Chapter 55 Gabriel Pov Isang linggo at dalawang araw na na hindi nagpa-paramdam sa akin si Allysa. Kahit text o tawag ay wala ito. Kasalukuyan akong nasa mansyon noon. Bumaba ako sa kusina para sana kumuha ng tubig. Pero narininig ko na lang ang usapan ni Hanna at manang Meding. Nasa mansyon kasi si Hanna noon. Hindi nito kasama ang anak. Parang nagsusumbong ito kay manang tungkol kay Dexter. Hindi sana ako makinig pero may kung anong nag-udyok sa isip ko na makinig ng usapan ng mag-ina. "Bakit ba hindi n alang kayo magpakasal ni Dexter ha? Total nasa puder ka naman niya isa pa siya rin ang ama ng anak mo." wika ni manang. "Ma, paano ako pakasalan ng ama ng anak ko kung ganoong nariyan pa rin sa tabi niya ang babaeng minahal niya?" ani Hanna. "Sinong babae?" takang tanong ni Manang