Chapter 30 Allysa Pov After 4 months, Gumagawa ako ng garlands na yari sa bulaklak, iyon na ang gawain ko simula ng dumating kami sa lugar na iyon ni mama Lou. Dene-deliver iyon ni Alexander sa bayan, may binabagsakan naman kami doon. Pero 'yon nga lang si alexander lang ang pwede, pumunta sa bayan, dahil hindi kami puwede maglantad sa maraming tao at baka may makakilala sa amin. Malay ko ba at baka lumabas kami sa television o sa dyaryo dahil tiyak wanted pa rin kaming tatlo. Kaya nga sa center na lang ako mananganak. 7 month's na ang tiyan ko. At gumagalaw na ang baby na nasa tiyan ko. Sina mama Lou naman at ate Des ay pumipitas ng mga bulaklak at ako ang taga gawa ng garlands. Tuwing papasok si Alexander sa school ay dinadaanan niya ang mga gawa kung garland. At pag pauwi na ri