Chapter 15: Sorry, Babe

1678 Words

Sierra Vivi Nagpahatid ako sa bahay at dumiretso sa aking silid. Ngayon ko lang napagtanto ang oras. Alas-nuebe na pala ng gabi. Hindi ko na nadatnan ang mga magulang ko. Sa mga oras na ito’y nagpapahinga na sila. Pumasok ako sa banyo at nag-shower, saka binabad ang aking sarili sa bathtub. Kusang nawala ang pagdurugo at sakit dahil sa pagkakababad ng aking katawan, pero alam kong panandalian lang ito. Ramdam ko rin naman, wala lang akong pakialam. Mas pinagtutuunan ko ng pansin ang puso kong parang nagkapira-piraso. Hindi pa man malinaw sa amin ang lahat. Hindi pa man kami nagsisimula ay sira na agad. Buong magdamag ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Kailangan kong iiyak nang buong magdamag ang nararamdaman ko, para bukas ay wala na ang sakit at babalik na ako ulit sa Vivi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD