Chapter 22 Gabriel Pov Isang araw akong hindi pumasok sa opisina dahil may pinuntahan kami ni Liam. Pumunta kami sa San Agustin, tiningnan namin ang location roon na plano naming ipatayong hotel at real estate ni Liam at Lance. Dahil nagkasundo kami na magka-partner sa bagong negosyo na binabalak namin ipatayo. Kaya binisita namin ang San Agustin dahil may malawak roong lupai, na siyang puwede naming patayuan ng mga condominium at saka hotel. After mamatay ang girl friend ni Lance ay wala itong ginawa kundi ang maglasing. Tinulungan na lang ito ni Liam na umayos ang buhay niya at tanggapin ang lahat. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Lance, dahil ang totoo ay ganiyan rin ako nang akalain kong namatay ang asawa ko. But speaking of my asawa, i miss her so much. Isang araw ko pa