Book 2 Episode 29

2289 Words

Chapter 29 Shiena ''Manang, nasaan na ang mga gamit ko sa kuwarto?'' tanong ko sa matanda. ''Nasa kwarto na ninyo ni Senorito, iha.'' sagot sa akin ni Manang Amparo. ''Ha? Bakit naroon?'' takang tanong ko sa kaniya. Ngumiti ng matamis sa akin si Manang. ''Kasi binilinan ako ni Senorito na ilipat daw ang mga gamit mo sa kuwarto niya. Kaya, ayon nilipat ko na.'' ''Nako, Manang. Dapat hinintay niyo na lang ako, nakakahiya naman sa'yo.'' ''Ano ba, Iha. Asawa ka ni Senorito, kaya okay lang 'yon,'' ngiti niyang sabi sa akin. ''Pero kahit na, Manang. Naabala ko tuloy kayo,'' nahihiya kong wika sa kaniya. ''Okay, lang 'yon, Iha. Sige na, umakyat ka na sa itaas at parang wala sa mood ang asawa mo,'' ani Manang. Umakyat ako sa taas at kumatok sa kwarto ni Liam. Maya pa ay sumagot siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD