Pagkaalis ko sa kuwarto ay dumeretso na ako agad sa mini bar. Nagsalin ako ng alak sa baso para kahit papaano ay mahimasmasan ako. Pagkatapos ay pabalik-balik akong naglakad sa sala na animo'y nag-iisip kong ano ang dapat gawin. Ilang oras na rin akong paikot-ikot sa living room. Sa totoo lang sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung paano nangyari na naging tao ang pusang iyon. Muli akong napabuntong-hininga, hindi alam kung ano ang magandang gawin. Feeling ko ang bobo ko, ang useless ko sa time na ito. Ang dami kong tanong, paano nangyari iyon? Isang pusa na naging tao? At hindi lang simpleng tao, isang Diyosang nakahubad sa harapan ko. Damn it! Simula sa mapupungay nitong mga mata, sa matangos na ilong, sa malantik na mga pilik mata at sa kissable lips nito na para bang nagsasa