10 years later✓
Seth POV
It's been Ten years at ngayon lang ako muling makakaapak sa Pilipinas. I don't usually visit in the Philippines even if there's a family gatherings. But they usually visit me in the States. Masyado akong naging busy para palaguin ang Clothing lines business namin.
Kung hindi lang ikakasal si ate Genesis ay hindi ako uuwi saka may aasikasuhin din ako kaya sakto rin ang pag-uwi ko. Nakiusap si daddy sa akin na ako muna ang humalili pansamantala sa iba niyang business dito sa Pinas.
May inihandang welcome party si daddy para sa akin,mostly relatives namin at ka business partners ni daddy ang mga invited sa party. Kilala na rin ako sa larangan ng business. They know me as a cold and ruthless billionaire, i built my own name sa sarili kong pagsisikap. Madami na rin akong napatunayan kaya proud ang parents ko sa akin.
"Welcome home son!" Masayang bungad sa akin ni daddy. Nakangiti naman si mommy sa akin at niyakap na rin ako.
"I miss you." Naiiyak na usal ni mommy sa akin.
"I miss you too mom. " I saif and kissed her on the forehead.
"Come here son, madaming gustong makipag meet sayo," hinila na ako agad ni dad papunta sa mga ka- business associates niya.
After ilang oras na pakikipag usap sa mga bisita, i excused myself i felt exhausted. Isa sa mga Hotels namin ginanap ang party, nagtungo ako sa bar at nag-order ng whiskey.
"Look who's here." Napalingon ako at nakita ang ate kong nakangiti. Napangiti na rin ako.
"Ate,i miss you," agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Me too little brother. Tsk! I thought you're handsome, " she's teasing me. I just smiled at her.
"Where's Maria? " Tanong ko sa kanya ng mapansin kong wala si Maria, ang bunsong kapatid namin.
"Oh... " Tanging naiusal ni ate Genesis sabay iling.
Napakunot ang noo ko. Madami akong nababalitaan sa youngest sister namin na sakit sa ulo at sobrang pasaway. Napapailing nalang ako ng maalala ito noong bata pa, nasaan na ang iyakin? The innocent and very sweet Maria.
"Nag-attend ng birthday party sa friends niya pero hahabol daw siya. " sabi ni ate Genesis saka nagkibit-balikat lang.
Maya-maya nagtinginan ang lahat ng may dumating na isang blonde hair na babae, she looks so sexy with her very tight red dress, above the knee na sadyang binabalandra ang mahahaba at magagandang binti nito. Wala itong pakialam na naglakad sa gitna, hindi pinapansin ang mga taong nakatingin sa kanya at mga matang nagnanasa. Napatiim bagang ako. She waves at me habang papalapit.
"Hi kuya! " She smile seductively. Siguro kung ibang babae ito pinatulan ko na ito pero hindi eh! s**t! Ito na ba ang younger sister ko? Palatak ko sa sarili.
"What the hell Maria?!" Bulyaw ko sa kanya. "Anong suot iyan? saka ang lipstick mo pulang-pula! Lookat your dress!"
"Can you please stop yelling kuya,it's embarassing. Millenials na ngayon kuya, wala ng conservatives saka as if naman ang mga dini-date mo nga na mga babae hindi ba kagaya ng mga suot ko? Mas malala pa nga eh ." Pagtataray nito sa akin. Gusto ko na itong kaladkarin pauwi ng bahay.
Amoy alak pa ito kaya mas lalo akong nainis.
"Let's go home. " Hinila ko na ito palabas ng Hotel.
"What the heck–Kuya wait... " Reklamo nito sa akin.
"Maria! Don't try me! " Asik ko sa kanya. Nagpipigil ako ng galit. Ayaw kong mapahiya ito mismo sa harap ng lahat.
"Ate..." Tawag nito kay Genesis, na para bang nanghihingi ng tulong.Nagkibit balikat lang si Ate.
"Kaya na i-spoiled eh! " Galit kong turan. Derederetso kami sa parking lot ng makalabas sa Hotel. Padabog itong sumakay sa kotse.
"Sa bahay." Utos ko sa driver ng makasakay na rin ako sa kotse. Nakasimangot si Maria hanggang sa makarating kami.
"Jez! Si kuya naman eh! " Palatak nito sa akin, inis na inis itong napaupo sa sofa.
"Tigil-tigilan mo ako Maria!" Galit ang tono ng boses ko, nakapamaywang pa akong hinarap ito. She pouted her lips and crossed her arms in front of her chest.
"It's Ria kuya... " Reklamo pa nito sa pangalang itinawag ko sa kanya. Gusto kong matawa pero nanatili akong poker face.
"Whatever Maria!" Napataas ang isa kong kilay rito. Maya-maya ay tumayo ito, lumapit sa akin at niyakap ako na parang bata..
"I miss you kuya." Malungkot ang boses nito. Hinaplos ko ang buhok nito.
"I miss you too." Lumambot ang puso ko ng yakapin niya ako. I didn't realized until now that i really miss my family.
"Where's my present? " Biglang nagbago ang mood nito ng maalala ang pasalubong ko sa kanya.
"In my room, ibibigay ko sayo mamaya. Right now, i need to rest." I said while smiling.
Kinagabihan kumatok ako sa kwarto ni Maria, walang sumasagot kaya naisipan kong pumasok nalang total bukas naman ang pinto.
"Maria? " Mahinang tawag ko sa kanya. Napabuntong hininga ako ng makita itong sumasayaw, kaya pala di ako naririnig naka headset pala habang sumasayaw. Napahinto ito ng makita ako.
"Kuya..." Ang lapad ng pagkakangiti nito sa akin.
"Your room is a mess Maria." Kunot-noo kong sabi ng makita kong nagkalat ang mga damit nito na hindi mo malaman kong madumi ba o hindi.
"Don't call me Maria," nakasimangot niyang sita sa akin.
"But your name is Maria Freda." Sagot ko habang pinipigilan ang tawa. Nakikita ko na inis na inis na ito.
"What are you doing here? " Umirap ito sa akin.
"Here's your pasalubong." Sabay abot ko ng paper bag sa kanya. Masaya niya itong tinanggap at inilagay muna sa side table niya.
Napaigtad ako ng may mapansin akong isang malaking hayop na nakapulupot sa ibaba ng side table niya. Itim na itim ito. Nagtayuan ang mga balahibo ko, paano ba namang hindi eh ang itim-itim nito.
"What's that creep? !" Asik ko na tila diring diri.
"OH! " Umaliwalas ang mukha ng kapatid ko.
"She's Freda kuya,do you remember her? " Sabay kuha sa malaking hayop, doon ko napagtanto, isa itong malaki at matabang pusa.Napaka silky ng balahibo nito.
At ng matitigan ko ang mga malalaking mata nito na kulay blue, nakaka- mesmerized ang mga mata nito. She's beautiful yet so scary and mysterious.
Tila nakaramdam ako ng kilabot sa buong katawan ko. Hindi ko alam kong anong klaseng kilabot ba ito. Napalunok ako para kasing nangungusap ang mga mata nito.