaluhan, nasisigurado niya. Kasing simple at payak ng tahanang tinitirhan ng mga ito.
He shouldn't be here.
He shouldn't be spying on them.
Pero ang suwail niyang sarili, lihim siyang nagmanman sa bawat kilos ng mga ito, partikular ng ilaw ng tahanan na ang bawat paggalaw ay tila malamyos na musikang sumasabay sa ihip ng hangin at paghanpas ng mga dahon ng punong kinasisilungan. Ang hanging umiihip ay tila dinadala sa kanyang direksyon ang kaaya-ayang bango ng babae.
Napapikit siya at ninamnam iyon. Sa kanyang muling pagdilat ay sumalubong sa kanya ang matamis na ngiti nito. His heart almost melted upon the sight of that lovely smile. But she was smiling not to him, but to that man, her husband. Bumangon ang galit sa puso niya.
"Akin dapat ang ngiting iyan."
Her smile can enamor any man. Mas nagpapatingkad sa kagandahang meron ito. Naging mas kaakit-akit ito sa paningin.
Namaybay ang mga mata niya sa buong mukha nito, pababa sa mapupulang nga labi na nangangako ng kakaibang luwalhati oras na madampian.
"You should stop it, you, fool!"
Ngunit bumaba pa ang mga mata niya sa makikinis na mga balikat, sa mapipintog na nga dibdib, sa makitid nitong beywang, at sa bilugabng mga balakang.
Sino ba ang hindi mababaliw sa babaeng ito? Ang babaeng mas pinili ang kahirapan kung maaari niya namang ibigay rito ang buong mundo at lahat ng hilingin nito.
She is such a goddess.
Napadako ang kanang kamay niya sa dibdib. Naninikip iyon. Alam niya ang dahilan. He was jealous as hell. Naiinggit siya sa kaligayahang kayang madama ng babae sa piling ng isang hamak na tauhan lang ng hacienda.
Nang sa pakiwari ay hindi na makayanan ang bigat sa dibdib, umalis siya sa pinagkukublihan. Mabiibilis ang mga hakbang na tinungo ang nakataling kabayo ilang metro mula sa kinaroroonan. Lumulan siya sa kabayo at mabilis iyong pinasibad.
"Hiya!"
Matulin na ang takbo niya ngunit mas gusto pa niyang bilisan. Kung maaari lang na mawala siya sa lupang kinapapatungan. This pain inside his chest is unbearable.
"You should have been with me, Adora. akin ka lang dapat. Akin lang."
Bumitaw siya ng pangako sa sarili- aagawin niya ito mula sa lalaking iyon. Wala siyang hindi magagawa. He is rich and powerful. Isang pitik lang ng mga daliri at kaya niyang paikutin ang mundo.
Kaya ng isang Deogracias Samonte.