ALEXA
Napatingin ako sa likuran ko, medyo malayo layo na rin pala ang nilakad ko. B-weset kasing hukluban na 'yon, akala mo kung sino, pasalamat siyang guwapo siya na ko kung hindi pinatulan ko talaga 'yon. Kakagigil..
Pero nasaan pala ako? naliligaw na yata ako. Napansin ko ang mga kalalakihang nagdaan at linapitan ko sila at nag tanong.
"Mga pogi saang lugar ba 'to?" tanong ko. Pero tila mukhang maling tao ang napag tanungan ko, dahil mga tambay ito na nag-iinuman at nang lumapit ito saakin langhap na langhap ko ang lambanog na ininom niya. Medyo kinilabutan ako sa huling sinabi nito.
"Hello, shexy shema kana lang shamin, mag e-enjoy ka pa. Hik! hik! Puwede tayo threesome." wika nito. "Ano sha tingin niyo mga pare, mukhang masharap ang babaeng 'to." dagdag na sambit nito.
"Oo pare, laman tiyan din yan." sang ayon pa nang dalawang manyak na kasama nang mga ito. Sabay tingin saakin mula ulo at hanggang paa na may pagnanasa.
Jusko po! tulungan nyo ako. Ayokong mawarak ang pagkato ko sa mga taong 'to. usal ko. Napa pikit na lang ako at nanalangin na sana may lalaki o taong mag ligtas saakin. Dahil malapit na akong umiyak sa takot.
Napahawak na lang ako sa dib-dib ko nang hilahin ng isang manyak na lalaki ang kamay ko, at amoy amuyin ito.
"Shariwa pa ito mga pare. Bilis tulungan niyo ko nang malantakan na natin ito." wika niya sabay tawa na parang de*****
Hinahawakan na nang dalawang lalaki ang dalawa kong kamay at mabilis nila akong naihiga sa buhanginan. Hinaltak nito ang blusa ko at nalaglag ang mga butones sa buhangin at nahantad ang cleavage ko na mapuputi sakanilang harapan na lalong nagpatakam at sa mga ito.
"Jackpot tayo mga pare." wika nito sabay tawa.
Juskoo po! tulungan nyo ako. Huwag nyo pong hayaan na maghari ang kasamaan, usal ko.
Napapikit na lang ako at tinanggap na ang posibleng maging kapalaran ko sa kamay nang nga hayok sa laman na mga lalaking ito.
Mga ilang minuto na akong nakapikit at naghihintay sa mga susunod nilang gagawin saakin. Gustuhin ko mang pumalag pero anong magiging laban ko. Apat sila at isa lang ako, at isa sa liit kong ito baka ihagis lang nila ako.
Ngunit ilang minuto na ang nakakalipas wala pa rin akong maramdaman na kakaiba, hanggang sa nakarinig na lang ako bigla nang ingay at pag dilat ko kitang kita ko ang tito ni Alelli ay nakikipag buno na sa mga manyak na lalaki, hindi ko maiwasang hangaan ito dahil sa galing niyang makipag suntukan.
Para siyang action star na idol ko sa television. Kilig na kilig ako habang nakikipag laban ito, pakiramdam ko may knight in shining armour ako. Sasapakin pa sana niya ang mga ito nang biglang kumaripas nang takbo ang mga ito.
"Ano, bakit natakbo kayo. Mga duwag pala kayo." sigaw nito, sabay tingin saakin. Nginitian ko siya pero inismiran niya lamang ako, dahil sa pagkapahiya umiwas na lang ako nang tingin rito.
Hindi ko namalayan ang pag lapit niya.
"Ikaw sa susunod huwag kang flirt, para hindi ka napapahamak." panunuya nito.
Ang kilig na nadarama ko kanina napalitan nang galit at inis. Akala ko pa naman mabait 'to, ayon pala masama talaga ang ugali.
"Hoy, le**e kang hukluban ka, kung wala kang magandang sasabihin, itigil mo yang bibig mo at puro basura ang nalabas." bulyaw ko. Wala akong paki kong matanda pa siya saakin, sobra na kasi siya masiyado niya na akong binabastos.
