Book 3 Episode 5

1995 Words
Chapter 5 Allysa Habang nakatayo ako ay tumunog ulit ang cellphone ko. May text message ito galing kay Gabriel. Monster: Kung hindi mo sasagutin ang tawag ko, makikita mong hahandusay sa damuhan 'yang boyfriend mo! Bigla naman akong kinabahan sa nabasa ko at nagpalinga-linga ako sa paligid. Paano niya nalaman na magkasama kami ni Dexter? Tumingin naman ako kay Dexter at nakita ko na may maliit na pula sa forehead nito, lalo naman akong kinabahan. Muli na namang tumunog ang cellphone ko. "Babe, saglit lang ha? Sasagutin ko lang ito," hilaw na ngiti ang iginawad ko kay Dexter at tumango naman ito. Saka lumayo ako sa kaniya para 'di niya marinig ang usapan namin ng ugok kong asawa. Sinagot ko ang tawag niya. "Bwisit ka! Tanggalin mo ang sniper sa ulo ni Dexter!'' galit kong bulyaw sa asawa ko sa kabilang linya. "Relax honey, hindi ko naman siya papatayin eh, kung marunong ka lang sumunod sa akin," anito sa kabilang linya pagkatapos niyang magpalatak. "Ano ba ang gusto mo? 'Di ba hinayaan na kita sa babae mo? Tapos ngayon sisirain mo ang araw ko? 'Asan kaba?'' galit kong tanong. "Ang sakit sa tainga ng boses mo, Honey. Umuwi ka na at baka may makakita pa sa inyo riyan ng boyfriend mo at madiyaryo pa ako ng wala sa oras, na ang misis ko ay nakikipag-date sa iba!'' madiin pa nitong wika. "Bwisit ka Gabriel? Bakit hindi mo na lang pagtuunan ang babae mo?'' inis kong sigaw sa kaniya. "Uuwi ka ba o gusto mong makita kung paano humandusay ang lalaking 'yan, ha?'' galit na nitong sigaw sa akin. Lalong nagpupuyos sa galit ang puso ko sa sinabi niya. "Bibilang ako ng 3 minuto. Sumakay ka sa itim na kotse na paparada sa tapat ng park. Kapag hindi ka dumating sa loob ng tatlong minuto, makikita mo kung paano mawalan ng hininga ang pinakamamahal mong lalaki, Allysa." Utos iyon na determinadong gagawin niya talaga ang kaniyang sinabi. "Oo na!'' taranta kong wika sa kaniya dahil alam kong hindi siya nagbibiro. "Timer starts now!'' wika pa nito. Dali-dali akong bumalik kay Dexter. Nakita ko na naroon pa rin ang maliit na pulang iyon sa noo niya. "Dexter, pasensiya na pero may emergency kasi sa bahay,'' pagmamadali ko pang sabi. "Uuwi kana? Ihatid na kita babe,'' ani Dexter. "Huwag na, Babe. Thank you sa lunch. Mag-usap na lang tayo sa susunod. Pasensiya na, Babe at emergency lang," wika ko pa. At dali-daling kinuha ko ang kumpol ng bulaklak na ibinigay niya sa akin at ang pouch ko at nagmamadali akong nagtungo sa harapan ng park. Mabuti at hindi naman sumunod sa akin si Dexter. Pagdating ko sa harap ng park ay sakto naman ang pagdating ng itim na sasakyan. Bumukas ang tinted window nito at iniluwa ang mukha ng asawa ko na galit. "Get inside the car!'' madiin pa niyang utos. Nataranta naman ako kaya agad akong sumakay sa likurang bahagi ng driver seat. "Huwag mo akong gawing driver mo! Kaya lumipat ka rito sa harapan!" bulyaw niya pang utos sa akin. Kaya padabog akong lumabas at sinipa ko pa ang pinto saka lumipat sa harapan sa tabi niya. "Ano ba ang problema mo ha?'' galit kong bulyaw sa kaniya. "Mag seat belt ka! At itapon mo 'yang bulaklak na hawak mo. Kung hindi ipapalunok ko 'yan sayo!" singhal pa nito sa akin. Hindi ko tinapon ang bulaklak na hawak ko. Ano siya, hello? Kaagad naman akong nag-seat belt. "Ang kapal naman ng mukha mong patutukan ng sniper si Dexter. Napakawalang modo mo!" inis kong bulyaw sa kaniya nang ini-start niya na ang sasakyan. "Shut-up! Kung ayaw mong ibunggo ko 'tong kotse. Nang sa gano'n tumigil na 'yang bunganga mo. Loquacious woman!" anito. Lalo umusok sa galit ang ilong ko sa sinabi niya. "How dare you! Pinakikialaman ba kita ng ipamukha mo sa akin na mas mahalaga sa'yo ang babae ng pinsan ko? Nakakadiri ka!" mariin kong sabi. Lalo naman nitong binilisan ang pagpatakbo ng sasakyan. Nang iliko niya ito ay bigla pa akong napatili