Chapter 2: Five seconds steps

1405 Words
Vivi "Sierra, anak." "Sierra, nakikinig ka ba?" Naririnig ko naman ang sinasabi ni mommy. Pero wala sa kanya ang atensyon ko, kundi sa nangyari kagabi. "Yes My, I'm listening," sagot ko na lang while still dreaming. Bakit gano’n? Saglit lang naman na nagkadikit ang aming mga labi pero pakiramdam ko'y ‘yon pa lang ang first kiss ko. Nag-iwan kasi siya ng kakaibang kiliti sa aking katawan. "Sierra!" baritonong boses na tawag sa akin ni Daddy. "Yes, Dad?" muntik ko nang makalimutan na nandito lang pala siya. Ayaw na ayaw pa naman niyang hindi ako naka-focus pagdating sa pagkain. "I knew what you did last night, young lady." Oh my gosh, paano niya nalaman? Pinapasundan niya ba ako? "Dad, we're just having fun. It's Saturday night so–" “Don’t use your so-called having fun as an excuse, Sierra. Muntik ka ng mapahamak kagabi dahil sa pinaggagawa mo. Kilala mo ba ang binatang pinahiya mo sa bar?” Gosh, pati ba naman ‘yon nakarating sa kanya? “Who? That guy with… ugh! Nevermind Dad, hindi naman ako interesado sa kanya,” I stated the fact. “Diyos ko pong mahabagin, saan ba kami nagkulang ng pagpapalaki sa ‘yo anak?” sabat naman ni Mommy. Tumayo ako at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Sa lahat ng kalukuhan kong ginagawa ay palagi niya akong pinagtatakpan kay Dad. Pero hindi siya nagkukulang ng pagpapaalala sa akin. Of course I valued my parents. I love them. Wala naman ako ibang ginagawa, maliban sa pag-gimik at papalit-palit ng boyfriends. Pero hanggang halik lang ang kaya kong ibigay. I am still a virgin, at ibibigay ko lang ang sarili ko sa magiging asawa ko. “Sorry, My. I love you. Promise ko, last na talaga ang maniac na ‘yon. Hindi na ako mag—” “Talagang huli-huli na! Dahil simula sa araw na ‘to, you’re grounded,” dad said. “What?! No Dad, promise hindi na ako mag-bo-boyfriend. Please bawiin mo na ang desisyon mo,” I said beggingly. Tumayo si Dad at tinalikuran kami. Bago ko siya sundan ay tumingin muna ako kay Mommy para humingi ng tulong. Nagkipit-balikat lang siya kaya nagmamadali ko nang sinundan si Dad sa office niya. Kailangan niyang bawiin ang desisyon niya. Kung kailan ako umabot ng 23 years old ay saka naman niya ako hinigpitan ng ganito. I knock three times before I finally open the door. “Dad, can we talk?” “Wala na tayong pag-uusapan Sierra.” “But Dad, please—” “Kilala mo ba ang pamilya ng lalaking ‘yon?” he asked with a serious tone. “Who? I mean ‘yong lalaki sa bar kagabi? Kailangan ko ba siyang kilalanin para magbago po isip n’yo? Then I’ll do it—” “That young man wants to marry you, Sierra.” Para akong nabingi sa sinabi ni Dad sa akin. Seryoso ba siya? Bakit ako magpapakasal sa lalaking ‘yon? Kahit pangalan nga niya hindi ko maalala. “Is that a joke Dad?” “Sierra!” “Daddy, sorry po. Pero bakit niya ako gustong pakasalan? Hindi ko nga po siya kilala. Kagabi lang kami nagkita, I don’t even remembered his name and—” “He is the only son of my good friend back in College. Bago pa kayo nagkakilala sa bar ay nagkausap na kami. Gusto niyang hanapan ng mapapangasawa ang anak niya na gaya mo ay pasaway rin.” “So why me? Hindi ba dapat ang hanapin niya ay ‘yong matinong babae and… sorry po.” Nakalimutan ko na si Retired General Benjamin Magdayon pala ang daddy ko. “Daddy, you can use your powers, I mean po, marami kayong koneksyon hindi ba po? Ayaw kong magpakasal sa lalaking ‘yon,” seryoso kong pakiusap. This time, seryoso na ako.Hindi naman basta nagbibiro si Dad pagdating sa usaping ito. Lahat ng kalukuhan ko pinalampas niya. Alam naman niya sigurong wala akong ginagawa na lalagpas ng limitasyon ko. He inhaled deeply and closed his eyes. “Believe me anak, hindi ako pumayag. Hindi sana kami makikialam kong walang nangyaring masama kagabi.” “Pero Daddy, wala naman po akong ginawa. Manyak po siya at gusto ako dalhin sa kung saan. Kaya sinampal ko, pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko.” “I know, anak. Kaya lang mapilit daw ang anak niyang si Derrek. Pursidido siyang pakasalan ka unless…” “Unless what Dad?” Nagpakawala muna siya ng malakas na buntong-hininga at… “Titigil daw siya kung makita ka niyang nasa iisang boyfriend na lang. Ang ibig sabihin ay kung makita ka niyang seryoso na sa isang lalaki.” Sira-ulo pala ang Derrek na ‘yon. Matapos niya akong sabihan na syota ng bayan tapos may paganito pa siyang nalalaman. Akala siguro niya wala akong makikitang matinong lalaki. Pwes he’s wrong. “Gano’n ba?” Tumayo ako at humalik kay Dad. “In just one week Dad. Makikilala mo na ang lalaking sinasabi mo,” sabi ko lang at lalabas na sana nang may naalala ako. “May isa pa pala akong pakiusap Dad. Pwede po ba na h’wag n’yo na po ako pasundan sa mga tauhan n’yo. Please!” pakiusap ko pa. “Sure, basta ba in just one week. Ipakilala mo sa akin ang lalaking sinasabi mo.” “Deal! One week.” ‘Yan ang napag-usapan namin ni Dad kahapon. Pero may malaking problema akong haharapin. “Sis, bakit ka ba naman kasi nakipag-deal sa Daddy mo? As if naman wala ka pang hindi naging boyfriend sa mga ka-batch natin?” Ara said. Arrabelle or Ara for short. She's been my friend since first year college. Gaya ko she’s also a tourism student. Mahilig din siya gumimik gaya ko. Ang pagkakaiba lang namin ay stick to one lang siya. “Sobra ka naman. Meron namang hindi noh,” simangot ko pang sabi. “Yeah, si… sino nga ‘yon?” “Tolits!” panabay pa nilang sabi. “What? Tolits? As in ‘yong payatot na ‘yon? No way. Magpapakasal na lang ako sa manyak na Derrek na ‘yon.” Tinawanan lang ako ng dalawa. Akala nila nagbibiro ako sa problema ko ngayon. “Mga sis, seryoso ako. Tulungan n’yo naman ako.” “Sis, don’t get me wrong ah. What if pumayag ka na lang?” “Lorraine!” “Sorry sis, saan ka naman kasi hahanap ng lalaking seseryusuhin mo? I mean ‘yong magtatagal ng isang buwan?” tanong niya pa, Kilalang-kilala talaga nila ako. “She’s right. Knowing you hindi ka yata tumagal ng isang linggo sa isang lalaki, isang buwan pa kaya or more?” Ara said. “Pwera na lang kong may naisip ka na kung sino. Kaya malakas ang loob mo na—O, my G. Don’t tell me na meron na nga?” exaggerated na sabi naman ni Lorraine. “Sabi na nga, kaya malakas ang loob mo na hamunin si Tito,” sabi muli ni Ara. “Tama kayo, pero hindi ako sigurado kung papayag siya,” pag-amin ko sa kanila. Sabay pang nagtitili ang dalawa at sumayaw pa ang mga ito. Nasa basketball court kami ngayon. Pinapanood ang practice ng mga boy friends nila. “Don’t tell me ang tinutukoy mo ay ‘yong hot Manong Bouncer sa bar na hinalikan mo kagabi?” panabay muli nilang tanong. Tumango na lamang ako’t sinagot sila. “Yes, siya nga.” Kung bakit ba naman kasi ang sarap niyang humalik? Nababaliw na ako. Ang problema ko lang ay kung paano ko sasabihin sa kanya. “You’re dead, Vivi.” “No, I’m crazy over him. Hindi mawala sa isip ko ang halik niya.” “Then, gamitin mo ang five seconds steps to make his d**k hard,” panabay pa nilang sabi. Kilala ako bilang si 5-second girl. Sa loob ng limang segundo naakit ko na ang mga lalaki ng ganoon kabilis. Number one is by my looks. Two is to show them my smile. Three are my butt and boobs. Four is to show them my sexy dance moves and finally my sexy lips na kapag natikman na nila’y ayaw na akong pakawalan. Pero baliktad yata ang nangyari sa akin. Bakit mukhang sa akin tumama ang five seconds steps, at ang mas malala, hindi siya interesado sa akin. “Well, tama kayo. Kaya ikaw Manong… humanda ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD