Book 4 Episode 1

2262 Words
Chapter 1 Gabriel ''Kuya, ano ba ang pinagkakaguluhan ng magpipinsan na yan? '' tanong ni Shiena na ang tinutukoy ay ang dalawang kambal at ang anak kong si Gabby. Nandito kami sa Isla Del Monte nakapagpatayo kami ng beach house rito at nagustohan naman ng mga anak namin ang lugar dito. Summer ngayon at bakasyon kaya walang pasok. Napag-isipan namin nila Liam at Sheina na magbakasyon dito sa Isla Del Montte. ''Eh ano pa nga ba? Saan ba nagkakasundo ang tatlong 'yan, 'di ba sa mga damit na mga collection nila?'' sagot ko sa aking kapatid. ''Gastos na naman 'yan,'' reklamo ng kapatid ko. ''Hayaan mo na at kasiyahan ng mga bata 'yan, eh!'' sagot ko. ''Masyado mo kasi silang ini-spoiled, kaya ayan kapag nag-request ang dalawang kambal bahala ka. Alam mo naman kung ano ang gusto ni Gabby gusto rin nila,'' reklamo ni Sheina. ''Hayaan mo na at ako na ang bahala sa mga 'yan,'' sabay lapit ko sa tatlong mga bata. ''Guys, ano nanaman ang pinagkakagulohan ninyo riyan sa internet, ha?' '' tanong ko kina Gabby, Liana, at Lia Shien. ''Daddy, may bagong labas na design si Miss Areana. Kaya, gusto naming bumili online,'' malambing na sabi ni Gabby. ''Parang kararating lang ng dress na in-order mo, ah! Tapos ngayon bibili ka na naman ng bago?" tanon ko sa kaniya at ginulo ang kaniyang buhok. ''Eh, Tito, inaabangan kasi namin palagi ang mga design ni Miss Areana, ang gaganda po kasi,'' sabat ni Liana. ''Kaya, nga po Tito. Napakaganda po kasi ng mga disenyo niya,'' sang-ayon naman ni Lia Shien. ''Okay, don't worry guys dahil ang mga design ni Arena-'' naputol ang sasabihin ko nang magsalita silang tatlo. "Areana po!" sabay pa nilang sigaw at nagtawanan pa. ''Arena or Areana man 'yan basta! Magkakaroon na sa FGM Mall ng mga design niya dito sa Holand. Kaya, ang brand ng mga damit na e-display sa FGM ay Areana DV. Iyon ang magiging signature niya sa lahat ng mall natin," pahayag ko sa kanilang tatlo. "Talaga, Dad, Yehey! Mangungulekta talaga ako ng mga damit ni Areana. Ta's, Daddy, gusto ko magpagawa ng design sa kaniya kapag sumapit na ang ika-siyam na birthday ko. Apat na buwan na lang magbi-birthday na ako,'' mahabang sabi ni Gabby. ''Tito, kami din!'' tugon naman ng kambal. ''Okay, walang problema sa sunod na linggo darating na ang mga stocks ng mga design ni Areana. Kaya relax lang guys,'' wika ko sa kaniya tatlo. ''Yehey!'' tuwang-tuwa na sabi ng tatlo. ''Ayan, tuwang-tuwa na naman kayo. Bakit ba nahuhumaling kayo sa design ng mga damit ni Areana na 'yan? Marami naman na magagandang design dito sa Holand," reklamo ng kapatid ko. "Eh, kasi, Tita, ang ganda po ng design niya sa mga dress, gown, at kahit mapa-t-shirt," sagot naman ni Gabby. "Patingin nga niyan?" utos ni Shiena sabay upo sa tabi ni Gabby upang tingnan ang tablet nito. Ini-scroll niya ang mga damit na nasa online at nakita ko sa mga mata ng kapatid ko ang paghanga. "Wo! Ang ganda nga ng mga design niya!" buong paghangang sabi ni Shiena. "Oh, my God! I like this dress. Naku! Bagay na bagay ito sa'kin!" Napalaki ang mga mata nito nang makita niya ang gusto niyang damit. Napapailing na lang ako sa kanilang apat habang pinapanuod ko