The billionaire's first love

The billionaire's first love

book_age16+
396
FOLLOW
1.8K
READ
possessive
second chance
goodgirl
billionairess
comedy
sweet
realistic earth
first love
love at the first sight
passionate
like
intro-logo
Blurb

si scarlet ay apo ng isang mayordoma ng pamilya wang. dati na siyang nasama sa mansyon na iyon no'ng siya'y nasa grade 4 pa lamang. at hindi na naulit iyon, hanggang nito nalang na grade 9 na siya sa isang privadong paaralan kung san ay isa siyang iskolar sa probinsya nila sa bulacan. Naisipan ng lola ni scarlet na isama siya ulit sa mansyon sa pagkat summer vacation naman na nito. Kailangan niya na kasi bumalik sa trabaho dahil limang buwan narin siya lumiban dito at pabalik narin ang kanyang mga amo galing china. naisipan niyang isama si scarlet ng maka bakasyon naman ang apo niya kahit sa maynila man lamang iyon para naman hindi ito mabagot sa bahay kung san ay tatatlo lamang sila ng isa niya pang anak na si belle na tiya ni scarlet. close naman ang mga ito kaso nga lang ay graduating student na itong si belle at parati'ng busy sa mga ganap sa paaralan nito. at malamang mag-isa lang si scarlet sa bahay kung nagkataon. kasi halos ilaan na ni belle ang oras sa computer shop para gumawa ng mga research papers at thesis defense nito. prayoridad din ni scarlet na makapag tapos ng pag-aaral upang mapauwi na nang bansa ang kaniyang mga magulang at makasama na muli ang mga ito.

tuluyan ng sumama si scarlet sa kaniyang lola papuntang maynila. Nang sa hindi inaasahang pagkakataon ni scarlet na makita muli ang lalaking nakasagutan niya sa Hallway ng cr ng isang mall sa bulacan. at nasunod pa ulit iyong ingkwentro nila sa araw ding iyon. na aksidenteng napag kamalan ni scarlet na iyong sasakyan nito ay yung pinara niyang taxi. Tsk! what a coincidence. which happens to be pa ay anak pala ito ng mga amo ni lola na ang pangalan ay stephen wang. Sa dalawang buwan na pamamalagi ko sa mansyon ng mga ito ay marami akong natuklasan tungkol sa mga pangyayari no'ng grade 4 at unang tapak ko palang sa mansyon na iyon. at ngayon ay isa na akong dalaga at may isip na rin. Sa mga natuklasan ko ay iyon ang naging daan upang ma hulog ako sa isang lalaki sa unang pagkakataon. ng natigilan siya. gano'n din ba ang nararamdaman nito para sakin? parang impossible iyon. sa pagkat malayong malayo ang agwat namin sa isa't isa. Literal na malayo sa estado ng buhay at sa edad. pero naging masaya naman kame being in each others company kahit walang kasiguraduhan ang tinatahak na daan. in a short span of time of being able to express and show what we feel. Not until one day. nag-laho at nadurog ang lahat ng masasayang araw na magkasama kame ng dahil lamang sa isang kasinungalingan. at kalauna'y tuluyan na naghiwalay ang aming landas. But everything happens for a reason. don't question the process, Trust it and be patient ika nga....

Then After 5 years nag-krus muli ang aming landas.

I am learning how to trust the journey even if i do not understand it. atfer all, second chances are not given to make things right.

but are given to prove that we could be better even after we fall.

ic_default
chap-preview
Free preview
The billionaire's first love episode 1
Hindi masasabing ulila ako sa pagkat may mga magulang ako,iyon nga lang nasa abroad silang pareho. si mama ofw sa taiwan limang buwan palang ang nakakalipas samantalang si papa factory worker sa korea mag-iisang taon na,nasa pangangalaga ako ni lola isay at tita belle na kapatid ni mama,kaya kinailangan ni lola lumiban muna sa trabaho bilang mayordoma sa mansyon ng mga wang upang mabantayan ako.Nasa dalawang linggo nalang ang aking pasok sa paaralan dahil malapit na ang summer vacation, at sa pagbalik ni lola sa mansyon nang mga wang ay naisipan niya akong isama bilang bakasyon ko na rin daw nang dalawang buwan. Nasa grade 9 na ako. At excited na ako makapunta sa manila kung saan nagtatrabaho si lola isay. "Scarlet apo,nagawa at naipasa mo na ba ang mga dapat mong ipasa sa paaralan?" kararating ko lang galing skwelahan Isinabit ko muna ang sling bag ko sa may pintuan na may sabitan. At nag mano kay lola "Opo la,yung clearance nalang po ang kailangan mapirmahan nang aking adviser para ma-cleared na at ready na akong sumama sa bakasyon ko sa inyo sa maynila." Wika ko nang maupo sa may dining table katabi ni lola na naghihiwa ng ampalaya para sa aming hapunan. Tinulungan ko narin si lola na mag hiwa ng sibuyas at kamatis. "Buti naman apo, kasi si donya amanda tumawag kanina. Uuwi na raw sila sa susunod na linggo galing china at tapos na raw ang business trip nila. Gusto nilang bumalik na nandoon narin ako sa mansyon. Sinabi ko na isasama kita. Ayun,at excited na makita kang muli. Kung naalala mo noon inaayusan ka niya at isinasama sa mall para mamili nang mga damit at ipinapasyal ka rin niya sa park. dadalawa naman ang anak puros lalake naman." Sabi ni lola na medyo excited pa sa kwento niya. Tumayo ako at dumeretso may likod namin kung nasaan yung lababo at naghugas ng kamay. "hindi ko na maalala masyado la, siguro kasi dahil masyado pa akong bata. lalake pala lahat ng anak ni donya amanda? siguro mga pasaway ang mga iyon lola noh?" Bahagyang natawa si lola sa sinabi ko. Lumingon ako habang pinapat dry ko ang aking kamay sa hand towel na nakasabit sa may refrigerator. "Natawa ka la? Bakit? Totoo ba yung mga sinabi ko? Umiiling na nagbaling si lola sa hinihiwa niyang ampalaya. "Hindi apo, ako ang nag alaga kay stephen at steve simula noong sanggol pa lamang sila hanggang sa tumuntong sa highschool. At ngayon pareho na silang nasa Kolehiyo at sa australlia nag-aral ay hindi ko narin sila naaalagaan at nakita. Si Stephen medyo pasaway nang konti pero mabait naman talaga. Si steve Naman napaka tahimik lang at siya ang mas matalino sa kanilang dalawa." Tumayo na si lola at naghugas narin ng kamay at ng mgs ampalaya na Hiniwa niya. At nagbaling muli sa akin. "Ang babait lang talaga nila apo,kasi kung hindi dahil kay donya amanda at don Miguel ay malamang hindi naayus at natapos itong bahay natin,sila rin ang tumulong sa mama at papa mo sa pag aabroad dahil pag-aari nila ang factory na pinagtatrabahuhan nang papa mo sa korea. At kaibigan naman ni donya amanda ang mga amo ngayon nang mama mo sa taiwan." Ngiting ngiti pa si lola ng tignan ako. Nilapitan ko si lola at niyakap siya sa tagiliran habang naghuhugas siya ng mga ginamitan niya sa paghiwa ng ampalaya. "Kung ganun la, nang dahil din sainyo iyon, kung bakit mababait sila sa pamilya niyo.Tinatanaw lang din nila ang kabaitan niyo sa pamilya nila. Tuloy,excited narin akong makita si donya amanda at don Miguel."Sabi ko habang kumalas na sa pagkayakap kay lola at naglakad na papunta sa pintuan ng aking silid. Na malapit lang sa may dining area. Nagbaling si lola sa akin "kaya tapusin mo na ang clearance mo nang maka luwas na tayo ng maynila sa linggo.uunahin na natin sila sa mansyon para may isang linggo kapa sa swimming sa pool nila, kasi baka mahiya ka nang maligo pag andun na ang mga bata kasi may mga kaibigan sila bumibisita sa kanila sa tuwing andito sila sa pinas." Lumingon ako kay lola at nangislap ang aking mga mata. "May swimming pool sila sa bahay la?" Excited na tili ko kay lola na ikinatawa niya. "Oo,malaki pa kesa sa mga resorts dito sa bulacan na napuntahan na natin apo." Naiiling na nagbaling na si lola sa niluluto niyang ampalaya at pritong isda. "O siya,magpalit kana muna at ng makakain na tayo pagdating ni tita belle mo." Nangingiting tinanguan kona si lola at pinihit na ang seradura ng aking silid.ng makapasok na sa aking silid ay di kona mapigil ang aking excitement Omg! I'm so excited!! Tili ko ulit sa isip ko. At sinerado na ang bintana at kurtina at ini-on na ang ilaw at bintilador. Naghahanap na ako ng pajama at tshirt ng may kumatok sa pintuan at pumasok doon si tita belle. Na masayang masaya ang awra. "carly!sasama ka raw kay nanay sa mansyon ng mga wang?"nagtitili pang sabi niya. Na mukhang mas dinaig pa ang excitement ko kanina. Tumango tango at nag baling ulit ako sa aking aparador upang kumuha pajama. "Opo ta belle,bakit mukhang mas dinaig mopa ang excitement ko?anong meron?sasama karin ba" Natatawang wika ko sa kaniya. Nasa 4th year college pa lang naman si tita belle na bunso ni mama kaya close kame kasi hindi naman nalalayo ang agwat namin. Lumapit siya saakin at hinala paupo sa aking single na kama. "Naman! Excited ako para sayo carly!! How i wish makakasama ako para makita kona ng personal ang wang brothers na tinitilian ng mga kolehiyalang kagaya ko. Grabe ang gagwapo talaga ng mga pino posts nilang photos sa i.g at sss page nila. Kung hindi mo pa alam,Sila lang naman ang may-ari ng WIA corp. (Wang international airways corporation) at sven malls sa buong pilipinas." Nahihingal na pahayag pa nito habang napisil pa ang pisngi ko sa gigil nito sa wang brothers. Binalingan ko siya ng makatayo na ako sa aking kama upang makapag palit na. "Ano naman koneksyon ko dun para mas maexcite kapa para sakin? Ang tatanda na mga nun ta belle para magka inters sakin. Kung sa tingin mo man na meron?" Sabi ko habang nasuot kona ang pajama at kasalukuyang tinatanggal na ang towel na pinangtakip ko sa pag palit ng aking pantalon at pajama. Tumayo ito at lumapit sa akin. "Carly,sa ganda mong bata. Kahit nga anak ni mayor enrico ay nahuhumaling sayo na ka edaran lang din ng wangs? Ano pa kaya ang wangs? Sa ganda at flawless mong yan hindi nila aakalain na simple lang ang pamumuhay natin. Mukha kapang mayaman sa ibang anak mayaman ghurl. Naniningkit it inirapan pa ako. "Itatak mo yan sa utak mo ha. Like duh!? Beauty with brain pa. Consistent na maria elena ng ating bayan. Kasi walang nakakatalo ng ganda mo. Miss teen bulacan na,miss teen top model pa at Ms.st.lorence highschool pa. San pa sila makakahanap ng babae na halos Masasakop na ang lahat ng title sa beauty pageants." Inirapan pa ulit ako ng mata. Natatawang hinila ko siya pa labas ng aking silid ng ma-off ko ang bintilador. At sinerado na ang pinto. At pinaupo na siya sa upuan ng dining. "Ta belle,alam mo naman kasi diba? Ayaw na ayaw ko pang mga ganyang senaryo sa isipan ko. Nakakagulo yan sa pagaaral. Diba? Magtatapos pa tayo para makapahinga na sina lola at mama,papa sa pagtatrabaho. Babawi pa tayo sakanila. Diba? Diba?" Ngiwi lang ang sagot niya sakin. At tumayo na para kumuha ng pichel na may Lamang tubig sa refrigerator. At inilapag na sa lamesa. At tumingin ulit sa akin. "Sa bagay, bata kapa nga talaga carly para sa mga ganyan. Buti nalang at napaka masunurin mong anak. Naku! Kasi ako sakit sa ulo ako ni nanay at ate belinda at kuya rey." Wika niya na nag pouty lips pa. "Kaya siguro nag ofw si mama dahil sa'yo ta belle?hindi niya na kinaya pa ang pagkapasaway mo." Tawang sabi ko sa kanya. "Oy,hindi rin ha. Sa boys lang ako pasaway. Sa studies naman ay hands on ako dahil sa panagarap nating dalawa para sa kanila." Tumango tango pa ito. "Ah basta. Balitaan mo ako at kung maaari makiselfie ka. At e send mo sa'kin ha!" Pilyang sabi niya. "Lol ta belle? Selfie? I don't like the idea. Ano sila artista?"naiiling na sabi ko sa kanya. "Hoy carly! Fyi lang sa iyo kung hindi mo alam. Kung sa kagwapuhan at kakisigan lang naman ang batayan ng selfie mo. Aba'y ngayon palang sinasabi kona sayo. Triple ang kagwapuhan nila sa mga artista at dinaig pa nila ang mga modelo ng magazines. " kibit balikat na humakbang ako sa may sala kung saan naroon si lola na may kausap sa cellphone niya. Sumenyas ako sa kakain na. Umangat ang isang kamay niya upang sumenyas na sandali na lang.tumango tango ako sabay baling pabalik ng komedor.at naupo na sa silya.napatingin ako kay tita belle na kasalukuyang dumudutdot sa kanyang cellphone at napapasmile pa ito sa nakikita. Sabay harap sakin ng kaniyang cellphone screen. "Hindi ba pang selfie material mga yan carly? Look at dizzz...? Sila lang naman ang the wang brothers. si stephen yang naka maroon tuxedo at itong isang nakaputing tuxedo ay si steve." Sabi niya nakasmiling face pa sakin. Napakurap-kurap ako sa ipinakita niya. Talaga bang ganun sila kagwapo sa personal o baka may filter lang. Talamak naman ang pag gamit ng filter ngayon sa isip ko. "Ok lang naman,pero hindi naman ata ganyan ka gwapo yan sa personal. Wala parin makakatalo sa kagwapuhan ni chris evans ta belle." Irap ko pang sabi sa kaniya. Na saktohan pang makita ni lola. "oh scarlet,anong irap-irap yan?" Sabi pa ni lola na nilapita ako. " inaaway kaba nitong tita mo? Sabay ang pag tawa namin ni ta belle sa sinabi ni lola. "Naku nay, kung iirapan niya ako ng ganyan habang inaaway ko siya malamang yang flawless skin niya magiging pantal skin." Sagot niya kay lola. Kame naman sabay natawa ni lola. "Osiya sige kung ano man yan. Bahala na kayo ng tita mo. Alam ko naman na best of friends kayong dalawa. Kumain na tayo ng makatulog ng maaga." Sabay lagay ng kanin sa plato niya. At muling nag salita. "Kailangan mo nang tapusin ang clearance mo bukas scarlet. Kasi ipapasundo na tayo ni donya amanda sa driver nila sa makalawa. Para mas maenjoy mo raw muna ang pool sa mansyon. Hindi narin kasi sila aabot sa susunod na linggo at mapapaaga ang uwi nila." Sabi ni lola sabay subo ng kaniyang pagkain. "Bakit la,sinabi niyo pa na excited akong mag swimming sa pool nila? Sabay padyak ko ng aking paa sa sahig. Na ikinatawa ni tita bell at lola. "Eh ano naman ngayon? ayaw mo ba? Mas excited nga sila para sayo. Gusto na nga umuwi agad si donya amanda. Kaso iniisip ka nila baka maiilang kana raw kapag andun na sila." Pahayag ni lola sabay subo ulit. "choosy kapa ba carly? Sila na nga ang mag aadjust para sayong pag bakasyon sa kanilang mansyon." Nangingiting wika ni tita belle. Irap lang ulit ang sagot ko sa kaniya. "uy,napapadalas na ang irap mo sa tita mo scarlet ha. Let me remind you. tita mo pa rin yan.kahit na hindi nagkakalayo ang edad at isipan niyo ha." medyo maawtoridad na pahayag ni lola sa akin. Sabay tango ko. "Sorry po la, at ta belle."sabay puppy eyes ko sakanila. "Okay kumain na. Nang matapos at maaga kapa bukas sa skwelahan."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
90.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
157.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
20.8K
bc

His Obsession

read
98.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
7.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook