DRIANNE
“I told you Drianne, walang manliligaw na maliligaw dito kung hindi pauulanan ko nang bala o kahit sa school niyo. I have eyes and ears there kaya malalaman ko.” Seryosong saad ni Daddy. Ayaw ko rin namang may nanliligaw sa akin dahil 16 years old palang naman ako at wala pa talaga sa isipan ko ang pag-ibig.
“Dad, don’t you trust me? Wala pa po sa plano ko ang magkaroon ng nobyo.” Paliwanag ko kay Daddy. Masyado siyang nag-o-over think. Porque ba may nanliligaw na makikipagrelasyon na ako? Mas priority ko ang pag-aaral ko dahil may pangarap akong dapat abutin.
“Sinasabi ko sa iyo ito dahil naranasan na namin ’yan ng Mommy mo. Alam mo naman siguro ang kuwento namin.” Tumango ako sa sinabi ni Daddy. Umupo ako sa lap niya at inakbayan siya. Masyadong complicated ang kwentong pag-ibig nila Mommy at Daddy. Sa tuwing naalala ko ang kwentong iyon ay hindi ko maiwasang humanga sa mgaulang ko dahil matatag ang pagmamahalan nila sa kabila ng maraming pagsubok na nangyari sa kanila.
“Dad, I know. Naiintindihan ko ang mga payo at reminder niyo sa akin. Ang dami niyo naman kasing sinabi. Nagpapaalam lang naman akong a-attend ng prom.” Nakanguso kong saad.
“I trust you anak, pero ang mga nakapaligid sa iyo, I never trust them. Okay, ganito na lang. Papayag ako na a-attend ka, pero isasama mo ang kambal. Sila ang magiging chaperon mo roon.” Napatayo ako at nagpapadyak sa suggestion ni Daddy.
“Daddy naman, eh! Bakit isasama ko pa dalawang asungot na ’yon?! Basagulero pa naman nila. Ang iinit ng ulo. Siguradong may makakasuntukan na naman ang dalawang ’yan.” Reklamo ko.
Palaging may nakakaaway ang kambal sa school nila. Kaya palaging napapatawag si Mommy ng Principal. Masyado kasing mainitin ang ulo ng kambal.
“Mas maganda nga ’yon at walang makakalapit sa iyo.” Nakangising saad ni Daddy.
“Kasama ko naman si Lessandro.”
“Hindi sapat si Lessandro na maipagtanggol ka. Baka kasama pa ang nobya niyon. Eh, ’di iniwan ka niya.” Napasimangot ako. Sa tingin ko ay hindi ako iiwan ni Lessandro kahit kasama pa ang nobya niya.
“Kung ayaw mo sa suggestion ko ay hindi kita papayagan. That’s final!” Mas humaba ang nguso ko sa inis. Nagbuga ako nang hangin. Wala na akong magagawa kung hindi pumayag sa suggestion ni Daddy. Malayong payagan ako nang wala ang tatlo kong kapatid.
“Okay, Dad, pumapayag na ako.” Napatingin sa akin si Daddy. Napangiti siya. ’Yong tipong ngiting tagumpay. Panalo na siya. Palagi naman.
“Good!”
*****
NAKAPANGALUMBABA ako habang nakatingin sa malayo. Nagulat ako nang may umakbay. Napatingin ako sa taong iyon.
Si Lessandro lang pala.
“Mukhang malayo ang tingin mo, wala naman tinatanaw.” Biro sa akin ng best friend ko. Siniko ko siya kung kaya lumayo siya sa akin habang natatawa. Inirapan ko siya.
“Lumayo ka nga sa akin! Mamaya niyan magselos na naman sa akin ang syota mong selosa! Akala mo namam inagaw kita. Like ew, ikaw magugustuhan ko? Ang baho kaya ng utot mo!” Pang-iinis ko sa kanya.
Panay kasi akong pinag-iisipan ng nobya niya na lumalandi raw ako sa best friend ko. My god! Ang dumi ng isip niya. Lessandro and I we’re just best friend. Walang malisya kung akbayan niya ako. Since grade school magkaibigan na kami.
“Ito naman ang sungit mo! May regla ka ba? Makaapi ka sa utot ko, a? Ikaw din naman ang baho rin ng utot mo! Nakakasulasok!” sabi niya at saka tumawa. Inirapan ko siya.
“Seriously do you have a problem?” He asked. Malalim akong nagbuntonghininga.
“Si Daddy kasi pumayag um-attend ako ng prom kaso may chaperon ako. ’Tapos ’yong magiging bantay ko ang kambal! Nakakainis hindi ba?”
Tumawa si Lessandro sa sinabi ko. Hinampas ko siya ng notebook na hawak ko. Umilag ito.
“Ano’ng nakakatawa roon?” Inis na tanong ko.
“Talagang bantay sarado ka sa Daddy mo. Wala talagang kawala ang mga manliligaw mo, a. Guwardya civil pa naman ang kapatid mo. Naalala ko nga noong pumunta ako sa bahay niyo akala nila manliligaw mo ako. Daig pa ang scanner sa pagsuyod ng tingin sa akin, e?”
Natawa ako sa scanner.
“Scanner ka riyan ginawa mo namang machine ang mga kapatid ko. Kahit naman mga bata pa sila noon ugali na nila ’yon.” Natatawa kong sabi. Manang-mana sa Daddy ko ang kambal.
“Hi Lessandro.”
Pareho kaming napatingin sa bumati. Napairap ako dahil nandito na naman ang isang tagahanga ni Lessandro. Dapat ito ang pagselosan ng girlfriend niya. Ito ang obvious na obvious na lumalandi sa best friend ko.
“Bakit?” Walang ganang tanong ni Lessandro.
“Invite sana kita sa birthday ko. This coming Saturday na ’yon.” Maarteng saad ng babae.
“Hindi ako puwede may pupuntahan kasi ako, e.” Rason ng kaibigan ko.
“Sige na. I invited Kylie too.” Pagpupumilit niya kay Lessandro. Sumama ang mukha nito.
“I told you may pupuntahan nga ako ’di, ba? Hindi ka ba nakakaintindi?” Inis na turan nito.
Tinapik ko sa balikat si Lessandro. Nakakapukaw na kasi kami nang atensyon ng mga tao. Ang lakas ng boses nitong best friend ko kung magsalita. Parang maiiyak na ang hitsura ng babae dahil sa pagkapahiya. Tumalikod na ito at tumakbo palayo sa amin.
“Grabe ka naman sa kanya. Napahiya tuloy ’yong tao.” Pangongonsensya ko sa kanya.
“Hayaan mo siya masyado namang obvious ang pagiging flirt niya sa akin. Imagine mo kaibigan niya ang girlfriend ko. Pero kung umasta akala mo siya ’yong totoo.”
Napapailing ako sa kaprangkahan ni Lessandro.
“Ang mean mo talaga!” Wika ko.
“I’m just being mean to the people who are worth being mean.” Napa-makeface ako.
Pauwi na ako nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Napalingon ako sa bandang likuran ko. Nang tingnan ko ay wala namang tao. Nagpatuloy ako sa paglalakad na may pagmamadali. Bigla akong natakot.
Nagpasya akong dumaan sa starbucks bago umuwi upang bumili ng Strawberries & cream frappuccino at caramel waffles ng kapatid kong bunso.
Minadali ko ang paglalakad nang may nakabanggaan akong tao. Muntik ko nang mabitawan ang dala kong supot.
Hinarap ko ang taong nakabanggaan ko. Isang matangkad na lalaki at hindi ko masyadong makita ang buong mukha dahil nakasuot ng shade ang lalaki. Nakasuot ng cap at may hood pa. Ang init-init ng panahon para magsuot ng ganoon.
“Sorry Miss.” Hinging paumanhin ng lalaki. Although hindi ko nakikita ang kanyang mga mata ay tila kilabot ang naramdaman ko sa mababa nitong boses at idagdag pa ang presensya ng lalaki.
“O-Okay lang.” Wika ko na nauutal.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan takot ang naramdaman ko. Iniwan ko ang lalaki. Nang makalayo ay nilingon ko ang lalaki ngunit wala na siya roon. Baka naman dumaan lang ang lalaki at wala namang gagawing masama sa akin. Napailing ako dahil kung ano-ano ang iniisip kong masama na wala namang dapat ikabahala.
*****
“ALAM mo may nakabanggaan akong lalaki last time. Ang weird niya. Takip na takip ang buong mukha na para bang ayaw niyang may makakita niyon. Imagine nakasuot ng cap na nga may hood pa. Nakasuot din ng shade. Mukha siya tuloy may lagnat sa suot niya.” Kwento ko kay Lessandro nang magkita kami sa school.
“Oh, really?” Hindi makapaniwalang sabi nito. “Dapat huwag kang umuuwing mag-isa. Ikaw pa naman ay panay kang umuuwing mag-isa. Ayaw mo kasing sumabay sa akin.” Dagdag pa nito. Napairap ako sa kanya.
“Panong sasabay ako sa iyo? Kasama mo ang selosa mong girlfriend. Kaya nga umiiwas ako sa gulo.” Tinawanan niya lang ako.
“Bakit kasi pinapansin mo ’yon? Ako pa rin ang nasusunod sa aming dalawa. Kaya next time kapag wala kang driver ako na maghahatid sa iyo.”
“Bahala ka na nga.”
Inakbayan ako ni Lessandro. “Good.” Nagpapasalamat ako dahil may kaibigan akong concern sa akin.