"What did you say? ikaw kutong lupa ka, baka nakakalimutan mo nasa teritoryo kita. Kaya matuto kang gumalang sa nakakatanda sayo." saad nito.
"Yes lolo, mano po lolo." pang aasar ko, kasabay na pag blessed ko sakaniya. Nakita ko naman ang pag kunot nang noo nito.
"Ako lolo? excuse me. I'm 40 years old, mukha ba akong lolo? ikaw kutong lupa ka. Akala mo naman ang tangkad mo, ang tapang tapang mo. Ikaw na nga tinulungan ikaw pa ang galit. Hindi ka man lang marunong mag thank you." wika nito." Wala kang manners." dagdag na sambit nito.
At ang kanina kong mga luha na pinipigilan ay pumatak na nang tuluyan, marahil hindi ko na rin kinaya ang mga masasakit na paratang nito saakin na wala namang basehan.
"Oh! anong tinitingin tingin mo diyan. Bilisan mo at sumakay kana, dahil magagalit saakin si Alelli kapag hindi kita sinama." bulyaw nito. Akala ko pa naman concern siya saakin.
"Ayoko, maglalakad na lang ako. Salamat na lang ho." wika ko. At naglakad pabalik. Akala niya mauuto niya ako, anong tingin niya saakin bata. Neknek niya!
"Fine, bahala ka sa buhay mo. Ikaw na nga isasabay, napaka arte mo pa." bulyaw nitong muli. Pero hindi ko na siya pinakinggan pa at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Narinig ko na ang tunog nang makina ng sasakyan niya at napa stop ako, dahil hindi ko alam kung liliko ba ako o didiretso, naligaw na yata ako. Madilim na ang paligid at ni ilaw wala man lang. "Napaka kuripot nang hukluban na 'to, bilyonaryo nag ilaw lang hindi niya mapalagyan," inis na usal ko.
Napansin kong patigil tigil ito at inaantay niya yata na sumakay ako, pero may prinsipyo naman ako. Tama na mga pang aalipusta niya saakin, akala mo kong sino. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ngunit may bigla na lang humila nang kamay ko, bigla akong natakot.
"Hindi ka lang pala flirt, e*** ka pa. Haixt! sumakay ka na nga at huwag nang mag inarte, kung ano pa mangyari sayo magtatampo pa saakin ang pamangkin mo. For your information hindi ko ginagawa 'to para sayo. Ginagawa ko 'to dahil ayokong mag tampo saakin ang pamangkin, dahil for the first time nag tampo siya saakin para lang sayo. Kaya bilisan mo kung ayaw mong kaladkarin kita." saad nito.
"Hmmm ayoko, ayoko. Mag-isa kang umuwi at uuwi akong mag-isa." sigaw ko. Akala niya mapapasunod niya ako, neknek niya lelong niyang panot.
Hindi na ito muling nagsalita at pinaharurot na ang sasakyan at dahil umulan natalsikan ng putik ang buong damit ko.
"B-weset kang matandang hukluban ka." sigaw ko.
Sinundan ko na lang kung saang way siya dumaan at doon rin ako dumaan. Pero nang tumigil ito, dire diretso lang ako at hindi ko siya pinansin bahala siya sa buhay nya. Nakakainis siya, akala niya ba nakakatuwa siya. Tanda tanda niya 'di pa siya mag tanda.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad nang biglang nakarinig ako nang kaluskos at bigla na lang may bumuhat saakin. Sa gaan kong ito madali niya akong nabuhat at hindi ko alam kung sino siya, dahil sa madilim ang bahaging parte nito, dahil diyan hindi ko nakita ang bumitbit saakin. Sigaw ako nang sigaw nang tulong, pero alam ko wala naman makakarinig saakin rito.
Nanginginig na ako sa takot, juskoo ang malas ko naman ngayong araw.
"Tulungan nyo po ako," usal ko. Dahil yan na lang ang tanging magagawa ko nang sandaling 'yon..