Chapter 4

1465 Words
Today is Maria's flight at doon na sa Amerika ipagpapatuloy ni Maria ang pag-aaral, doon niya na rin tatapusin ang ilang semester na natitira niya. Umiiyak itong lumapit sa akin habang hawak-hawak ang alagang pusa. What the hell?! Lihim kong palatak sa sarili. "Kuya, please take care of her." Umiingos nitong turan, tila ba na heartbroken ito ng paulit-ulit. "Come on Maria! I can't take care of her! Maybe you can give her to ate Genesis." Reklamo ko rito. "No! Ate Genesis is 2 weeks pregnant.Bawal sa kanya ang pusa." Rason nito sa akin saka sumimangot pa. "Can you please stop crying, you look miserable." Mas lalo itong umiyak. Hindi niya alam kung dahil ba sa sinabihan ko itong miserable o dahil sa pusa nitong maiiwan. "I can't kuya, i will miss her,she's like my sister." Napahagulhol ito ng iyak. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin kong pang-aalo rito. "She's just a cat Maria.Why are you acting like she's your lifeline? " Inis kong saad dito. "She's not an ordinary cat, when i talk to her she listened to me.When i am sad or stress i just cuddled her and she understand." Pangangatwiran nito sa akin. How pathetic! Asik ko sa isipan. Siguro nasasabi ko iyon dahil hindi ako animal lover. "Meow..." Narinig ko ang malungkot na boses ng pusa ni Maria. Mas lalo namang napaiyak ang kapatid ko. Tch! masyadong naging attached ang kapatid ko rito. "Okay, i will take care of her for you. You can put her there." Buntong hininga kong sabi sabay turo sa couch. I sighed frustratedly. "Oh my! Thank you kuya! " she said happily and then she put her pet in the couch. She's not crying anymore. Naisip ko tuloy na nagda-drama lang ito para iwan ang alaga nito sa akin. "I know you will take care of her. By the way iyong food niya kuya–" Hindi ko na ito pinatapos pa. "Yeah, i know. Pet food right? " I rolled my eyes at her. Daming habilin sa isang pusa lamang. Napabusangot ako. "Of course not! " Agad na bulalas nito sa akin na tila ito pa ang galit. "What? " Kunot-noo kong tanong dito. "Pag-breakfast, she likes waffles and pancakes, pag-lunch and dinner gusto niya pork chop or steak." Masayang saad ni Maria sa akin. Parang bumagsak ang panga ko sa narinig, is she f*****g kidding me? ! I am speechless. What kind of pet is that? ! Palatak ko sa sarili. Gusto kong matawa sa pinagsasabi nito. "So ano 'to? Mag aalaga ako nang bata?!" Inis kong turan dito. Dinaig ko pa ang baby sitter nito. At anong klaseng pusa ang alaga niya?! Damn it! "Stop whining kuya! Just do what i said!" Pagmamaktol ni Maria sa kanya. "Basta alagaan mo siya ng mabuti, pakainin mo sa tamang oras." Dagdag pa nito. Napapailing nalang ako kaya siguro ganoon ito kataba at kalaki dahil pagkaing tao ang kinakain nito. "What the f**k Maria?! Pusa ba talaga ang inaalagaan mo o tao? I can"t believe it." Naihilamos ko ang palad sa mukha saka namaywang. "She's like a human being kuya, she's not just a cat. I told you she understand, she's smart." Paliwanag nito sa akin. "Wow!" Tanging naiusal ko sa sinabi nito. "You promised to take care of her." Paninigurado ni Maria sa akin. "I don't promise Maria, i just told you that i will be the one to take care of her–" "Ganoon pa rin iyon kuya! Nag-promise ka na aalagaan mo siya ng mabuti. Huwag mong hayaan na magkasakit siya at huwag mong pakainin ng chocolates. Bawal sa kanya iyon." Naka-labi nitong sabi sa akin na para bang naglilitanya. I exhaled and inhaled to calm myself. Gusto ko ng bawiin ang sinabi ko rito na ako na ang mag-aalaga. I bring the cat to my Penthouse when i started my job as the temporarily CEO of the Villaverde Industries. Mas malapit ang Penthouse ko sa company kaya naisipan kong doon na mamalagi kaysa bahay. Gusto ko nga sanang iwan ang pusa kina mommy at daddy pero nangako ako kay Maria na ako ang mag-aalaga nito. Kailangan alagaan ko raw ng mabuti dahil babalikan niya raw ito. Today is Sunday, walang pasok ang company namin kaya nasa Penthouse lang ako, i'm planning to call Scarlet. Naisip ko lang ito ng makita ko ang calling card nito na nakatabi pa