"Let's just forget about it. Wala kayong activity ngayon sa school ninyo?" pag-iiba nito. "Wala!" Tumango ito. "Wala kayong practice ngayon sa volleyball?" "Wala." Tumango ulit ito at nag-focus nalang din sa panunuod sa tv. Ilang sandali ring naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. "Kainin nalang natin yung mga dala mo." anito ilang sandali at kinuha ang mga pancakes sa kitchenette. Bumalik ito na may dala nang dalawang platito ng mga pancakes. "Here. Let's eat." inabot nito sa kanya ang isang platito. "Ayokong kumain." malamig niyang sagot habang hindi pa rin ito tinitingnan. "Sav..." marahang saway nito. Hindi niya ito pinansin. She couldn't help but be angry because of what he just did. He just had s*x with a certain woman! Baka nga hindi lang isa kundi marami na ito