Chapter 1: Together
REEVE LUCAS' P.O.V
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Mom and Dad. Hindi pa naman ganun katagal simula ng mamatay si Kara pero gusto na agad nilang palitan ko ang asawa ko!
Bukod pa dun, kahit na kamukhang-kamukha ni Kara ang babaeng iyon kanina ay magkaibang-magkaiba naman sila ng ugali!
That girl is really getting into my nerves. Hindi ko alam kung nang-iinis ba siya o sinusubukan niya lang ang pasensiya ko! At alam ko na kapag nagsama kami ng babaeng iyon ay masisira lang palagi ang araw ko!
Kaya kahit na pumayag ako sa kasunduan nila ng parents ko ay ipapakita at papatunayan ko sa babaeng iyon na hindi siya deserving na maging asawa ko. Kahit na fake marriage pa iyon or so whatever.
"Sir, ayos lang po ba kayo? Nandiyan na po ang mga clients sa Casino na gusto n'yong makausap," sabi naman ng sekretarya ko na si Adelle.
"Sige papasukin mo na sila," maiksing sabi ko na lang kay Adelle at tumango naman siya bago pinatuloy ang mga clients.
Tumaas naman ang kilay ko ng makita ko ang mga client sa casino ko na may malaking utang. Sila lang naman ang mahilig magsugal at nagagawang humiram ng pera sa casino ko pero hindi nila magawang ibalik ang perang hiniram nila.
"Mr. Morales and Mr. Ferdinand, alam n'yo ba ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag sa office ko?" seryosong tanong ko sa kanila at nagkatinginan lang naman silang dalawa.
Kaya naman huminga ako nang malalim saka ako napatayo sa swivel chair ko. Tinanguan ko lang si Adelle para dalhin sa akin ang listahan ng utang ng dalawang lalaking kaharap ko.
"Adelle, can you take the paper inside that envelope," I command my secretary.
Agad namang sinunod ni Adelle ang inutos ko at pagkatapos nun ay agad niyang nilapag sa mesa ang mga papeles.
"Do you see that, Mr. Morales and Mr. Ferdinand? That's the list of all the money you owe me," I said with gritted teeth.
Magsimula naman silang mapaiwas ng tingin sa akin dahil halata ang pagka-guilty nila. At alam ko rin na alam nila ang tinutukoy ko.
Kaya maman agad kong nagkumuha ng isang pirasong sigarilyo sa may kaha ng sigarilyo sa tabi ng table ko. Pagkatapos nun ay agad kong sinubo sa bibig ko ang sigarilyo at saka iyon sinindihan.
Humithit lang ako at pagkatapos nun ay binuga ko ang usok ng sigarilyo ko sa kanila. Napaubo pa sila kaya naman huminga pa ako ulit nang malalim saka ko tinaktak sa ashtray ang upos ng sigarilyo ko.
Pagkatapos nun ay malakas kong hinampas ang table ko saka ko muling naupo sa swivel chair ko. Pinagmasdan ko pa silang pareho pero wala ni-isa sa kanila ang makatingin ng diretso sa mga mata ko.
"I'll give you a month to pay back all your debts in my casino. If you don't give back the money you owe me within a month that I gave you, you will meet Satan in hell early. Do you understand what I mean?" I said in a cold voice.
"Y-yes, Mr. Sullivan. We will make sure to pay you back s-so p-please spare our lives!" Mr. Ferdinand, while his voice was trembling when he said that.
"Then get out of this f*cking room! I don't want to see your faces! Both of you get out!" I yelled, and after that, they immediately
left my office.
Nakita ko namang napabaling pa sa akin si Adelle pero 'di niya na ako sinubukang kausapin. Inubos ko lang ang sigarilyong hawak ko saka ako tumayo ulit sa swivel chair ko.
"Adelle, what time is it now?" I asked my secretary.
"It's 6 pm, Sir," Adelle answered immediately.
"Great. I'm going home now. Would you please handle some of my work, Adelle? Also, don't forget to visit and look for our customers and clients in the hotel and casino," I gave her instructions.
"But Sir—" I cut her speech.
"Please don't say any word. This is urgent, okay? I need to go home because there's some wench who will arrive at my house," I told Adelle in my annoyance.
Naiisip ko pa lang na makikita ko na naman ang babaeng iyon ay parang kumukulo na ang dugo ko!
Bakit kailangan ko pa kasing pagtiyagaan ang isang linggo na makasama ang babaeng iyon?
"Is that your wife, Sir?" Adelle said with a smile.
"F*ck! Please don't piss me off, Adelle, okay? She's not my freaking wife! Kara is dead so stop saying that woman is my wife because she's not! Stop with that nonsense!" I couldn't help but yell.
Adelle bows her head and keeps her mouth shut for a second. "O-okay, Sir... Please take care on your way back home,"
After she said that, she immediately left my office. I just took a heavy deep breath before leaving my office.
Agad akong dumiretso sa parking lot para makasakay sa Lamborghini ko. Pagkatapos kong makasakay sa kotse ko ay agad naman akong nagmaneho pauwi sa bahay ko.
Nang makarating ako sa harap ng bahay ko ay agad namang binuksan ng dalawang lalaking tauhan ko ang gate saka ako pumarada sa garahe ko.
Matapos nun ay nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay at agad namang kumunot ang noo ko at tumaas din ang kilay ko. Nakita ko kasi ang babaeng kinasusuklaman ko na nasa loob na ng bahay ko.
"Who told you to enter inside my house?" I tried to ask her.
Nakita ko namang ngumisi siya kaya naman nagsimula na naman akong mainis. Wala akong ibang masabi! Hindi ko talaga maintindihan kung tinatarantado ba talaga ako ng babaeng 'to eh!
"Your parents gave me a spare key to your house. Plus, they told me that I could use their name so the maid would do everything I asked," and she gave me a smirk.
I laughed in disbelief. I can tell that she's an expert at getting on my nerves. I hate this witch! I can see now that I can't handle her presence!
"Wow, the audacity! Who do you think is the owner of this house?! Can't you wait for me before you enter?!" I asked her in annoyance.
"Wait for you? Paano kung bukas ka pa pala bumalik? Anong gusto mo mangisay ako sa labas sa sobrang lamig?! Hindi mo na nga ako pinapakisamahan ng maayos gusto mo pang pabayaan ko kalusugan ko para lang sa'yo? Huh! Ano ka sinuswerte?" sarkasmong sagot niya sa akin.
Agad namang nanlaki ang mga mata ko at saka nag-igting ang panga ko! Tama nga ako! Sobrang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito!
Hindi man lang yata siya nakakaramdam ng hiya kahit kausap niya ako na mismong may ari ng bahay na tinatapakan niya ngayon!
"You have the guts to talk back to me with a tone like that, huh?!" I said with my annoyance.
"What? Do you think I'm scared of you? You're right! You owned this place, but you can't tell me what I have to do. I am your contract wife, and as I work for you as your wife, I can have the rights too! Don't you know that? I bet you didn't read the contract that the WIFE CORP. gave you," she said with a poker face.
Naiikot ko na lang ang mga mata ko dahil sa inis. Alam ko na hindi rin magpapatalo ang babaeng 'to pag dating sa
pakikipagdibate!
"Whatever! Manang Eli, send her to the guest room. Also, I want her room to be far away from my room. So if possible, take her to the guest room on the first floor so our rooms won't be closed to each other," I commanded to my head maid.
"Ma'am this way po," magalang na sabi naman ni Manang Eli bago kinuha ang ibang gamit ni Carina.
Yes, I know her name because my parents told me earlier. Pero hangga't maaari ay ayoko siyang tawagin sa pangalan niya dahil baka isipin niya pa na tinatanggap ko na maging asawa ko siya.
I'll just need to be patient in a week. After that I will go back to my peaceful life. Hinihiling ko lang din talaga na sana ay hindi ko rin pagsisihan ang pagpayag sa gusto ng parents ko.