at napahawak sa seat belt ko. "Ano ka ba? Gusto mo ba magpakamatay? Solohin mo! At 'wag mo akong idadamay," sigaw ko sa kaniya. Hindi na ito umimik pa. Kaya minabuti ko na lang manahimik din. Isang oras kaming nagbiyahe na walang imikan. Hindi ko alam kong saan niya ako dadalhin. Dahil hindi naman familiar sa akin ang mga lugar na dinaanan namin. Maya-maya pa ay huminto kami sa isang bahay na simple lang ang pagkayari at sa tabi pa ito ng ilog. "Anong lugar 'to ha?'' tanong ko. Pero hindi niya ako sinagot. Kundi bumaba lang siya at dumiretso sa harapan ng maliit na bahay. Bumaba na rin ako at sumunod sa kaniya. Nagpalinga-linga ako pero parang wala naman kaming kapitbahay. "Sa'ng lugar tayo, Gabriel? Bakit dito mo ako dinala?" pangamba kong tanong sa likuran niya. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan. "Narito tayo sa impyerno! Happy?'' wika niya na madilim ang pagkakatitig sa akin. At may halong galit na parang nagpipigil na katayin ako. "Gabriel, ano ba? Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ko. Binitiwan naman nito ang braso ko. "Dito ka na titira sa bahay na ito. At gagawin mo ang obligasyon mo bilang asawa ko," mariin nitong sabi sa akin. "Obligasyon? 'Di ba napag-usapan na natin 'to? Na walang pakialaman. Ilang araw at gabi kayong magkasama ng babae mong 'yon, tapos susulpot ka na lang sa date namin ng boyfriend ko? At ang lakas pa ng loob mong tutukan siya ng sniper?'' bulyaw ko pa sa kaniya. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "Ikaw lang ang sumang-ayon sa desisyon mong 'yon. Saka wala tayong agreement na nilagdaan. Kaya itigil mo 'yang kahibangan mo sa lalaking iyon. Kung ayaw mong tuluyan na siyang mawala sa landas mo!'' banta pa niya sa akin. Kaya lalo akong nainis sa kaniya. "At bakit ikaw? Okay lang sa iyo na makipaglandian sa malanding babaeng 'yon?" Bigla nitong hinablot ang braso ko at mariing pinisil. Napangiwi naman ako sa sakit. "Huwag kang magsalita ng masama laban sa kaniya. Dahil wala ka pa sa kalingkingan niya. Pasalamat ka at walang nangyaring masama sa pinagbubuntis niya dahil sa kagagawan mo. Dahil kung mayro'n baka pareho ko kayong pagbuhul-buholin ng pinsan mo. At isama ko na rin 'yang pinagmamalaki mong boyfriend!" wika nito sa akin saka binitiwan na rin agad ang braso ko. Pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo nang marinig kong buntis si Sheina. "Ang baboy mo! Binuntis mo pa talaga ang babae ng pinsan ko. Tapos ikaw pa ang may ganang magbanta sa akin ngayon. Walang hiya ka!'' sabay hampas ng mga kamay ko sa dibdib niya. Hindi man lang siya umilag. Sinasalo niya ang bawat suntok ko sa dibdib niya. Napa-iyak ako sa galit hanggang sa tumulo na ang mga luha ko sa inis. Hanggang sa napagod na ako sa kakasuntok ng dibdib niya at napasandal ang ulo ko sa malapad niyang dibdib. "Bakit sa dinami-rami ng mga babae bakit ang mahal pa ng pinsan ko, Gabriel? Bakit siya pa? Alam mo ba kong gaano kamahal ni Liam ang babaeng binuntis mo? Bakit sinira mo ang buhay nila? Bakit?" sumbat sa kaniya habang patuloy pa rin ang aking pag-iyak. "Kung wala kang alam sa mga nangyayari mabuti pa ay manahimik ka na lang, Allysa! Sayang lang ang luha mo. Hubarin mo 'yang suot-suot mong singsing na binigay sa' yo ng lalaking iyon at ibalik mo sa daliri mo ang wedding ring natin at engagement ring mo,'' utos niya sa akin. "Eh, kung ayaw kong tanggalin 'to may magagawa ka ba?" "Okay! Fine. Madali lang naman ako kausap, eh. Kung hindi mo ibabalik sa daliri mo ang wedding ring natin sisiguraduhin ko sa'yo na hindi mo rin masusuot ang singsing na 'yan na ibinigay sayo ng lalaking 'yon," galit nitong banta sa akin at hinila ang kamay ko ng mahigpit patungong kusina. Kumuha siya ng matalas na kutsilyo. At ipinatong ang kamay ko sa mesa kung saan nakalagay ang singsing na ibinigay ni Dexter sa akin. "Anong