Chapter 48 Shiena Pov Lumipas ang ilang araw ay kinuhanan ako ng sukat nang gown para suotin ko sa party ni Lance at ang girlfriend nito. Pinapili pa ako nito ng magandang desinyo kaya ang pinili ko naman ay 'yong simple lang pero galanti. At nalula pa ako sa presyo ng gown. "Lance subra naman yatang mahal 'yan?" Reklamo ko pa kay Lance. "Ano ka ba! My lady eh barya lang 'yan. Saka ako naman ang magbabayad niyan hindi ikaw." Wika pa nito. "Pero kahit na hamakin mo iyan pinakamura 5 milyon pesos?" Mataas na boses na turan ko habang namilog pa ang mga mata ko. "Sikat na disigner kasi ang nag-design ng mga 'yan saka kailangan sa sunod na araw ay matapos na iyan." Saad pa nito. "Puwede naman sa bangkita ako kumuha ng gown marami naman roon sa bayan eh. Dalawang libo lang maganda na."