Chapter 1
Pasimpleng ngumiti si Mike sa ibang mga bisita. Halos dalawang oras na siyang nakatayo sa isang sulok at tahimik na umiinom ng champagne, nakamasid sa maliligayang mukha ng kanyang nakababatang kapatid na si Matthew at ang may bahay nitong si Carly.
Binyag ng pangalawang anak ni Matthew na siya namang dinaos sa malapad na hardin ng mansyon ng mga Laxamana. Kung si Mike lang ang masusunod, hindi siya ganoon kasayang bumalik sa bahay ng kanyang ama. Simula pagkabata ay may lamat na ang relasyon niya sa kanilang pamilya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang at nag-asawang muli ang kanyang ama.
His father married the same woman he has been cheating on for years, which has made Mike's contempt grow deeper. To make matters worse, his father couldn't seem to shake off his old womanizing habits. He went on to get two other women pregnant after his second marriage. Apat silang magkakapatid at iba-iba ang nanay. Each of them had a wedged relationship with their father to a varying degree.
Pero isinantabi muna nila ang hidwaang magpamilya para sa kanyang pamangkin. Mike has always been close to his half brother's kids. Naniniwala siya na hindi na nadapat pang isali ang mga bata sa alitan nilang matatanda. Sa totoo nga ay spoiled na spoiled niya pa ang mga pamangkin.
Nagpresinta rin si Mike na siya na ang bahala sa venue kung sakaling gusto nilang idaos ang binyag sa Isla del Amor Country Club and Resort kung saan isa si Mike sa mga shareholders. Tinanggihan naman ito ng kanyang kapatid at giniit na mas gugustuhin nila ng maliit at simpleng selebrasyon lang. Mike doubted that they were only saying that because of pride and he knew that Matthew wouldn't be caught dead asking him for anything.
Nagpalakpakan naman ang mga bisita habang binubuksan ng cute na cute na si Baby Ashley ang isa sa mga regalo sa kanya. Kalong-kalong ito ng kanyang ina habang si Matthew naman ay malapad na nakangiti.
Mike felt a slight bitterness watching his younger brother's family. Trenta pa lang si Matthew pero dalawa na ang anak at tila masaya na sa sariling pamilya. Habang si Mike na trenta y syete na, heto at mag-isang umiinom sa sulok, puno ng inggit sa buhay ng kanyang kapatid. Mike knew years ago that dating and marriage were not for him. He took a chance once and it didn't end well. But from time to time, he catches himself daydreaming of having his own family one day. Having friends over to celebrate an occasion such as this. He wanted that happiness too, he just can't seem to find it anywhere.
Naputol naman ang pagmumuni-muni ng binata nang may babaeng biglang tumabi at nakipag-abrasete pa sa kanya.
"Surely you have other plans that just being a brooding blob in a corner, Kuya," tukso sa kanya ng bunsong kapatid na si Kayla.
His nineteen year old sister wore a simple pink wrap dress and had her short hair curled into soft waves.
"Well I also plan on getting drunk at this party, so who's stopping me?"
"Kuya naman. Dapat nag-eenjoy ka sa mga ganitong okasyon eh. Minsan ka na lang nga namin makita kasi parang ermitanyo ka doon sa isla, tapos ngayon halos 'di ka man lang makipag-usap kay Daddy. Nagtatampo 'yon sayo." She pouted.
"Hayaan mo siyang magtampo. Lahat tayo sa pamilyang 'to nagtatampo. That's like our thing," biro niya sa kapatid. "Anyway, how are you? Rinig ko nagkakamabutihan daw kayo ng anak ni Jaime Belmonte. At sinama mo pa talaga siya bilang date ngayon."
Kahit na paminsan-minsan lang sila nagkikita, hindi pa rin mawawala kay Mike ang maging protective sa bunsong kapatid nito.
"'Wag masyadong malisyoso, Kuya. Hindi ko siya date. Invited siya sa party. Sabay lang kaming pumunta kasi nasiraan ako ng sasakyan. Saka magkaibigan lang kami. Alam mo naman focus muna ako sa pag-aaral," paliwanag ni Kayla.
"Aba, dapat lang. And I don't like that Belmonte guy. He has a bit of a reputation at masyado ka pang bata. Baka mabugbog ko lang iyon kapag pinaiyak ka niya."
Pinalo naman ni Kayla ang braso ng kapatid at pasimpleng tumawa.
"Wala ka ngang dapat na ikabahala, Kuya. Good girl ako. Dapat nga ikaw ang kinukulit ko tungkol sa lovelife eh. Ba't 'di mo kasama girlfriend mo?"
Kumunot naman ang noo niya sa tanong nito."That would require me finding a girlfriend first. I'm just too busy at the moment. Wala pang time para sa mga ganyan."