sila. "See, Mommy. Kakaiba ang mga design niya, di ba?" saad ni Liana sa kaniyang ina. "Oh, my gosh! Gusto ko 'yong mga pang-adults design niya; gusto ko um-order nito, saka ito, saka ito, ito, ito pa! My gosh simple lang pero napakaganda," excited na sabi ni Shiena. "Hm! Akala ko ba ang magpipinsan lang ang naghuhumaling diyan sa mga damit. Pati ba naman ikaw?" taas noo kong sabi sa kapatid ko. Ang mga bata ay natatawa na lang sa kapatid ko. "Eh kasi ang ganda nga naman, Kuya. Siguradong papatok 'yan dito sa Holand," natutuwang saad ng kkapatid ko. "Yeh! Kaya, nga kinuha namin ang mga design niya at exclusive lang iyon sa lahat ng Branch ng FGM Mall," sabi ko. "Ano kaya kung samahan mo na rin ng mga jewelries ang mga damit na design niya?" suhestiyon nito. "Actually, naisip ko na iyan. Kapag okay na ang lahat ay sasabihin ko sa mga board member na pagagawan ko ng clothing line ang Allysa Queen Jewelries. What do you think?" "Pwede rin, Kuya. Saka ipa-preserve mo ang isang set ng alahas na ginawa mo para kay Allysa. Sayang nga lang, noh? Hindi man lang naisuot ni Allysa ang pina-design mong alahas para sa kaniya," malungkot na sabi ni Shiena sa akin. Nagbugtong hininga ako ng malalim nang maisip ko ang isang set ng alahas na pinagaw ko para sa yumao kong asawa. "Ipapamana ko na lang iyon kay Gabby.'' "Siguro kung nabubuhay lang si Allysa matutuwa iyon. Oo nga pala pag-uwi namin sa Hland dadalaw kami ni Liam sa puntod niya," saad ni Sheina sa akin. "Salamat, sige na mamili na lang kayo riyan . Puntahan ko lang sina Fabien at Finn sa dalampasigan," paalam ko at lumabas na ako para tingnan ang aking anak at pamangkin. Kasama ng mga ito si Liam at Yaya Des. Paglabas ko ay natatanaw ko na sila sa gilid ng dagat habang si Liam ay hawak- hawak niya ang dalawang bata si Axel at si Finn. Si Fabien naman ay naglalaro ng buhangin sa gilid ng dagat. Si Yaya Des naman at ang yaya ni Axel ay nag-iihaw ng isda at baboy. Ang ganda ng lugar na ito dahil tahimik at masarap ang simoy ng hangin. Umupo ako sa malaking bato at nakatingin lang sa kanila. Naalala ko na naman si Allysa, kung buhay sana ito e 'di sana kasama siya namin ngayon. Marami akong sinayang na panahon sa aming dalawa. Hindi ko man lang siya nadala rito no'ng ikinasal ang kapatid ko. Iniwan ko siya at ikinulong sa Saint Monic sa maliit kong bahay roon. Limang buwan ko siyang ikinulong hindi ko man lang siya nagawang ipakilala kay Lola. Nagkita nga sila pero hindi naman maganda ang nangyari. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya na okay na kami ng Daddy niya. Hindi ko man lang naibigay ang isang set ng alahas na pinagawa ko para sa kaniya at hindi ko man lang nasabi sa kaniya na noong una pa lang naming pagkikita ay minahal ko na siya. Hindi man lang ako nakapaghingi ng patawad sa kaniya, hindi ko man lang nasabi na kung gaano ko siya kamahal. Malaking paghihinayang ko at ang pinakamasakit ng parte ng buhay ko ay hindi ko man lang siya nadamayan noong mga panahon na may sakit siya. Ang huli naming pagkikita ay hindi pa maganda. Nasabihan ko pa siya ng mga masasakit na salita. Ang laki ng pagsisisi ko sa ginawa ko kay Allysa. Kung inalagaan