ZOEY Nang lumabas na si Clara sa condo ay umakyat na kami sa rooftop sa may swimming pool. Naghubad kaagad ako ng roba pagdating namin sa swimming pool. Ganoon din ang ginawa ni Clara. ''Ang sexy mo rin pala,'' papuri sa akin ni Clara. Umupo ako sa gilid ng pool at ang aking paa ay nasa tubig. Inilagay ko sa gilid ang dala kong alak at binuksan. ''Pumayat na nga ako. Ikaw ang sexy mo rin. Siguro marami kang manliligaw,'' wika ko sa kaniya. ''Sakit sa ulo lang ang mga lalaki,'' tipid naman niyang sagot sa akin. Uminom kami ni Clara at lumangoy sa swimming pool. Marami rin kaming pinag-uusapan tungkol sa mga buhay namin. Mabilis kaming nagkagaanan ng loob ni Clara. Na e-kuwento niya rin sa akin ang tungkol sa kanila ni Lance. Naging magkasintahan pala sila noon at ngayon ay katulong