Hindi ko lang kasi makaya na sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ng babaeng iyon ay nakikita ko si Kara. Nakikita ko ang maamong mukha niya na sumasalubong sa akin sa tuwing uuwi ako rito sa bahay.
And yes this is our wedding house. Ayoko man alalahanin pero namatay si Kara dahil sa Lung Cancer. At isa sa mga pinagsisisihan ko ay ang hindi ko mailigtas ang babaeng mahal ko.
It still f*cking hurts! I still can't accept the fact that she's gone now. At ang pinaka ayoko sa lahat ay sa tuwing tumitingin ako sa bawat sulok ng bahay na 'to ay ang ala-ala niya ang nakikita ko.
I still can't move on. Malaki ang naging impact sa akin ng pagkawala ni Kara. Bukod pa dun ay hindi ko pa rin kayang tumingin sa ibang babae dahil siya pa rin.
At dahil pagod ako sa trabaho ay nagpasiya akong umakyat na lang sa kwarto ko at saka nagpahinga. Bukas ng maaga ay maaga na lang akong aalis sa mansyon para hindi ko makita ang Carina na iyon.
Ayokong masira ang araw ko dahil sa babaeng iyon. Mas maiging iwasan ko na lang na makasama siya sa iisang lugar sa loob ng isang linggo para mas madali ko siyang mapapasuko sa pagpupumilit niya na maging asawa ko.
Kinabukasan ng magising ako ng alasais ng umaga ay agad akong naligo at saka nagbihis ng office attire ko. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay agad akong umalis sa kwarto ko para pumunta sa dining area at kumain muna bago umalis.
Hindi pa man ako nakakapasok ng dining area ay may naaamoy na kaagad akong pamilyar na amoy. Naaamoy ko ang kare-kare na isa sa paborito kong ulam. Napangiti ako dahil alam ko naman na si Manang Eli ang nagluluto sa kusina.
I cough before speaking. "Manang Eli, alam na alam mo talaga ang paborito ko ah."
Sabi ko lang saka ako naupo sa dining area. Hindi ko naman sinilip sa kusina si Manang Eli dahil sure ako na narinig naman niya ang sinabi ko. Hihintayin ko na lang na ihain niya ang pagkain.
Tiningnan ko muna sa phone ko ang mga messages na na-received ko kagabi nung nakatulog na ako. Puro messages naman nila Gideon at Harvey ang natanggap ko.
Nag-aaya kasi ulit sila na magkita-kita kami sa Bar ni Gideon mamayang gabi. Sinabi ko naman sa kanila na busy ako kaya hindi ako makakapunta.
Kapag hindi naman ako nakakapunta sa bar ay sila naman ang kusang bumibisita sa company ko kaya ayos lang din kahit hindi na ako pumunta sa Bar ni Gideon.
"Hindi mo naman sinabi kaagad sa akin na paboritong ulam mo pala 'tong kare-kare, honey." agad akong napatingala ng makita ko si Carina.
Nakasuot ito ng apron at hawak-hawak nito ang malaking bowl na may lamang mainit na kare-kare. Kumunot agad ang noo ko dahil nawala ako sa mood ng makita ko siya.
"What the hell are you doing in my kitchen? Who permitted you to cook for me?" I seriously asked her, then arched my eyebrows.
Nakita ko naman siyang napangisi. "Manang Eli gave me permission to cook in your kitchen, sir. And correction, I didn't cook this food just for you! I cook this food for myself. Kaso dahil narinig ko na paborito mo ang ulam na 'to bibigyan na lang kita,"
Dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong nakaramdam ng inis. Naramdaman ko kasi ang pagkahiya sa sagot niya kaya tumikhim ako saka nag-iwas ng tingin sa kanya.
"No need, I'll just eat in my company," I said, then stood up, but before I walked out, she laughed sarcastically.
"Why are you leaving? Don't you want to taste the food I cook? Why are you scared that you will compliment me because of my cooking skills?" she teased me.
