Molly
"Saan ka ba nanggaling na babae ka?" bungad na tanong ni Kamille pagkapasok na pagkapasok ko palang sa unit na tinitirhan ko.
"Diyan lang sa tabi-tabi," saad ko saka ako nagtungo sa banyo upang uminom ng tubig.
Pinanliitan niya ako ng mata. "Nag bar hopping ka na naman siguro 'no? Hoy ah! Sinasabi ko sa iyo..."
"Siraulo. Mukha ba akong wasted?"
"Saan ka ba nagpunta?"
"Kasama ko ang boss ko, at may business siyang pinuntahan sinama niya ako."
"Si Terrence?" taas kilay na tanong niya.
"Sa kasamaang palad."
"Saan kayo nagpunta at umabot pa kayo hanggang hapon?"
"Business meeting sa ibang probinsiya," simpleng sagot ko.
Alam naman niya na si Terrence ang boss ko kaya why not gamitin ko ang pangalan niya di ba kesa naman mas magtanong siya kung saan ba talaga ako nanggaling. Minsan mahirap pa naman lusutan ang mga tanungan niya.
Nagtungo ako sa aking kwarto upang maligo at kahit papaano naman ay maginhawaan ang katawan ko. Mariin kong naipikit ang aking mga mata nang pumasok sa aking isipan ang nangyari kanina. Lintik na lalaki talaga iyon... sobrang manyak!
Hindi ko alam kung saan siya nagmana, ang sabi naman no Dee sa amin ay mabait ang Daddy niya... kaya hindi ko talaga alam kung saan nakuha ng gagong iyon ang uhaw niya sa babae pagdating sa kama.
"Pang-ilan naman kayo ako?" tanong ko sa aking sarili. "Ugh! Bakit ko ba kasi iniisip ang damuhong iyon?"
Pagkatapos kong maligo ay bumaba ako, nadatnan ko naman si Kamille na nanonood sa sala. Isa rin ang babaeng ito, ayaw majowa pero ginawang hobby ang panonood ng mga romantic movie na may malalang jugjugan scenes.
"Ayan ka na naman," saad ko saka ko siya binatukan.
Kamille never tried to commit in love... fling-fling lang daw ang gusto niya... no string attach eka nga niya. Sa aming apat na magkakaibigan tanging si Hazel lang ay may maayos na lovelife, dahil ang lovelife ni Dee na ipinagmamayabang niya sa amin ay nawala rin.
"Ito naman, suportahan mo na lang ako. Ito na nga lang nakakapagpasaya sa akin."
Tumabi ako sa kaniya.
"Miss ko ng mawasak," saad nito saka pa siya marahas na napabuntong hininga.
Ako nga nawasak kanina. Saad ko sa aking sarili.
"Molly, kailan ba ako makakahanap ng lalaki na magpapasaya talaga sa akin? Hindi iyong lalaking ang gusto lang ay katawan ko?"
Humarap ako sa kaniya at kinurot ang kaniyang magkabilang pisngi.
"Kapag marunong ka na ring sumeryoso," sarkastiko saad ko.
Sa totoo lang ay may mga lalaki namang naghahabol sa kaniya, kaya lang mukhang wala sa mga lalaking iyon ang gusto niya.
"Eh anong magagawa ko? Wala pa akong makita na perpek guy eh," pagmamaktol niya.
"Masyado kasing mataas ang standard mo, uso namang ibaba ng konti."
Mas lalo itong sumimangot kaya napailing na lamang ako. Nakuha naman ng atensyon ko ang aking selpon nang tumunog ito. Kita mo nga naman ang lalaking ito.
Bahagya akong lumayo kay Kamille bago ko sinagot ang tawag.
"Hello po, Sir. Bakit napatawag po kayo?" magalang na tanong ko kahit na sa lagay na ito at gusto ko na siyang bastusin.
"Come to my place now."
Agad na kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Siraulo ba siya? Wala kayang pasok today tapos gusto niya pumunta ako sa bahay niyo o kung saang lupalop man siya ng mundo naroroon? Kakauwi ko lang!
"Sir?"
"Be here in twenty minutes."
Bago pa man ako makapagsalita ay pinatayan na niya ako ng tawag. Shootangina talaga ng lalaking iyon.
"O bakit?" tanong ni Kamille nang makita niya ako.
"Pinapatawag niya ako. Letse talaga iyon! Walang pasok pero kung makademand akala mo naman kung sino," reklamo ko na halos ikaubos pa ng buhok ko dahil sa pagkakasabunot ko nito.
"Huh? Bakit daw?"
"Ewan ko."
Bago ako lumabas ng unit ay nagbihis at nag-ayos naman ako ng konti. Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay lumabas na ako. Hindi ko alam kung ano na naman ang tirp niya pero hindi talaga ako natutuwa sa kaniya.
Thirty minutes nang marating ko ang mamahaling hotel kung saan siya nakatira. Hindi na rin naman talaga ako magtataka kung isa siya sa mayayamang businessman na nakatira rito eh.
May nag-assist sa akin patungo sa exclusive unit niya. Nang bumukas ang elevator ay loob agad ng bahay ni Gago ang bumungad sa akin. Shoota! Totoo pala ang ganito? Na may elevator na diretso na sa mismong bahay.
Hindi ko maiwasang mamangha nang makita ko ang loob ng bahay ni Gago pero hindi ko siya nakita sa paligid. Napadako ang tingin ko sa isang maganda at tila mamahaling pintuan, siguro ito ang main door niya.
"O edi siya na talaga ang pinagpala," iiling-iling na saad ko.
Pero nasaan naman kaya ang gagong iyon? Pinapunta niya lang ba ako rito para ipainggit sa akin kung gaano siya kayaman at kung gaano kaganda ang bahay na tinutuluyan niya?
"Ano na naman bang trip ng gagong iyon... ayy shoota!" gulat na singhal ko nang pagbaling ko sa aking likuran ay naroon siya. "Ano bang ginagawa mo sa likuran ko?" pagmamaktol ko.
Akala ko mahuhulog na ang puso ko dahil sa kaba eh, siraulo talaga kahit kailan. Pero in fairness, parang ang bait niyang gago sa suot niyang plain shirt at short.
"Are you insulting me right now?"
Umirap ako saka ako bahagyang lumayo sa kaniya.
"Kung iyon ang tingin mo, edi oo, at saka bakit mo ba ako pinapunta rito? Kakauwi ko nga lang..."
Hindi ko nagawang ituloy ang sasabihin ko nang hapitin niya ang aking bewang palapit sa kaniya.
"Ano na naman bang trip mo?" aburidong tanong ko.
Hindi ko na tinangka pang magpumiglas dahil kahit na ano namang gawin ko ay hindi niya ako bibitawan.
"Kiss me."
Bahagya akong napahinto dahil sa sinabi niya ngunit agad itong napalitan ng sama ng tingin.
"Gago ka ba?" iritableng tanong ko. "Kung malandi ka, huwag mo akong idamay," dagdag ko saka ko siya marahas na itinulak palayo sa akin, buti na lang ay nabitawan niya ako.
"Tsk. You like it too."
Masamang tingin ang ibinaling ko sa kaniya.
Kung ano-ano na namang kahalayaan ang sinasabi niya. Katatapos lang kaninang umaga tapos... ugh! Ang dumi-dumi ko na talaga. Hindi ko ito kinakaya.
"Bakit mo ba ako pinatawag dito sa lungga mo?" pagtataray ko, kahit hindi niya sinasabing umupo ako sa mamahalin niyang sofa ay prente akong umupo.
Ibinagsak naman niya ang katawan niya paupo sa tabi ko kaya naman bahagya akong lumayo. Delikado na 'no! Baka kung saan na naman umabot ito.
"Wala ang secretary ko kaya ikaw na muna pansamantala ang mag-aayos ng mga kailangan ko. From my meetings up to the reports I'm going to check."
Nagtaas ng bahagya ang aking kilay.
"Okay. Yun lang ba? P'wede ng umalis?"
"Ayoko ng tatanga-tangang secretary," saad nito na akala mo naman bobo ako sa paningin niya. "Ren already prepared my schedule for a month, but still... as my assistant secretary..."
"Sa ilang linggo akong nagtatrabaho sa kumpaniya mo, ilang beses na iyang nasabi sa akin ni Secretary Ren," putol ko sa sasabihin niya dahil naiinis ako, akala mo kasi bata ako na kailangan niyang i-inform.
"Are you mad?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Hindi. Sinasabi ko lang."
