Chapter 17 Allysa Pov "aaaaaahh! Ang sakit ng ulo ko." nakapikit ako at sinapo ang ulo ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. Sinikap kong imulat ang mga mata ko. Pero nanibago ako sa silid na kinalalagyan ko. Kinapa ko ang cellphone ko at tiningnan. "shitt! Pasado alas otso na ng gabi. Tiningnan ko ang sarali ko. May nakatakip namag comforter sa katawan ko. Sinilip ko ang loob nakaroba pa rin ako. Bumalikwas ako ng bangon kahit na ang bigat ng pakiramdam ko. Lumabas ako ng silid naalala ko na umuwi pala ako sa unit na tinutuluyan namin ni Claris rito sa Holand at nalasing ako. 'Yon lang ang naalala ko. At hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari. Nagtungo ako sa kusina dahil may naamoy akong masarap na ulam. Parang nilagang baka. Naabutan ko naman si Claris na abala sa pagluluto.