ZOEY Kinaubukasan Nagising ako sa hindi pamilyar na silid at nanakit pa ang buo kong katawan. Nang tumagilid ako ay nakita ko ang isang bulto ng likod ng isang lalaki na nakatalikod sa akin. Sa subrang gulat ko ay nasipa ko ito at nagsisigaw ako. Nahulog ito sa kama at papungas-pungas pa ito ng kaniyang mga mata at tumingin sa akin. ''Anong ginawa mo sa akin? Sino ka?! Bakit nandito ka sa silid ko? Saka bakit pareho tayong nakahubad?'' kabado kong tanong sa lalaki. Walang reaksyon ang mukha nito na tumayo na walang takip ang katawan. Kaya, kita ko ang mahaba at malaki niyang sandata na parang nagmamayabang pang nakasentro sa kinaroroonan ko. Napasigaw pa ako nang mapagsino ko ang lalaki na kasama ko sa iisang silid. Tinakpan ang aking sarili ng komot. ''Walang hiya ka! Anong ginawa