Huminga ako ng malalim saka ako tumayo.
"Ito lang pala ang pag-uusapan natin hindi mo na lang itinawag o kaya sana nag message ka na lang," iiling na saad ko.
Tumayo rin siya at humarap sa akin.
"Sinong nagsabing ito lang?"
Isang malademonyong ngiti ang sumilay sa kaniyang labi.
"Dahil ikaw muna ang pansamantalang gagawa sa mga trabaho ni Ren..." bahagya siyang lumapit sa akin kaya naman napaatras ako. "I need to f*ck you first as a mark that you are mine."
Agad na dumaloy ang galit sa aking sistema dahil sa sinabi niya.
"Wala na talagang ibang lalabas sa bibig mo 'no?" sarkastiko tanong ko. "Baka nakakalimutan mo, may usapan tayo. Hindi mo ako magagalaw hangga't wala akong nakikitang improvement sa sinabi mo na tutulungan mo ako na makuha ang mga ari-arian ng magulang ko."
Mas lalong sumilay ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi.
"Sinong nagsabing walang improvement?"
Naglakad siya patungo sa isang mesa na maraming mga papel, nang muli siyang lumapit sa akin ay mahawak na siyang folder.
"My lawyer already reviewed your parents files."
Binuksan ko ang folder at agad binasa ang laman nito.
"At the age of 18 you will be the legal owner of your parents property, but... they transferred the name into theirs saying that they are now your legal guardian, but since you don't have any information with that..."
"Makukuha ko ulit?" putol ko sa sasabihin niya.
"Yes. But are you willing to sue your friends parents?"
Sinabi ko na rin naman ito kay Kamille, at alam niya rin naman ang ginawa ng magulang niya maging ang iba naming kamag-anak.
"Now that I got some news about you, it's time for you to pay me..."
"Teka! Hindi ka ba napapagod?" pigil ko sa kaniya.
Mahina itong tumawa. "No. Why would I?"
"P'wedeng utang muna?"
Bwisit naman na lalaki ito oh! Laging uhaw. Laki ng libog sa akin.
Mas lalo itong tumawa.
"Okay, but..."
Ito na naman ang but niya, kinakabahan ako kapag ganito eh.
"Kiss me."
Gusto ko na siyang murahin kaya lang pinipigilan ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim saka ako lumapit sa kaniya. Bahagya pa akong tumingkayad para lang maabot ang labi niya.
I kiss him. Idinampi ko lang ang labi ko sa labi niya.
"Masaya ka na?" iritableng tanong ko.
"Okay. You can go now."
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya at hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Mabilis kong tinungo ang elevator, buti na lang at hindi na siya humabol pa.
"Tiisin mo na lang muna ito, Molly. Para sa mga magulang mo ito," saad ko sa aking sarili.
Pagbukas ng elevator ay agad akong lumabas, ngunit napahinto ako nang makita ko si Dee. Shootangina.
"Oh? Anong ginagawa mo rito... teka! Galing ka ba sa bahay niya?"
Agad na nagsalubong ang kilay niya.
"Anong ginawa sa iyo ng lalaking iyon?" nanggagalaiting tanong niya.
"Kumalma ka nga," saad ko saka ko ikinawit ang aking braso sa kaniyang braso. "Pinatawag niya lang ako dahil nga ako muna ang secretary niya, wala kasi si Secretary Ren."
"Tsk. Sure ka? Wala naman siyang ibang ginawa sa iyo? Maglakad ka nga."
Kumunot ang noo ko dahil sa utos niya sa akin.
"Madalas kasi kapag may babaeng lumalabas sa elevator ng lalaking iyon, parang wasak na wasak eh."
"Gagi! Ibahin mo ako. Hindi ko isusuko sa kaniya ang perlas ko," pagsisinungaling ko.
"Dapat lang! Dahil kapag isinuko mo sa kaniya, who you ka na sa akin! Wala akong tiwala sa lalaking iyon, ayaw kong maging isa ka sa laruan niya."
Ito ang dahilan kaya ayaw kong malaman ni Dee ang tungkol sa nangyayari sa pagitan namin ni Terrence, dahil alam kong ayaw niya ni isa sa aming mga kaibigan niya ang maging laruan ng kapatid niya.
Sorry Dee, laruan na niya ako.
---