Chapter 42 Gabriel Pov Hindi ko inaasahan ang araw na iyon. Na makita kong muli ang asawa ko sa enchanted restaurant. Hindi ko alam kong ya-yakapin ko ba siya o iku-kulong sa mga bisig ko. Pero ng sinabi niya, na girl friend siya ng isang sikat na modelong iyon. Ay parang binuhusan ako ng kumukulong tubig, bigla na lang uminit ang ulo ko. Sino ang nagsabi sa kaniya na puwede siya mag boy friend? matapos siyang nawala ng ilang taon tapos mata-tagpuan ko siya sa piling ng ibang lalaki? At ang galing pa niya ha? Allea pa ang pangalan niya kaylan pa kaya siya naging Allea? Kung inaakala niya na ok lang sa akin na boy friend niya ang model na iyon, puwes! nagka-kamali siya. Minsan talaga ang tadhana mapagbiro. matagal mo na siyang gusto makita at mayakap. Subalit nang makita mo na siy