Chapter 19 Allysa Pov Malakas na katok ang nagpagising sa akin, halos masira na ang pintuan sa subrang lakas ng kalabog nito. "ALLYSA!! BUKSAN MO ANG PINTO!" sigaw ni Gabriel Kinabahan ako sa tuno ng boses niya. Hindi ako kumilos sa kama bumilis ang kaba na nararamdaman ko. Segurado alam na nito ang ginawa ko sa mga sasakyan niya. Malakas pa na kalabog ang narinig ko sa pintuan. " HAYOP KANG BABAE KA! BUKSAN MO ITONG PINTO! KONG HINDI SISIRAIN KO ITO AT MAKIKITA MO ANG HINAHANAP MO!" malakas nitong sigaw. Lalo akong kinabahan ng marinig ko na pilit nito sinisira ang door knob. Kaya nataranta ako at tumayo sa kama nag- iisip ako kung saan ako magtatago at baka nga mapatay ako nito. Bumaba ako sa kama para maghanap ng matataguan sa aparador kaya? Kaya lang baka ma-sufocate ako. Per