ZOEY Makalipas ang ilang buwan ay naging maayos ang pagsasama namin ni Raydin. Lagi itong sweet sa akin. Pero kahit gano'n pa man ay hindi pa rin kami nagtatabi matulog katulad ng iBang mag-asawa. Sa tatlong buwan na nakalipas ay hindi rin kami nagkita ni Rey na lagi kong pinapasalamatan. Nasa kusina ako at nagtitmpla ng kape namin ni Raydin nang dumating siya. ''Good morning, Hon,'' bati ni Raydin. Kagigising niya lang din. ''Flowers for you,'' sabay abot niya sa akin ng isang boque ng bulaklak. Ganito siya tuwing umaga. May ipapa-dilver siyang bulaklak at ibibigay iyon sa akin. ''Thank you, Hon. Napuno na ng flowers ang silid ko. Okay, lang naman kahit hindi ka magbigay ng bulaklak sa akin,'' wika ko sa kaniya. ''At bakit? Gusto mong si Doktor Valdemar lang ba ang magbibigay sa 'yo