I clenched my fists and gritted my teeth. Hah! Sino ba siya sa tingin niya? Masyadong mataas ang tingin ng babaeng 'to sa sarili niya masyado. Nakakainis sa totoo lang. Kababaeng tao pero may pagkahambog ang ugali, tsk.
I raised my chin and then stared at her thoughtfully. "Fine! Let me taste your garbage food. I'm sure that it tastes sucks!" I challenge her.
Pagkatapos nun ay umupo na ulit ako sa upuan ko saka ko kinuha ang plato sa plato ko at nagsandok ng kaunting kanin at saka ng ulam na niluto niya.
Napalunok pa ako ng dalawang beses bago nagpasiyang isubo sa bibig ko ang pagkain na sinandok ko sa kutsara. Marahan kong nilasahan at nginuya ang pagkaing sinubo ko at hindi agad ako nakapagsalita.
Totoo ngang masarap ang luto ni Carina. At dahil dun ay na-realize ko na kahit si Kara ay hindi ako kayang ipagluto ng paborito kong mga pagkain dahil hindi siya marunong magluto.
Because I always cook for her when she was alive. At ngayon na na-imagine kong may ibang taong ipagluluto ako ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kaunting saya.
I cough to get her attention. I didn't look at her because I was still looking at my plate. "My bad, I thought it would taste like garbage, but you're good at cooking."
"Wow, it feels like music to my ears, honey. I didn't expect you to compliment me like that." she grinned.
I clicked my tongue and stared at her. "You can cook in my kitchen wherever you want. But promise me that you will also cook for me. Also, stop calling me honey. Hindi porke pumayag ako na magluto ka sa kusina ko ay magpipiling kang mag-asawa talaga tayo." I told her.
"Well whatever. I'm sure that someday, ikaw pa mismo ang magmamakaawa sa akin na tawagin kitang honey. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko susukuan ang role ng pagiging asawa mo dahil iyon naman talaga ang trabaho ko," muli ay nginisihan niya ako.
Mabilis ko na lang na tinapos ang pagkain ko saka ako tumayo. Maglalakad na sana ako paaalis pero narinig ko siyang tinawag ako. "Honey, wait!"
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "What?"
Mabilis lang siyang lumapit sa akin saka huminto sa harapan ko. Pagkatapos ay nakita ko siyang inabot ang necktie ko at inayos ulit ang pagkakabuhol nun.
She sighed before speaking. "Mahirap talaga kapag walang asawa noh? Maski necktie mo hindi mo maitali ng maayos. Don't worry, honey because from now on I decided that I'm going to do your necktie before you go to work," then she smiled.
Agad naman akong natigilan at hindi naiwasang mapatulala ng makita ko ang mga ngiti niya. Napalunok rin ako nang malalim at hindi ko naiwasang makaramdam ng lungkot dahil naalala kong ganung-ganun ang ngiti ni Kara.
Tumikhim lang ako saka marahang lumayo kay Carina. "If you don't have anything to say to me I'm going to leave now. I'll be late for my meeting so..." sambit ko naman.
"Yeah, sure! Take care of yourself, honey," she said, and I didn't expect her to give me a peck on my cheeks. Then after that, she waved at me, saying goodbye.
Mabilis ko naman siyang tinalikuran saka ako nagmamadaling napasakay sa kotse ko. Wala naman sa sariling napahawak ako sa pisngi ko at napalunok ng ilang ulit dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang malambot niyang labi.
"F*ck! Are you insane, Lucas?! She's just seducing you! Huwag na huwag kang magpapauto sa babaeng iyon dahil gusto niya lang na pumayag kang maging asawa siya!" mariing sabi ko sa sarili ko saka ko marahang inuntog ang ulo ko sa manibela.
Huminga lang ako nang malalim saka nagpasiyang magmaneho na lang papunta sa company ko. Sa ngayon ay magpo-focus na lang muna ako sa trabaho. Sigurado akong makakalimutan ko rin ang pinaggagawa ng babaeng iyon.
---