Seth POV Kanina pa ako pa lakad-lakad dito sa loob ng kuwarto ko, hindi ako mapakali dahil kanina pa itong hindi lumalabas sa kuwarto nito. It's already eight in the evening. Hindi kaya natakot ito sa akin kanina because i kissed her–at muntikan pang may mangyari sa aming dalawa. Shit! Dapat kasi nagkontrol ako sa nararamdaman ko. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito pero parang nababaliw na ako sa kanya. Hindi na ako nakatiis pa at pinuntahan ko na ito sa kuwarto. Magkatapat lang kami ng room kaya madali lang para sa akin na agad itong puntahan. Kanina pa ako Kumakatok l pero walang sumasagot. Umahon ang kaba ko sa dibdib, paano kung naging pusa na ito ulit?Damn! Marahan kong pinihit ang doorknob. Nainis ako dahil naka-lock ang pinto kaya mas lalo akong napamura.