Humalakhak naman ito sa sinabi niya. "What are you talking about? You're rich and you're single. You have all the time in the world. Ikaw lang 'tong masyadong pihikan. Baka nga balang araw tatlo na ang anak ni Kuya Matthew ikaw matandang binata pa rin."
"Is tha how you speak with to your favorite brother Mikhaella?"
Kayla looked ahead to see their other brother approaching them, clearly a little bit tipsy with a drink on his hand.
She threw Mike a concerned look. "Oooof, here's my least favorite brother. So, magpapakalayo-layo muna ako, Kuya Mike. Ashley's christening is supposed to be peaceful afterall."
Hindi naman nakaimik na si Mike nang talikuran siya ng dalaga. Rinig niya na may alitan ang dalawang pinakabata niyang kapatid. Apparently Marcus dated one of Kayla's close friends despite all her threats. Now that Marcus was done with his flavor of the month, he left Kayla's friend devastated and heart broken. Napailing na lang si Mike sa dalawa.
Bunch of kids. He said to himself.
"Sa'n papunta 'yon?" tanong ni Marcus kay Mike nang makalapit ito.
"I think you know she's avoiding you," malamig na sagot ni Mike.
"Come on! Kung ano naman ang namagitan sa amin ng kaibigan niya, labas na siya doon. Kayla just likes to stick her nose up someone else's business. Pinapalaki niya lang ang gulo." Preskong paliwanag ni Marcus.
Tila walang bilib naman na gumanti si Mike. "Yeah, right. It was entirely Kayla's fault."
Marcus just glared at his older brother, recognizing the sarcasm in his voice. They just stood there sipping on their drinks until Mike broke the silence.
"How are you? May trouble ka raw sa university niyo. What was it about?"
"It's nothing. You shouldn't be too concerned. Lilipat din naman ako ng school next sem."
"Lilipat? Na naman?" Bahagyang tumaas ang boses ni Mike sa sinabi ng kapatid. "Marc pang limang kurso mo na 'to. You're 24 and your just wasting your time and money shifting from one program to the other. Tapatin mo nga ako. Is everything all right with you?"
Alam niya na sa kanilang magkakapatid si Marcus ang walang interes sa pag-aaral. Hindi naman ito mahina sa academics pero simula pagkabata nito ay madali itong ma-distract at mawalan ng interes sa mga bagay-bagay. Ang tanging kinahihiligan ng kapatid ay sasakyan at naging open rin ito sa pangarap nitong maging international car racer. Pero duda pa rin si Mike kung talagang pangangatawanan na ba iyon ni Marcus o isa na naman ito sa mga distractions nito sa buhay.
"Everything's fine, Kuya. I told you before, I'm just figuring out what my path really is." Marcus seemed exasperated.
"Six years in college. Shouldn't you figured something out by now?" bale-walang sabi niya sa kapatid.
Tumalim ang tingin ni Marcus sa kanya bago nilagok ang laman ng baso nito. "Sorry to disappoint you, Kuya. Apparently not everyone can be a golden son like you!" he spat.
"Marc, hindi naman iyon ang ibig kong sabihin...." Hindi na siya pinatapos ng kapatid at naglakad na ito palayo. "Marcus, I'm still talking to you!" He called out but his brother didn't bother to look back.
Napabuntong-hininga naman si Mike. He just wanted to help his siblings. That was all he ever wanted for them. Alam niya hindi sila lumaking magkakasama pero bilang pinakamatanda, he assumed this position as their guardian and caretaker. Sadly, Marcus just didn't want to hear it from him.
The celebration carried on and Mike dread talking to his father. Hindi pa tapos ang kainan at siyahan ay nag-umpisa na siyang magpaalam sa may bahay ng kanyang kapatid.
~~~~
Hinipan ni Ariadna ang mainit na kape at maingat itong ininom. Sinigurado niya na hindi matatapunan ang bago niyang puting uniform. Ito ang unang araw ni Ari bilang part-time staff sa Isla Del Amor Resort. Dahil peak season at sa laki na rin ng lugar ay kailangan ng management magdagdag ng workforce.
Dati-rati ay pangarap lamang ni Ari ang makapunta sa Isla Del Amor. Bukod kasi sa sikat itong tourist destination sa Aurora, ay napakaengrande at mahal din ng lugar. Nakilala rin amg Resort bilang 'Luxury Getaway Destination' dahil kumpleto ito mula sa five star hotel,bar, restaurants, golf club, at ang exclusive yacht club na tanging mga piling myembro lang ang nakakapasok.
Dream job ni Ari ang maging regular sa resort pero dahil tatlong taon lamang siya sa kolehiyo at wala pang pinanghahawakan na diploma, ay masaya na siyang matanggap bilang part-timer. Magandang experience rin iyon at malaki ang pasahod sa Isla del Amor kumpara sa ibang mga pinapasukan niya. Plus, may magandang view pa siya araw-araw.
Unang araw niya at sa graveyard shift agad siya na-assign. Mabuti na lang at medyo payapa ang buong resort at hindi pa gaanong mabigat ang nga gawain niya, mga simpleng paglilinis lang at pagpapalit ng mga bedsheets at towels ang ginawa niya at higit sa lahat mas malaki ang maiuuwi niyang sahod kapag lagi siyang panggabi. Kasalukuyan naman siyang nagmimeryanda ng kape at biscuit sa breakroom nang pumasok ang supervisor nila.
Binati nama agad ito ni Ari.
"Oh, Ms. De Jesus buti nandito ka. Siya nga pala pagkatapos ng break mo, I need you to clean the Executive Suite number two. Iyong may ocean view. Maaga pa raw dadating bukas ang isa sa mga big boss eh. Ikaw na ang bahala ro'n ah. Malaki mag-tip si Mr. Laxamana medyo OC nga lang minsan," sabi ng supervisor niya habang pinagtimpla rin ang sarili ng kape.
"Opo, Ma'am Cara."
Nang maubos naman niya ang kape ay inayos ni Ariadna ang pagkakatali ng kanyang mahaba at alon-alon na buhok. Sinigurado rin niya na malinis at walang gusot ang uniform bago umakyat sa palapag ng mga Executive Suites, tulak-tulak ang kanyang housekeeping cart.
Sa elevator pa lang siya ay sinuot na ni Ari ang earphones at nilakasan ang volume ng music sa kanyang mumurahing cellphone na nabili niya lang ng second hand. Isa rin ito sa mga gusto ni Ari tuwing graveyard shift, malaya siyang magpamusic at sumayaw-sayaw habang nagtatrabaho. Napapagaan nito ang gawain tila napapabilis nito ang paglipas ng oras.
Matapos niyang tinutok ang staff keycard ay agad niyang binuksan ang ilaw ng kwarto. Bumulaga sa kanya ang malaki at engrandeng sitting room. Sa kabila naman noon ay ang solid double doors papunta sa mismong kwarto, at may isa ring pinto papunta sa CR na mas malaki pa sa inuupahan nilang apartment kasama ang ina at dalawang nakababatang kapatid.
The whole interior design was intricate and elegant, with floor-to-ceiling windows that look out to the sea currently covered by premium drapes. The room was also complete with an entertainment unit, a formal dining area, and a very spacious balcony. Isa sa mga pinakamahal na kwarto iyon ng resort at rinig ni Ariadna, eksklusibo lang daw iyon para sa iisang tao. Isa si Mr. Laxamana sa may pinakamalaking stocks sa resort at buong taon ay inuupahan niya ang executive suite na iyon kahit na may sarili itong mansyon sa kabilang dako ng isla.
Napailing na lang si Ari. Kung sana ay pinanganak din siyang mayaman. Patuloy naman amg kanyang pakanta-kanta habang naglilinis. Mabusisi niyang inayos ang bawat sulok. Nang binuksan niya ang double doors papasok sa aktwal na tulugan, binuksan niya ang ilaw at bale-walang nagpatuloy sa pag-aayos. Paborito niyang kanta ang naka-play kaya naman todo birit at kembot pa ang dalaga na animo'y nagko-concert.
Sa kalagitnaan noon ay bahagya niyang narinig na may tumikhim sa likod niya.
Halo na patalon naman si Ari nang lumingon at nakita ang isang hubad-barong lalaking kinukusot-kusot ang mata habang inip na napabangon sa kama.
"Ay, buntot ni Kulas malaki!" Gulat na bulalas ng dalaga.
The unknown man on the bed chuckled. Wala itong suot na pang itaas at nakatago naman ang pang-ibabang bahagi ng katawan nito sa ilalim ng makapal na duvet. Napaisip tuloy si Ari kung hubad rin ba ito sa ibaba, na siya namang dahilan para mamula ang nga pisnge niya.
"Did you hear me? I said please dim the lights. My head is still spinning so if you don't mind." Kalmado na sabi ng lalaki. Malalim ang boses nito at tila namamaos pa ng kaunti, halatang bagong gising.
Hindi maipagkakaila ng dalaga na gwapo at makisig ang hindi nakikilalang lalaki. Matangos ang ilong, medyo makapal ang kilay at may pagkamoreno ang kutis. Pero agad naman siyang nabahala kung bakit may tao sa suite na iyon.
"Si-sino ka? Paano ka nakapasok dito?" Sunod-sunod niyang tanong at tinaas ang feather duster na para bang isa itong sandata.
Agad namang napatawa ang lalaki at muling napahiga. "I'm Mikhail Laxamana, darling. And who might you be?"