Chapter 1 Abruptness
MICAH POV
"Diyos ko Micah anak mabuti naman at nakauwe kana iha, Salubong sa kanya nang ninang niya na kapitbahay nila at matalik na kaibigan ng nanay niya si Ninang Julie
Kakauwe lang niya galing sa trabaho, mag aalasyete palang ng gabi noon at kababa lang niya ng tricycle naghatid sa kanya sa mismong tapat ng bahay nila
"Bakit po Ninang Julie may problema po ba?
ninang niya ito sa binyag napansin niya itong may bitbit na maliit na bag at parang nagmamadali
"Iha dinala namin ang nanay mo sa Hospital kaninang bago mag ala-sais ng gabi, naabutan ko kasing namimilipit sa sakit nang tiyan kanina tapos kalaunan bigla nalang nawalan nang malay kaya dinala namin ng Ninong Felix mo sa Hospital
"H-huhh b-bakit po ano po nangyari sa nanay ko natatarantang tanong habang umiiyak sa ninang niya, ganon talaga siya mababa ang luha niya, pagdating sa ganito sitwasyon
"Ayy halah mabuti pang sumama kana sakin tayo na at magtungo sa Hospital para malaman natin ang dahilan, umuwe lang ako sandali para kumuha nang ilang kung mga kagamitan at pagkain narin
Kasama ang aming kapitbahay at ninang niya. na si Ninang Julie, sumakay agad sila ng tricycle patungong Hospital kung saan naroon ang nanay niya,
Pag dating nila doon nasa isang public ward na ang nanay niya, lalo siyang napaiyak ng makita ang kalagayan ng ina, halata sa mukha nito na may dinaramdam talaga ito masakit sa katawan
Ilang saglit pa ang nakalipas lumapit ang isang Doctor pagkakita sa amin ng ninang ko Julie, "Sino po kamag-anak nang pasyente?
tanong nito.
"A-a-ako po Doc. anak po ako ng pasyente kumusta po ang nanay ko? pinunasan niya ang pisngi na walang tigil dinadaluyan ng masaganang luha
"Okay I'm Doctor Morales in charge of your mother miss your mother was in danger at this moment, Because of her appendix is going to burst she needs surgery within twenty-four hours, Kung hindi siya maoperahan agad sa loob ng bente-kwatro oras maaring iyon ang maging sanhi ng maaga niyang kamatayan, dahil pag pumutok na ang appendix niya pwede makalason iyon sa loob ng katawan niya.
Parang siyang biglang nanghina sa narinig na sinabi ng Doctor "Magkano po ba ang kakailangan para maoperahan na po agad ang nanay ko Doc?
"More or less than five hundred thousand pesos? but it would be better if you have more than the amount i said because your mother will need a lot of medicine to heal her operation, dagdag sabi nito sa kanya.
Panginoon Diyos saan ako kukuha nang gano'ng kalaking halagang pera? sabi niya sa isip, iyak siya ng iyak ng mga sandaling iyon, kailangan kung gumawa nang paraan dahil nasa panganib ang nanay ko, "Doc operahan niyo na po agad ang nanay ko parang awa niyo na po, magbabayad po ako pangako po
"Siya lang po ang meron ako Doc hindi ko po kakayanin kung mawawala ang nag iisang importanting tao sa buhay ko, walang tigil ang pagpatak nang mga luha niya habang nakikiusap siya sa Doctor, kung kinakailangan niyang lumuhod dito gagawin niya talaga.
"Okay don't worry kami ang bahala sa nanay mo miss, Pero pasinsya kana may protocol ang Hospital na ito, Kung gusto mong maoperahan agad ang nanay mo paki deposito nalang kahit kalahati muna sa treasurer office ang down p*****t na kailangan ng nanay mo, para maoperahan na agad namin siya pagkasabi sa kanya niyon tinapik ang balikat niya "I'm so sorry miss ilang sandali pa tinalikuran na siya nito
Nanlulumo siyang napaupo at napaisip kung saan siya makakahanap nang ganon kalaking halaga na kakailanganin ng nanay niya,
May trabaho naman siya kaso hindi sasapat ang sahod niya, saka kakaumpisa lang niya doon wala pa nga siya isang buwan na nagtatrabaho doon,
Naisip niya bigla ang katrabaho at kaibigan nadin niyang si Nichole, ito ang nagpasuk sa kanya sa trabaho niya ngayon baka may alam itong pwedeng mautangan ng pera
"Micah anak may sampung libo akong dala dito ibibigay ko sayo anak ito pagpasinsyahan muna sana anak hanggang diyan lang ang kaya kung maitulong sa nanay mo,
"huhuhu Ninang Julie maraming salamat po malaking tulong po iyan para sa nanay ko, napakabuti po talaga ng puso mo tatanawin ko po itong malaking utang na loob sayo
"Sus naman itong batang ito alam mo naman na hindi ko kayo pababayaan tama na ang kaka-iyak anak hindi natutulog ang dios malalagpasan niyo mag-ina ang pagsubok na ito,
"Salamat po Ninang Julie pero baka po may alam kang pwede mautangan kahit may interest pa po,
"Naku anak meron man pero hindi ganon kalaking halaga ang pwede mo mautang panigurado hanggang twenty thousand lang din
"Ganon po ba sige po ninang Julie tatawagan ko po ang kaibigan ko baka may alam siya,
"Sige anak dito lang ako wag mong alalahanin ang titingin sa nanay mo hindi ko siya pababayaan,
"Maraming salamat po Ninang Julie
Kinuha niya ang Cellphone at dinial ang numero ng kaibigan at katrabaho niya. agad naman itong sumagot sa tawag niya
"Hoy bakla kakahiwalay lang natin kani-kanina ahh, miss muna agad ako sabi nito sa kabilang linya,
"Huhuhu nicks si nanay isinugod ni ninang Julie dito sa Hospital, hindi niya napigilan ang pag,iyak habang kausap niya ang kaibigan.
"Ano B-bbakit A-ano ba ang nangyari kay tita sagot naman nito, sandali Mics pupuntahan kita saan bang Hospital iyan?
Sinabi naman niya sa kaibigan kung saang Hospital sila naroon nang nanay niya at makalipas ang kalahating oras nakita niya ang kaibigan naglalakad sa hallway papunta sa dereksyon niya, nang tuluyan itong makalapit sa kanya agad siyang yumakap dito at umiyak na naman
"Nics anong gagawin ko kailangan moperahan si nanay sa loob ng bente-kwatro oras saan ako kukuha ng pera kailangan ko daw muna makapag down dito ng two hundred fifty thousand pesos bago nila operahan ang nanay ko,
"Dios ko ano ba naman klaseng Hospital ito may emergency pero pera parin ang pinaiiral,
"Saan ba ang doctor na incharge kay tita, Tang*na hay*p galit-galit ang kaibigan niya sa oras na iyon,
"Nics tama nayan hindi tayo matutulungan ng galit mo,
"Nakakainis kasi ohh ito may dala akong twenty thousands dito pasinsya kana besty yan lang talaga pera kung naitatabi ngayon kaya yan lang maiitutulong ko kay tita,
"Pasinsya kana din besty kung pati ikaw inaabala ko alam ko pagud ka sa maghapon natin trabaho, pero nandito ka ngayon
"Suhussss naman bakit pa tayo naging magkaibigan kung hindi din lang kita matutulungan kaya nga mabuti pang wag kanang umiyak diyan dahil lalo kanang pumapangit bakla, lage ganito ang sinasabi ng kaibigan niya kabaliktaran ang sinasabi nito sa totoong hitsura niya
Siya nga pala siya si Michaela Castro dalawampu't limang taong gulang, maganda at maamo ang mukha mapupungay ang mga mata, na aakalain mong lage itong inaantok, mahahaba din ang mga pilikmata matangos ang ilong at may hugis pusong mga labi na hindi kailangan nang lipstick dahil natural na mapupula iyon mahaba ang buhok na tuwid na tuwid din iyon hanggang balakang niya kulay brown iyon kahit hindi naman niya pinakukulayan iyon, maputi ang balat, na hindi aakalain nang karamihan na laking siyang mahirap
Paano ba naman kasi subrang protective ang nanay niya sa kanya noong bata pa siya, hindi rin siya nito hinahayaang maglaro sa labas at simula pagkabata alaga na sa lotion ang balat niya.
Single mother ang mama niya tinaguyod siyang mag-isa nito, dahil iniwanan sila nang tatay niya sumama ito sa ibang babae galit-galit siya siya sa tatay niya dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa kanila, pero ang nanay niya patuloy padin itong umaasa na muling babalik ito sa kanila
Nasubukan lahat ang sideline nang nanay niya para lang maitaguyod nito ang pag-aaral niya, dahil ayaw nitong huminto siya sa pag-aaral niya kahit alam niyang nahihirapan na ito,
Tulad ng iba sila din ay nasubukan ang mag dildil nang asin dahil walang-wala talaga silang perang maibili ng pang ulam, kaya naman ipinangako niya sa kanyang sarili na mag-aaral siyang mabuti at magtatapos talaga siya
Nakapagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Business Administration, at nagtatrabaho siya bilang isang Secretarya sa SGC or Stewart Group of Companies sa kasalukuyan
"Kailangan niya ng five hundred thousand pesos o higit pa
"Bakla saan tayo kukuha ng ganoong halaga, twenty thousand lang talaga ang meron ako, alam mo naman na may mga umaasa din sa akin diba, saka umuupa ako nang bahay, bukod don nagbabayad ako nang ilaw at tubig kaya kunti lang naiipon ko, mahabang paliwanag nang kaibigan niya
"Alam ko iyon Nics, may naitatabi padin naman ako siguro nasa thirty thousand pesos pa iyon pandagdag, pero kulang padin, nicks baka naman may alam kang pwede mautangan kahit may interest okay" lang, basta maka survive lang ang nanay ko
Naiiyak na naman siya habang sinasabi iyon
Bigla itong nag,isip at tumitig sa kanya "B-bakit hindi mo subukan magsabi sa boss natin Mics, balita ko yung isa nating katrabaho doon nagsabi kay sa boss natin. kinailangan din yata nang operasyon nang kapatid naman non, sa boss natin siya nagsabi nang Cash Advance..
"Pero bago lang ako baka hindi ako bigyan non
"Wala naman mawawala sayo kung susubukan mo diba?
"Sasamahan kita bukas ng umaga pero besty ikaw ang magsasabi ha! pero besty maaga nama baka nasa opisina pa niya yon ngayon diba gabi na iyon kung umuwe ano gusto mo puntahan natin ngayon malapit lang naman yon dito makakarating agad tayo don
"Okay sige tara bahala na sandali ibibilin ko lang muna si ang Ninang Julie ko tumango naman ang kaibigan niya
"Ninang Julie, aalis lang po ako saglit ha! pakibantayan po ang nanay hahanap lang po ako nang perang pandagdag sa pang paopera ni nanay,
"Sus naman ang batang ito kahit hindi mo sabihin sa akin iyon talaga ang gagawin ko
"Maraming Salamat po Ninang Julie.. nginitian naman siya nito tawagan mo po ako Ninang Julie ha!
"Sige Micah, mag,iingat ka anak kaawaan ka sana ng diyos
"Salamat po ninang babalik din po ako agad
TO BE CONTINUED