ko lang sana siya ng mabuti at iningatan ay hindi sana siya mawawala sa amin ng mga anak namin. Ipinangako ko sa sarili ko na wala na akong ibang mamahalin kundi si Allysa lang. Ibuhos ko na lang ang panahon ko sa mga anak namin. Sobrang sakit sa dibdib dahil marami pa sana akong gustong sabihin at gawin sa kaniya ng mabubuti pero wala na siya sa tabi ko. Paulit-ulit ko sinisisi ang sarili ko dahil sa nangyari sa asawa ko pero hindi ko na maibabalik pa ang panahon. "Ang lalim yata ng iniisip mo, Gabriel?" Nagulat ako ng bahagya nang magsalita sa likuran ko si tTita Luciana; ang kakambal ng ama ni Shiena. "Tita, nakakagulat naman po kayo. Saan ka po ba galing?" tanong ko na nakangiti. "E 'di doon sa bahay." Yung dating bahay ni Shiena ay naka-renovate na ito pero hindi naman binago ang design sa loob. At ang beach house na pinagawa namin ni Shiena ay malapit lang sa dalampasigan at lima ang kwarto roon. Kaya,0 kapag nagbabakasyon kami rito ay sa iisang bubong na lang kami. "Kumusta na pala si Clara? Nahanap niyo na po ba siya?" tanong ko. "Hindi nga, eh! Ewan ko ba? Nag-alala nga ako sa batang iyon. Ikaw kumusta na? Iniisip mo pa rin ba ang pagkawala ng asawa mo?" tanong ni Tita Luceana. "Hindi naman siya naalis sa isip ko Tita, eh. Lalo na sa puso ko," malungkot kong wika sa matanda. "Gano'n talaga, Gabriel. Minsan kapag mahal natin ang isang tao hindi ito basta-bastang mawala sa isip at puso natin. Pero sana pakawalan mo na sa puso mo si Allysa at magsimula ka ng panibagong pag-ibig," payo nito sa akin. "Kung magmahal man ako muli, Tita, gusto ko kay Allysa pa rin. Pero sa kabilang buhay na lang namin ipagpatuloy ang pagmamahalan namin.'' Pilit akong ngumiti sa kaniya dahil nasasaktan pa rin ako kapag naiisip ko ang aking asawa. Tinapik naman nito ang balikat ko."Ang pag-ibig ay napakahiwaga. Malay mo isang araw ay bigla na lang darating ang babaeng muling magpapatibok ng puso mo. Ikaw din? Hindi mo mahihindian iyon kapag tadhana na ang nakialam," aniya sabay hakbang nito at nagtungo sa kinaroroonan nila Yaya Des. Natawa na lang ako at napapailing sa sinabi niya. Pero ang isip ko at ang puso kong ito ay para lang kay Misis Moore. The Queen of my Heart. Kasalukuyan kaming nagba-byahe ngayon pabalik sa Holand. Dalawang lingggo kaming nanatili sa Isla Del Monte. Masaya naman ang bakasyon namin ay nag-enjoy naman ang mga bata. Bumalik kami sa Holand dahil marami pa akong aasikasuhing mga importanting bagay lalo na sa opisina at ganoon din si Liam. Busy rin ito sa mga business niya. Alas-otso na kami ng gabi dumating sa Holand dahil mahaba ang byahe. Pagdating naming mag-ama sa mansyon ay pinakain ko muna si Gabby bago ko ito pinatulog sa kwarto niya. Si baby Finn naman ay katabi ko matulog sa aking silid. Kahit na anong pagod ko ay gusto ko palaging nasa tabi ko ang bunso namin ni Allysa. Si Gabby naman paminsan-minsan na lang tumabi sa akin dahil dalaga na raw siya. Minsan nakikita ko na katabi pa rin niya ang manika na bigay sa kaniya ng kaniyang ina. Iniisip niya na nariyan lang ang Mommy niya at alam ko na nami-miss na niya si Allysa. Pinatimplahan ko muna ng gatas si Finn kay Yaya Des at pinadede ko ito na nakahiga sa kama. Si Manang Meding naman ay abala sa paglilinis ng kusina. Nang makatulog na ang bunso namin ni Allysa ay nag-shower muna ako at muling tumabi sa anak ko na mahimbing ng natutulog. Kinabukasan ay maaga naman akong nagising para magtungo sa office. Ibinilin ko muna ang maga bata kay Yaya Des at Manang Meding. Tulog pa ang mga ito nang umalis ako. Pagdating sa office ay nag-aabang na sa akin ang mga papeles na dapat kong pirmahan. "Sir, parating na po ang mga stock ng mga damit na design ni Miss Areana De Villa, sabi po ng management sa Newyork ay sabihin na lang daw po ninyo kung may mga dapat ayusin," pahayag ni Miss Belmonte; ang secretary ko. "Okay, coffee please," utos ko sa kaniya. "Okay, Sir. Wait for 5 minutes," sabay ngiti nito sa akin saka nagtungo na ito sa pantry. Inisa-isa ko ang mga papeles na pirmahan ko. Maya-maya pa naisipan kong buksan ang drawer ng mesa ko at may nakita akong folder roon. Kinuha ko iyon at tiningnan. AREANA DV CONTRACT 'Yon ang nakasulat sa papel maya-maya pa ay pumasok na ulit ang secretary ko at inilapag ang kape sa aking lamesa. "Mabuti na lang Sir at nakita ninyo ang folder na 'yan. Ibinigay iyan kahapon ni Mr Baltazar; ang personal assistant po ninyo. Sabi niya ibigay ko raw po sa inyo dahil galing po iyan sa New York," sabi ng secretary ko. "Okay, mabuti at na close na ang deal, kaya kapag dumating ang mga stock ni Miss Areana, bilangin ninyo kung ilang design ang ginawa niya at tingnan natin kung papatok sa mga tao ang mga design niya," bilin ko sa aking secretary. "Yes po, Sir." "Binasa ko ang kontratang hawak ko. Mabuti at pumayag si Miss Areana na sa sampong taon siya makipag-deal ng kontrata sa atin," saad ko sa aking secrtary at kinuha ang tasa ng kape at ininom ang laman nito. "Choosy pa ba siya, Sir? Eh, ang laki kaya ng kikitain niya sa inyo saka isa pa designer na po talaga siya sa branch natin sa New York noong nagbukas tayo ng Queen Botiques sa FGM Mall last year,'' turan nito. "Siguro batikan na ito sa pagde-design,'' sagot ko. "Actually, sumikat lang siya 2 years ago pa lang yata, Sir. Saka nanalo ang unang design niyang ginawa no'ng nagkaroon ng contest sa fashion show ng mga damit sa Nevada, kaya siya sumikat sa New York," kwento pa ng secretary ko sa akin. "So, ibig sabihin na magaling talaga siya kaso ngayon lang siya sumikat," sabi ko habang napapatango. "Hindi naman siya kukunin ni Mr. Presedent kung hindi siya magaling Sir, hindi po ba?" tanong ni Miss Blmonte sabay kibot ng kaniyang labi at kumindat-kindat pa sa akin. Tiningnan siya ng matalim."Bumalik ka na nga sa pwesto mo!" sabay lapag ko ng kontrata ng pahagis sa aking lamesa. "Eh kasi, Sir, napakaseryoso niyo po, eh! " pahabol pa nitong sabi. "Alis, Pag hindi ka umalis magpasa ka na ng resignation paper mo." "Si Sir naman hindi mabiro.'' "Alis na nga sabi!" pagtataboy ko sa kaniya. "Ito na po, aalis na," aniya at paatras pa itong lumabas ng opisina ko. Napapailing na lang ako sa babaeng 'to. Kung mga baguhan lang ito sigurado ay hindi ito makakatagal. Kaya lang sanay na si Miss Belmonte sa ugali ko at kilala niya na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD