Vivi Naging matiwasay naman ang tulog ko. Nang idilat ko ang mga mata’y tulog na tulog pa rin siya habang nakayap sa akin. Kaya’t dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa baywang ko. Nang makatayo ako’y kumuha na lamang ako ng damit at sa labas na lang maligo. Pinili ko ang mini skirt at tube top. Nagluto ako nang agahan namin. Plain rice at heavy meal na lang instead of breakfast. Saktong isang oras lumabas na rin siya na halatang bagong ligo na rin. “Good morning,” pagbati ko sa kanya saka lumapit at niyakap siya. “Mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon na nandito ka sa tabi ko,” sabi niya at niyakap din ako. Binigyan ng mabilisang halik sa labi. “Kain na tayo—” “Wait, gusto ko sana magpalit ng damit, basa kasi,” sabi niya at itinuro ang basang pantalon. Nag-isip n