Chapter 12

1625 Words
Mabilis na lumipas ang araw at ito na ang pinakahihintay ng lahat. Ang huling araw nila sa school bilang isang senior high students at sa susunod na pasukan ay panibagong yugto sa hamon ng buhay. Habang naglalakad sa red carpet patungo sa kanilang dapat upuan ay hindi maiwasan ni Ella na isipin ang pagsisiwalat niya kay Jarred ng kursong nais niya at ang business na nais niyang ipatayo. Nangako pa ang binata na ito ang magdedesign ng building na ipapatayo niya. Pangarap ni Ella na sundan ang yapak ng mommy niya na may boutique sa may bayan. Ngunit hindi sa ganoong paraan na may supplier, may nagdedeliver ng tahi ng damit at may nagtutungo sa tindahan para magtingin at bumili ng damit na inaangkat sa iba. Kundi ang makapagpatayo ng boutique na siya mismo ang magdedesign ng damit. Boutique na bibigyan niya ng sariling buhay at pangalan na makikilala sa merkado. Wala namang masamang mangarap. Sa panahon ngayon iyon na lang ang libre. Dahil alam na rin nga ni Jarred ang tungkol sa bagay na iyon. At kahit malayo sa tinatahak na mundo ni Jarred ang pangarap niya, ay pinilit na agad niya itong maging kauna-unahang investor sa magiging boutique niya sa hinaharap. Hindi naman tumanggi at kasintahan at nangako ng buong pusong suporta sa kanya pagnagkataon. "Aragon, Ella Shelley R." tawag sa pangalan ni Ella ng ito na ang tumatanggap ng diploma. Hindi man nagkaroon ng honor ay talagang masaya si Ella ng tanggapin ang bagay na iyon. Akala niya ay hindi siya makakasama dahil sa dalawang subject niya sa Math ay talagang naghihingalo. Ngunit sa tulong ni Jarred ay nabawi niya ang napakababang marka. Hindi lang iyon basta pumatak sa line of eight. Dahil humigit pa iyon ng lima. Mukha kasing naawa ang subject teacher niya sa kanya ng mapansing sa lahat ng estudyante ay siya lang ang napakababa sa larangang iyon kahit matataas sa ibang subject. Kaya naman bukod sa exam na ibinigay sa kanya noon ay binigyan pa siya ng special project na lubusan niyang ipinagtataka. Halos ang pinasagutan ng guro niyang iyon ay halos nalalapit sa mga question na pinasagutan sa kanya ni Jarred. Kaya naman masasabi niyang pinaghirapan talaga niyang sagutan ang tanong at hindi pandaraya ang ginawa niya ng sagutan niya iyon sa harap ng teacher niya. Nagsikap lang talaga siya ng sobra. Dahil sabi nga practice makes perfect. Kaso na practice niya iyon ng ilan ulit kaya talagang na perfect niya tanong. "Congratulations sa atin Ella!" malakas na tili ni Hanna ng makalapit ito sa kanya matapos ang seremonya. Nasa tabi ni Ella ang mommy niya. Wala doon si Roi at ito daw ang tumatao sa tindahan. Nandoon din si Jarred at ang mga kaibigan nitong si Nald at Teo. "Mauna na kami sa inyo Ella, Tita Elizabeth. May kauting salo-salo sa bahay. Inaaya ko naman po si Ella kaso may lakad daw po kayo." "Next time hija, may plano si Jarred na magcelebrate sa labas. Kahit nga na ako ang ina ay hindi matanggihan si Jarred at matagal na daw niyang plano iyon para kay Ella. May magagawa ba ako, kung surprise party daw iyon," bulong ni Elizabeth kay Hanna, na parang may alam rin sa bagay na iyon. Kaya lang qy hindi ito makakasama kay Ella dahil, syempre, family first than anyone else. Busy naman si Ella sa pakikipag-usap kay Jarred kaya naman hindi sila napansin ng dalaga. "Ayos lang tita, alam naman ninyong deds na deds yang si Jarred kay Ella ninyo. Hindi ko naman po masisisi. Kita naman niyo. Manang mana sa inyo ang beauty." "Ikaw talaga Hanna. Congratulations ulit hija." "Thank you po. Ella una na ako sayo hinihintay na ako ni mommy at daddy sa sasakyan. Sayang lang talaga. Pero may susunod pa naman. Bye Ella, Jarred, Nald at sa inyo po tita," ani Hanna ng mapasipol si Jarred at Nald dahil nito nabanggit si Teo. Napailing na lang si Teo sa kasupladahan ng kaibigan ni Ella. "Bakit kasi hindi mo suyuin?" natatawang saad ni Jarred. "Not now. But at the right time," ani Teo na sinipulan lang ulit ni Nald. Nagtuloy na rin sila sa pag-alis. Sakay sila sa dalawang kotse. Hinayaan na ni Elizabeth na si Ella ay sakay sa kotse ni Jarred habang siya ay kasama ng dalawang kaibigan ng binata. Nagtungo sila sa isa sa sikat na hotel sa pagkakaalam ni Ella. "Ang ganda," hindi mapigilang bulalas ni Ella ng makapasok sila sa loob. "Dito tayo magcecelebrate? Bakit parang ang sosyal naman? Akala ko kakain lang tayo sa labas kasama ang mga kaibigan mo at ang mommy. Nasaan nga pala sila?" "Papunta na sila. Dumaan muna ang mommy mo sa Tito Roi. Syempre hindi mawawala ang tito mo sa araw na ito kasi pamilya mo na siya. Kahit minsan pakiramdam ko ayaw sa akin ng tito mo." "Wag mong pansinin si Tito Roi, sinabi kasi niya noon na bawal pa daw sa akin ang boyfriend. Kaya lang noong pagbawalan nila ako ni mommy boyfriend na kita. Wala na silang magagawa," napahagikhik pa si Ella sa kanyang isiniwalat. Napatango na lang si Jarred. Sabagay kung siya ang nasa sitwasyon ng mga ito ay hindi din niya hahayaang magkaroon ng boyfriend si Ella. Kaya lang siya ang boyfriend kaya hindi siya papayag na mawalay si Ella sa kanya. Never ever. Ilang sandali pa at dumating na rin ang kanilang hinintay. Nilapitan ni Elizabeth ang anak. "Congratulations anak. Sana ay maging masaya ka sa araw na ito. Isa pa ay malaki ang tiwala ko sayo. Sa inyo ni Jarred. Kaya kahit labag ako sa gusto niya ay pumayag ako. Dahil ganoon pa rin naman. Wala namang magbabago. Maliban sa pangako mo." Naguguluhan napatitig si Ella sa ina. Hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin. Ngunit nakikita niya ang saya sa mukha ng mommy niya. "Ano pong ibig ninyong sabihin?" "Wala anak. Kumain na muna tayo." Inalalayan siya ni Jarred na makaupo sa tabi nito. Nasa tapat nila ang mommy at tito niya. Sa tabihan niya si Nald at nasa kabilang tabi naman ni Jarred si Teo. Matapos maiserve ang mga pagkain ay nagkukwentuhan pa sila habang kumakain. Nang bigla na lang matigilan si Ella. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay nakatingin sa kanya at nagmamasid sa bawat kilos niya. Dahan-dahan naman niyang pinagmasdan ang mga kasama niya sa lamesa ngunit wala naman siyang makita na nakatingin lang mismo sa kanya. Hanggang sa matapos ang pagkain nila ay hindi na nawala ang kaba sa kanyang dibdib. Ilang sandali pa ay biglang may tumugtog ng piano. Naagaw noon ang pansin ni Ella. Paborito niyang kanta iyon. Isa sa love song na kanta ng paborito niyang boy band. Noong 80's. Old songs iyon pero para sa kanya napakaganda noon. Habang kinukuha ng nagpipiano at kumakanta ang atensyon niya ay hindi niya namalayan na nakaluhod na si Jarred sa kanyang harapan. May hawak itong pulang kaheta na naglalaman ng isang simple, ngunit napakagandang singsing. Hindi man iyon ang sasabihin ng iba na pinakamahal sa buong mundo. Ngunit ang singsing na iyon ay ipinasadya niya para lang kay Ella. Ang kanyang si Ella. "Ella, sweetheart," tawag ni Jarred sa kanya. Halata naman ang gulat kay Ella kaya hindi sinasadyang napatayo ito. Muntik ng matumba ang kinauupuan niyang silya. Mabuti na lang at mabilis ang pag flex ni Nald at nasalo nito iyon. Hindi rin napansin ni Ella ang nakatutok na camera sa kanila ni Jarred na hawak naman ni Teo. "Sweetheart, alam kong napakadami pa nating pagdadaanan bago ko itanong sa iyo ang mga katangang,'Will You Marry Me.' But this time hindi iyon ang itatanong ko. Will you with me until I asked you, will you be my wife. Sa totoo lang gusto na kitang pakasalan kahit bukas na bukas din. Kung hindi ko lang alam na gusto mo pa ring matupad ang mga pangarap mo sa sarili mong paraan at hindi dahil sa tulong ko. Can I know your answer sweetheart?" masuyong tanong ni Jarred kaya naman hindi na napigilan ni Ella ang maiyak. Alam niya sa sarili niyang masaya siya. Hindi pa man ito ang pinaka proposal ni Jarred para magsama sila ng panghabang buhay, ay oo at oo pa kaadag ang magiging sagot niya sa binata. Ganoon niya kamahal ang binata. "Oo Jarred, mahal na mahal kita," masaya niyang sagot at mabilis na isinuot ang singsing na hawak ni Jarred sa kaliwa niyang palasingsingan. Nangiti pa si Ella ng mapagmasdan ang singsing. Ilang singsing pa ba ang ibibigay sa kanya ni Jarred. May balak yatang lagyan nito ang lahat ng daliri niya sa kamay. "I love you too sweetheart." Napuno ng masigabong palakpakan ang buong hall na iyon. Masaya silang binati ni Elizabeth na sobrang naiiyak para sa anak. Hindi pa naman aalis sa poder niya si Ella ngunit pakiramdam niya ay malalayo na ito sa kanya. "Mommy bakit parang mag-aasawa na ako kung maka-iyak ka?" natatawang saad ni Ella habang pinupunasan ni Elizabeth ang mga luhang bumabasa sa kanyang pisngi. "Dalaga ka na kasing talaga. May nagpropose pang kasintahan. Dalaga na ang baby ko." Natawa naman si Ella sa sinabing iyon ng ina. Ipinagpatuloy nila ang panonood sa nagpipiano at kumakanta. Lahat yata ng kanta na paborito ni Ella ay tinugtog ng mga ito. Bukod sa proposal ay iyon talaga ang regalo ni Jarred sa kanya. Ang magkasama-sama silang magkakaibigan kahit wala si Hanna ay naiintindihan naman niya ito. Ang mga magulang niya. Higit sa lahat kasama niya si Jarred. Habang nasa isang hotel at nanonood ng isang parang mini concert ng paborito niyang mga musika. Para sa kanya ang alaala sa mga oras na iyon ay mas mahalaga kay sa ano mang materyal na bagay. Sa kabilang banda ay hindi nila napapansin ang isang titig na nagbabadya ng panganib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD