PROLOGUE
PROLOGUE
Since grade school kaming tatlo na ang paliging magkakasama, ako, si Miguel at Luke, pero sa aming tatlo si Luke lang ang napahiwalay, dahil sa isang insidenteng hindi inakala ng lahat.
Mga bata pa lang kami, aminado naman akong may iba akong nararamdaman para kay Luke, dahil para sa akin hindi lang isang kaibigan ang turing ko para dito, dahol mabait ito at maalaga sa akin, kaya't hindi ko napigilang hindi mahulog dito, hanggang sa mag-kolehiyo na kami ay lalo lamang lumalim ang paghangang nararamdaman ko para kay Luke.
Ngunit nagising akong isang araw na may kalituhan na akong nararamdaman sa aking puso at kaguluhan sa aking isip. Nagising akong minamahal ko na ang isa ko pang kaibigang si Miguel.
Pinilit kong balewalain at iwasan ang damdaming iyon, dahil alam kong walang nararamdaman o hindi gaya ng aking nararamdaman ko para dito ang nararamdaman nito para sa akin, lalo't alam kong may kasintahan ito.
Bawat araw na lumilipas ay lalo ko lamang itong minamahal, at hindi lang basta pagmamahal, kundi mahal na mahal.
Hindi ko inisip na mahuhulog ako kay Miguel, at hindi ko inakalang mamahalin ko ito, dahil ang nasa isip ko'y si Luke ang aking gusto, ngunit sa lumipas na panahon ay saka ko lang napagtanto na hindi pagmamahala ang nararamdaman ko para kay Luke, kundi parang isanv kapatid lamang, na marahil ay sa ginagawa nitong pag-aalaga kaya't nakita ko rito ang kawangis ng isang kapatid na lalaki.
Samantalang iba ang kay Miguel, dahil nang makita ko itong may kasamang ibang babae ay gano'n na lang kabilis ang paghuhurumintado ng aking puso at ramdam na ramdam ko ang matinding selos para sa babaeng kasama nito.
Subalit isang araw, nagulat na lang ako nang sabihin nitong mahal ako, at hindi naiiba sa aking nararamdaman ang nararamdaman nito para sa akin.
Sobrang kaligayahan ang aking naramdaman nang malaman kong parehas lang kami ng nararamdaman para sa isa't-isa.
Nanligaw ito, at sinagot ko naman makalipas ang ilang buwan, naging opisyal na magkasintahan na kami.
Masaya, at puno ng pagmamahal ang aming relasyon, subalit sa kabila ng kasiyahang iyon, ay hindi ko inakalang madudungisan ang aming maayos at masayang relasyon nang makita ko ito sa kandungan ng ibang babae.
Tumakbo at lumayo, umiiyak at nasasaktan na waring sinasakal ang aking puso sa sobrang sakit.
Lumipas ang mga araw at buwan na pinilit kong kalimutan si Miguel gano'n na rin ang mga sakit na aking nararanasan, ngunit sa bawat araw na tatangkain kong kalimutan ang lahat ay paulit-ulit ko lamang ding dinadaya ang aking sarili, lalo na ang nararamdaman ko para dito.
Mahal ko si Miguel, ngunit nadadaig ako ng takot. Gustong umiwas at tuluyan na lang itong kalimutan, subalit umaayaw ang akong puso, at nagsusumigaw ng pagtutol.
Nasasaktan ako, ngunit patuloy pa rin akong nagmamahal.
At sa pagmamahal na iyon, puno ng takot sa aking dibdib, takot na baka muli na naman akong bumigay at muling masaktan.