pala sa drawer ng room ko. Nagtungo ako sa living room bitbit ang calling card, nakalapag sa center table ang phone ko. I'm about to call her when the doorbell rang. Muli kong inilapag ang cellphone kasama ang calling card sa table, pagkatapos ay lumapit ako sa may pintuan at binuksan ito. "Miss me?" Nakangising bungad sa akin ni Gabriel, ang bestfriend ko. "Nope." Tipid kong sagot dito. "Ouch,you hurt my feelings dude." Sabi nito,nag-kunwari pa itong nasasaktan dahil nakahawak ang isang kamay sa dibdib. Nauna na akong nagtungo sa mini bar na katapat ng living area,kasunod ko naman ito, kauuwi lang nito galing Italy at ngayon pa lang nakadalawa. Isa rin si Gabriel sa investors ng kompanya namin. "So, hindi ka na babalik sa America? " Tanong agad nito sa akin ng makaupo sa bar stool. Sinalinan ko muna ito ng bourbon sa baso bago sinagot ang tanong. "I don't think so Gab.Mas kailangan yata ako dito saka si Maria na ang mamamahala sa Clothing Line business namin sa States,nandoon naman si Uncle Seb kaya matutulungan siya nitong pamahalaan ang business. "Buti naman para matuto na ang kapatid mong iyon, masyadong party-goer." Sabi pa ni Gabriel. Napatango senyales na agree ako sa sinasabi nito. "How's Italy?" Pangungumusta ko sa bakasyon niya. Nag-kibit balikat lamang ito. "Okay lang." Tipid nitong sagot sa akin para bang hindi ito interesado sa tanong ko. Muli itong nagsalita ng mapansin ang malaking pusa na nakapatong sa sofa. "Nice pet. Kailan ka pa nahilig sa pusa? " sabi nito na may bahid pang-aasar ang tono ng pananalita, bahagya pa itong tumawa. "Tch! Kay Maria iyan, pinaalagaan lang sa akin." Walang emosyong sagot ko rito. It's been a month na kasama ko ang pusa at naiinis pa rin ako rito lalo na kapag iniaakyat ko ito sa taas papunta sa room ko. Ngaliligalig kasi ito kapag iniwan ko rito sa sala na mag-isa. And i was so amazed how smart she is, Maria was right–nakakaintindi nga ang pusa niya! Nagigising nalang ako na katabi itong matulog kaya minsan naiinis ako. Ni hindi ko nga lubos maisip kung paano ito nakakaakyat sa kama kapag tulog na ako. "Hey, hindi na maipinta iyang mukha mo, " untag ni Gabriel sa akin kaya nabaling ang atensyon ko rito. "Nothing." Tipid kong sagot dito sabay lagok ng isang basong alak na nakapatong sa counter top ng mini bar. "Oh really? You look miserable." Natatawang komento nito sa akin. Tinapunan ko lang ito ng masamang tingin. "I hate that cat,she's scary." sabi ko rito, itinuro ko pa ang pusa rito kaya muling napatingin si Gabriel sa pusa. "Why,she's a beauty." Papuri nito sa pusa, tumayo pa ito saka nilapitan ang pusa, tinabihan niya ito sa upuan at masuyong hinaplos ang malago at malambot nitong balahibo. Dumilat ito at tumingin kay Gabriel. "Wow!" Palatak ni Gabriel ng masilayan nito ang malalaki at kulay asul nitong mga mata. "I told you she is scary," sabi ko rito pero tinawanan lang ako. "She's beautiful Seth, can i have her? Ako nalang mag-alaga." Natutuwang sabi nito sa akin. "Maria will kill me if she knows i dump her pet." I said flatly. "If you change your mind call me, i was enchanted by her beauty Seth. Saan ba ito nabili ni Maria?" Kinakausap ako ni Gabriel pero ang mga mata nito ay nakatuon sa pusa. I frowned because i don't find her attractive or beautiful instead she scared the hell out of me. "Well,you can be her babysitter Gab much better–kung sisimulan muna ngayon. Tamang-tama may lakad ako." Nakangis na ako tila ba bumalik na ang mood ko. "Alam ko na kung saan ang lakad mo, tsk! what a certified womanizer." Nang-uuyam na sabi nito sa akin. Kibit-balikat lang ako saka kinuha ang nakalapag na cellphone at calling card sa center table. "Take care of her while i'm out bestfriend,thanks!" Masaya kong sabi rito saka lumabas na ng Penthouse, hindi ko na hinintay na magsalita pa si Gabriel. Nasa sasakyan na ako ng tawagan ko si Scarlet, naka-isang ring lang ako at sinagot na nito. Her voice is so husky when she answered the phone. I smiled mischievously when she told me her apartment's address.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD