Chater 13 Allysa Pov Nagising ako na may humaplos sa buhok ko. Minulat ko ang nama-magang mata ko dahil sa pag - iyak. Iniisip ko na sana panaginip na lang ang pagkawala ni mommy. Hindi man lang ako hinintay nito na maka hingi ng sorry sa pagsagot- sagot ko sa kanila ni daddy. Nakita ko si Gabriel sa tabi ko at hinahaplos ang buhok ko. "Gabriel?'' Tawag ko sa mahinang boses. " Hon, bumangon kana para makakain. Kanina hindi pa tayo nakapangtanghalian. " wika pa nito. " nasaan si daddy?'' tanong ko. "nasa dining area na Hon, hinihintay na tayo para sabay tayong kumain." mahinahon nitong sagot. Bumangon ako at nagtungo sa banyo ko sa loob ng kuwarto ko. At naghilamos at nag-toothbrush Pagkatapos ay nagtungo na kami ni Gabriel sa dining area. Naabutan kong nakaupo si daddy s