gagawin mo ha? Bitawan mo ako!'' pagpupumiglas ko pang sabi. Ngunit ang lakas niya at wala ring silbi ang pagpumiglas ko sa kaniya. "Mamili ka, huhubarin mo ba ang singsing na 'yan at ibalik mo ang wedding ring natin o parehong hindi mo mapapakinabangan ang mga daliri mong 'yan?'' anito na mukhang handang putulin ang mga daliri ko. Nataranta ako kaya pumayag na rin ako sa gusto niya. "Oo na! Tatanggalin ko na. Bitawan mo na ang kamay ko.'' Saka niya binitawan ang mga kamay ko. "Bilisan mo!'' bulyaw pa nito sa akin. "Pero nasa mansiyon ang wedding ring ko," saad ko. May kinuha naman ito sa bulsa niya. "Ayan, isuot mo," sabay hagis ng dalawang singsing sa mesa. Ang wedding ring at engagement ring ko. Dali-dali ko namang dinampot ang mga iyon. Tinanggal ko sa aking daliri ang singsing na ibigay sa akin ni Dexter at isinuot ang dalawang singsing. Inagaw naman niya sa akin ang singsing na bigay ni Dexter. "Akin na yan!" ani Gabriel. "Ano ba? Akin na nga iyan!'' sabay agaw ko ng singsing sa kaniya. Pero agad naman niya itong itinaas kaya 'di ko na abot. Dahil sa tangkad nito kailangan ko pang tumalon-talon para makuha iyon. Hanggang balikat niya lang kasi ako. " Tumigil ka! Mapapagod ka lang. Ihanda mo ang sarili mo dahil may mahalagang bisita tayo mamayang gabi," anito sabay tumalikod sa akin. Hiningal naman ako sa ginawa kong pagtalon-talon. "Hayop ka!'' sigaw ko sabay bato sa kaniya ng flower vase na nasa tagiliran ko. Natamaan ko siya sa balikat. Huminto ito sa paglalakad. Kinabahan ako dahil nabasag ang flower vase ng bumagsak ito sa sahig. Dahan-dahan itong lumingon sa akin. At galit na mukha niya ang nakita ko. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko sa kaba. Walang ano man ay naglakad ito patungo sa akin. Umatras naman ako. Pero ang bilis niya at agad akong binuhat at isinaklay sa balikat niya. "Gabriel, ano ba? Ibaba mo ako," sigaw kong wika sa kaniya. Pero para itong bingi at ipinasok ako sa isang silid na naroon sa loob ng bahay. Dalawa lang ang kuwarto sa bahay na iyon. Pagbukas niya ng pinto ay pabalibag niyang sinipa ng malakas ang pintuan para magsara. Saka niya ako pabalibag na itinapon sa malambot na kama. Tumalbog pa ang katawan ko sa kama. "Inuubos mo ang pasensiya kong babae ka!'' galit nitong bulyaw sa akin. Bumangon naman ako ng mabilis. Kita ko sa mga mata niya ang galit na kanina pa niya pinipigilan. "Anong gagawin mo sa akin ha?" bulas ko na may halong pangamba. "Don't be afraid honey at papaligayahin lang naman kita. And i will make sure na mas gagalingan ko pa kaysa sa boyfriend mong talunan," wika pa nito na nakangisi ng nakakaloko. "Anong ibig mong sabihin ha?'' tanong ko ng hindi ko maunawaan ang ibig niyang sabihin. Agad naman ako nitong itinulak sa kama, kaya patihaya ako na bumagsak sa kama. Lalo akong kinabahan ng maghubad ito sa harapan ko ng pang itaas na suot. Kaya napalunok na lang ako ng makita ko ang malapad nitong dibdib na may kaunting balahibo pa sa gitna at ang abs nitong nagpuputukan na parang mga pandesal. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nakahubad ng pang itaas sa harapan ko sa gano'ng sitwasyon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Lalong kumabog ang dibdib ko na parang mga tambol na nagtatambulan. At habang tinititigan ko siya, ngayon ko lang na-realize na napaka-guwapo pala niya. At ang mga matapang niyang mata at makapal nitong kilay at malagong pilik-mata na bumagay sa mukha niya. Ang matangos nitong ilong. At ang mapupula nitong labi na siya lalong nagpapogi sa mukha niya. Hindi ko alam pero biglang umiba ang t***k ng puso ko at nagpapakiliti sa tiyan ko. Bigla itong dumagan sa akin. "Gabriel!'' gulat kong sambit. Hinawakan nito ang magkabila kong kamay at nilagay sa uluhan ko. Saka walang sawa niyang hinalikan ang mga labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD